SANA (One Shot Story)

30 0 0
                                        

Sana.
by doramifasolatidooo

Si Mara.

Isang simpleng babae na tahimik lang na namumuhay.

Natutulog. Kumakain. Pumapasok sa trabaho. Uuwi. Tutulog na ulit. Araw araw ganoon lang 'yong routine niya.

Naniniwala si Mara na hindi siya friendly na tao at siguro 'yon ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagkakaboyfriend kahit kailan.

Mabait naman siya. Hindi man siya friendly sa paniniwala niya, marami naman siyang kaibigan at maayos ang pakikitungo sa kanya ng mga officemates niya.

Minsan napapatanong tuloy siya sa sarili.

"Hindi ba ako kamahal mahal? Hindi ba ako jowable?"

Sa katunayan siya na lang yung walang boyfriend sa mga katrabaho niya. Yung iba may asawa na, yung iba naman single pa pero may jowa naman.

Siya na lang talaga yung single. Single na walang jowa.

At medyo na prepressure siya. Well, hindi naman dapat pero kasi parang lahat na lang ata ng nakasalamuha niya nirereto sa kanya.

Natatawa na lang siya minsan.

Yung ibang nirereto sa kanya bet niya sana kaso may girlfriend naman. Sayang.

Yung isa namang irereto sa kanya biglang may jowa na daw kaya hindi natuloy.

Hindi niya tuloy alam kung baka ayaw lang talaga ng mga ito sa kanya at talagang hindi siya kaibig ibig.

Corny.

Hahahahaha.

"Hayaan mo bes. Darating din yung tamang tao para sa'yo. Huwag kang mapressure." Sabi ni Yana, bestfriend ni Mara.

Kumakain sila sa isang restaurant malapit sa office nila.

7pm na at kalalabas lang nila sa trabaho.

"Willing to wait naman talaga ako. Hindi naman sana ako maprepressure kaso itong si Madam panay reto sa akin kung kanikanino. Nakakaloka lang." Natatawang sabi ni Mara

"Hayaan mo na si Ma'am. Alam mo namang mabiro yun."

"Haaaay. Bahala na. Feeling ko nga payagan lang talaga ako ng parents kong magtravel hindi na ako magboboyfriend."

"Baliw. Ayaw mo bang maexperience magkalovelife?" Tanong ni Yana

"Gusto. Pero kung hindi kaloob ni Lord. Okay lang namang hindi." Saad ni Mara

Kung anu-ano pang napag-usapan ng magkaibigan hanggang sa nagdesisyon na silang maghiwalay bandang 8:30 ng gabi.

Alas nuebe na rin ng makarating si Mara sa bahay. Gusto pa sana niyang isipin at problemahin ang lovelife niya pero feeling niya pagod na pagod ang katawan niya sa isang maghapong trabaho kaya napagdesisyonan niya na rin na matulog na lang.

Kinabukasan...

"Maraaaaaa!!!" Sigaw ng nanay niya

Napabaligwas naman si Mara sa kama at napatingin sa wall clock sa kwarto niya.

Alas sais y medya na.

Hindi niya namalayan ang pagtunog ng alarm clock niya sa lalim natulog niya.

Isang panibagong araw na naman ang haharapin niya.

Nagmadali siyang kumain. Maligo. Mag-ayos sa pagpasok sa trabaho.

7:30am na ng makaalis siya sa bahay.

Sana hindi siya malate sa 9am call time.

Sa awa ng Diyos, hindi naman siya nalate. Ten minutes before 9am ng makarating si Mara sa office.

SanaDes histoires addictives. Découvrez maintenant