“Thank you, doc… Edward.” Nagpasalamat ang daddy ko sakanila at inaya silang lumabas para mapag-usapan ang operation na gagawin. Naiwan kaming tatlo nila Mikael at Lance sa loob ng kwarto ko.

“Sabi ko sa’yo diba, gagawa ako ng paraan…” hinawakan ulit ni Lance ang kamay ko at hinalikan ito. “You just have to accept it, Mika.”

Binawi ko ang kamay ko mula sakanya. “Sino ba nagsabi sa’yo na gawin mo ‘yan?” I said, coldly. “I don’t want to be cured.”

“Mikaela…”

“Ai…”

Magkasabay silang nagsalita. “Can’t you just accept it?!” my jaw tightened. “Ayoko na. Ayokong nakikita kayong ganyan. Ayokong nakikita kayong nahihirapan. Ayoko na!”

“Mikaela, stop it!” Mikael hissed.

“Why would I, Mikael? Totoo naman e. Bakit niyo pinipilit pagalingin ako? What if there’s someone out there who needs it more than I do?”

“Just accept the fucking heart because I can’t just accept that I’ll lose you at wala akong magawa!”

“Kerko…” Lance tried to stop him. Nag-iwas ng tingin si Mikael. “Can you leave us, Saavedra?”

“Yeah… Alam kong alam mo ang dapat gawin,” he replied. “Mika… please, fight for us.” Lumabas siya ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni Mikael sa loob. Walang kumikibo sa aming dalawa. Nakatayo lang siya sa may bintana at nakatingin sa labas habang naka-upo ako.

“I never allowed anyone to mess with my head before, Mika. Ikaw lang.”

“Then it’ll be better if I just leave, right?”

“No. It’ll never be the same again kung mawawala ka. Ikaw lang ‘yung babaeng hinayaang kong guluhin ‘yung buhay ko. Ikaw lang ‘yung babaeng hinayaan kong tumabi sa akin sa pagtulog. ‘Yung babaeng pinagbigyan ko ng susi ng bahay ko. ‘Yung babaeng dinala ko sa special places ko. Ikaw lang ‘yung babaeng gusto kong makasama, Mika.”

“You’re making it harder for me, Mikael.” Tears start falling. “Alam mong mahal na mahal kita, diba? Pero alam ko ‘din na nagiging pabigat ako sa lahat. Ayoko na. All my life, I was a burden to everyone. Kay Mommy, Daddy, Kuya Thunder and Hunter. Laging ako nalang ang iniisip nila. This time, ayoko na silang mapagod. Tama na…”

“I’m here for you. Hindi ka naging pabigat sa akin. Never.” Naglakad siya palapit sa akin. “Mikaela, please? Do the operation.” Pinunasan niya ang luha ko. “Do it for me, Ai.”

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. “I love you, Mikael…”

“Mika…”

“Ayokong nahihirapan ka…” I nodded. “I’ll do it. Just promise me one thing.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Where stories live. Discover now