"You don't have to worry about Emery's, Huffle" saad ni Catherine, "Kung ito ang sa tingin mo makakabuti para sa'yo, hindi kita pipigilan" anito.

Tumigil siya at tumabi dito sandali. Napabuntong hininga siya, "Mahal ko pa siya, Cath" pagamin niya rito, "S-Sa nakalipas na taon wala yatang nagbago"

Nanahimik lang si Catherine at pinakinggan siya, "But, I'm done" she said, "Lalayo muna ako... Makakabuti rin ito hindi lang sa akin kundi sa pamilya ko"

"H-How's Tita?" Tanong nito muli, "Nagkausap na ba kayo tungkol sa..."

Mapait siyang ngumiti, "Hindi ko alam kung paano haharapin ulit si Mommy. Though I've told them about the fake papers, ang hindi nila matanggap ay ang hindi ko pagsabi ng totoo"

Sabagay, sino ba namang magulang ang matutuwa kapag naglihim ang anak? Lalo na kung ilihim ang tungkol sa apo na mamahalin?

"Just give them time, Puffie" Catherine held her hand, "and you as well. This is the time you have to let yourself heal lalo na ngayon malaya ka na"

"Malaya?"

Tumango ito, "When you chose to keep the baby hidden, I know you are keeping away yourself with the truth. Hindi ko alam kung papaano mawalan ng anak kaya hindi rin kita masisisi, but the time has come that it wasn't a secret anymore. You have to accept that it wasn't anybody's fault, kahit hindi mo naipanganak ang baby you can still love it"

Hindi niya namalayan na naluha na pala siya kung hindi pa pinunasan ni Catherine ang mga luha sa pisngi niya, "You think my baby hates me for keeping him or her a secret?"

Inakbayan siya ni Catherine, "I think he or she understands, you know why?" Umiling siya, "Because it's you"

Nagpapasalamat na lang siya at may kaibigan pa siyang kagaya ni Catherine. Her heart felt lighter, kahit papaano.

Ilang oras pa ay dumating na si Kuya Raven, ito ang maghahatid sa kanya sa Casa.

"Let's go?" Nang bumaba sila ay laking gulat niya nang sinalubong siya ng pamangkin na si Sofia. "They wanted to come"

Kumaway din sa kanya si Ate Abby na bitbit si Franz, "B-Buti nakasama kayo"

Ngumiti si Ate Abby sa kanya, "Nabanggit ng Kuya mo sa akin na gusto mong magbakasyon, sakto at naisipan kong balikan ang bahay."

"Will you be staying with me?" She lively asked. It's not so bad lalo na gusto niya rin makasama ang mga pamangkin.

"We can't" Kuya Raven said, "Ihahatid ka lang talaga namin. Maliban sa maraming trabaho ay alam mo ang kundisyon ni Mommy ngayon"

Oo nga pala.

"Hindi kita kinukunsinti, Huffle" pagtutuloy ni Raven, "Kapag maayos na si Mommy ay kailangan mo siyang kausapin, okay?"

Iyon naman talaga ang plano niya, "Yes Kuya"

"and stay away from that bastard" Kita niya ang pagtatangis ng bagang nito.

"Raven, not in the presence of the kids" saway ni Ate Abby pagkuwa'y binalingan siya "Mamaya niyo na pagusapan iyan okay?" Pinabuhat sa kanya ang bunsong anak ng mga ito at iniupo na niya si Franz sa baby seat habang si Sofia naman ang nilagyan ng seat belt ni Ate Abby.

Tahimik ang buong biyahe hanggang sa nakarating sila doon. Casa Sinfuego was a marvelous place, masarap ang simoy ng hangin at tahimik.

Parang nasa ibang bansa, parang sa New Zealand.

"Tita Huffle, let's go inside!" Aya ni Sofia sa kanya pagkuwa'y hinawakan ang kamay niya, "Let's play with my dolls!"

"Sige na, Huffle" ani Kuya Raven, "Ako na ang magdadala sa loob ng gamit mo"

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now