Ikaw at Ako Walang Tayo

104 9 1
                                        

Ikaw lang at Ako at Walang Masasabing Tayo

Prend Naaalala mo pa ba

Yung Oras na nangako tayo sa Isa't Isa

Diba sabi mo walang Iwanan at Tiis Tiis muna na tayo'y magkaibigan lang

Pero pag pwede na Sabi mo Balang araw ako'y iyong papakasalan.

Ang Saya saya ko Habang sinabisabi mo ang mga Katagang Iyon.

At di mawala sa Aking Isipan dahil parang sirang plakang paulit ulit kong naririnig.

Habang Tumatagal pasaya ng Pasaya.

Halos araw araw ikaw ang aking kasama

kaya nasanay na ako.

Nasanay na akong lagi kang nandiyan sa Tabi ko.

Nasanay na akong ikaw ang pumapawi ng mga kalungkutang nararamdaman ko sa Tuwing may Problema ako.

Tapos sasabihin mo 'Wag kang mag alala nandito lang ako hinding hindi kita iiwan"

Mga salitang Tumatak sa Aking isipan at aking pilit na pinanghahawakan.

Pero Bakit?

Bakit Unti unting nagbago ka?

Bakit Hindi mo na ako pinapansin?

Bakit bigla kang Nawalan ng Oras para saken?

Mga Tanong na Nabigyan ng Sagot nung nakita ko Kayo.

Oo Kayo at Hindi Ikaw at Ako.

Kayo na masayang magkasama

Kayo na magkahawak kamay

Kayo na sobrang sweet sa isa't isa.

Hindi ako Makapaniwala

Na yung Dating Ikaw at ako Napalitan ng Kayo

Nasaan na yung mga pangako mo Na Ikaw lang At Ako?

Yung mga Binitiwan mong salita na Hindi mo ako Iiwan.

Pero bakit ganun bigla mo akong Iniwan ng Walang Dahilan.

Sakin Tanging Pangako at pagkakaibigan lang ang kaya Mong ilaan pero bat sakanya.

Sakanya kaya mong ibigay ang Salitang Kayo.

Talo ako Kasi Ikaw at Ako lang ang Meron ako samantalang merong Kayo.

Napakasakit kasi Umasa ako Na balang araw magiging tayo.

Nasasaktan ako kasi Hindi mo tinupad yung mga pangako mo.

At mas lalo akong nasaktan nung nalaman kong ikakasal na Kayo diba Dapat Ikaw at Ako Yun.

Napakasakit isipin pero kailangan ko na Yatang tanggapin.

Nasasaktan ako ng Walang karapatan kasi wala namang Tayo at Never ng Magkakaroon ng Tayo kasi meron ng Kayo.

Sige Magpaparaya na ako kung yun ang Ikakasaya mo.

Salamat dahil napasaya mo ako.

Sana di mo na lang ako Pinangakoan pero tapos na yun eh Wala na akong magagawa.

Yung Dating dahilan ng kasiyahan ko Ngayon ay Sanhi na ng kalungkutan ko.

Napaka Unfair talaga ng Mundo.

Hanggang Dito na lang.
Magtatapos na ang Ikaw at ako kasi Meron ng Kayo.

At ang Salitang Tayo ay hanggang panaginip na Lang.

Ikaw at Ako Walang Tayo.

Tula Para SayoStories to obsess over. Discover now