Chapter 19: The Kiss

En başından başla
                                    

"Please?" Pabebe kong sabi, napansin ko namang napangiti ng bahagya si Ela. First time kong ginawa ang magpabebe in my 21st existence in this world. At oo aaminin ko nakakainis magpabebe, parang bata kasi na namimilit na payagan.

"Sige, basta after that dapat ihatid tayo ni Ela pabalik ng station." Nginitian ko si Jane at ginatihan niya naman ako. Gagawin ko ito hindi para kay Ela kung hindi para masagot ang tanong ko.

.
.
.
.

Jane's POV

After that day, magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko. Saya dahil after few years nakita ko na ulit siya, kaba naman kasi baka mas masaktan lang ako sa maaaring mangyari.  Gusto kong kausapin  mag isa si Ela matapos ang araw na iyon, sobrang namiss ko siya. Pero hindi ko magawa dahil lagi niyang kasama si Kai, at ang mahirap parang ang hirap itanong kay Kai kung ano ang nangyari sa dalawang taon ni Ela sa Europe. Mas matagal kasing kilala ni Kai si Ela  kaysa sa akin, kaya sumagi din sa isipan ko na magtanong kay Kai. Oo kanina ko lang nalaman na magkaibigan sila. Nalaman ko lang kay Ms. Hikari.

Linggo ngayon, at dahil may usapan kami ni Kai maaga akong nagising para mamili ng grocery. Nabago ang venue namin, dahil may biglaang meeting si Anne sa bago niyang negosyo. Habang nasa supermarket, isang tao ang kanina lang ay iniisip ko. Napatigil ako sa snacks section kung saan napansin ko si Ela na namimili. Napangiti ako dahil chance ko na ito para makausap siya, aktong lalapit na sana ako ng biglang may tinawag siya. Ally ang pangalan ng lalaking iyon, matangkad at may hitsura. Lumapit sa kanya ang lalaking iyon at ngumiti na ikinainis ko naman.

"How about snacks?" Rinig kong sambit ng kasama niyang Ally ang pangalan tumalikod ako at dali daling naglakad palayo sa snacks section. Napansin kong biglang nawala si Ela kung saan nakatayo at naghihintay ang kasama niyang lalaki. Dirediretso akong naglakad para makalayo sa section na iyon.

"Jane?" Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Hindi ako makalingon sa pinanggalihan ng boses na iyon. Alam kong si Ela ang tumawag sa akin, at di ko magawang kumilos sa mga sandaling iyon.

"Okay ka lang?" Nagulat ako ng bigla  siyang pumunta sa harap ko. Hindi ako makatingin sa kanya sa mga sandaling iyon, gusto ko siyang yakapin pero tila naging istatwa ang katawan ko na hindi ko maigalaw.

"Yes, I'm fine. Sorry I have to go." Nagmadali akong naglakad ng walang lingon lingon, ewan pero parang ayaw kong umalis sa harap niya gusto kong titigan ang mga mata niya pero natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin.

Dumaan muna ako sa isang coffee shop para makapag almusal. Wala din kasing lutong pagkain sa bahay, tsaka sa condominium ang diretso ko. Naka order na ako ng biglang may tumawag sa akin, iniwan ko sandali ang pagkain at lumabas sa terrace ng coffee shop.

"Sige tawagan mo na lang ulit ako after mo diyan. Sige bye." Paalam ko sa kabilang linya. Bumalik na ako sa table ko para  makakain, after kong kumain ay gumamit muna ako ng banyo. Naghugas ako ng kamay at naglagay ng kaunting polbo sa mukha. Oo polbo, di naman kasi ako oily face kaya sapat na sa akin ang polbo. Then nag apply din ng kaunting lipstick. Napa pouty pa ako na akala mo ay nagpapakuha ng litrato. Ngumiti ako sa harap ng salamin na parang kaharap ko si Ela. Napabuntong hininga na lang ako sa pinaggagawa ko at sa imahinsyon ko.

Hay kung ano ano na naman ang mga pinaggagawa mo sa sarili mo. Usal ng isip ko habang ibinabalik sa bag ang lipstick at polbo na ginamit ko. Nakakailang hakbang pa lang ako palabas ng banyo ng makita si Ela papasok. Napatigil ako sa paglalakad ng makita niya ako. Nakatingin lang ako sa kanya ng diretso at hindi ko maialis ang titig ko sa kanya. Dahan dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko, guguhit na sana sa labi ko ang isang pinakamagandang ngiti sa buong buhay ko ng lumapit siya pero hindi iyon natuloy ng lampasan niya ako at dirediretso sa may lababo para maghugas ng kamay niya. Napatungo ako sa mga sandaling iyon, yung sandaling gusto mo siyang hilahin pabalik sa kinatatayuan mo para yakapin. Lumunok ako ng malalim at aktong hahakbang na palabas.

"How are you?" Isang nakakabinging tanong ang pinakawalan niya na nagpatigil sa aking paghakbang.

"What?" Paglilinaw ko.

"Never mind." Pag snob niya sa tanong ko. Napasimangot ako ng sabihin niya iyon, hindi naman niya napansin dahil kumuha siya ng tissue paper.

"I miss you." Tiningnan ko lang siya ng marinig ko iyon mula sa kanya.

"Hindi mo ba ako namiss?" Sunod niyang sambit, pero kahit isang salita walang lumabas sa labi ko. Lumapit siya sa akin, doon ko na lang napagtanto na halos magkalapit na ang aming mga labi. Nakatingin lang ako sa mapula niyang labi na sa tingin ko ay masarap halikan. Di ko pa pala namention sa inyo na hindi ko pa siya nakikiss sa labi noong kami pa, holding hands lang at hugs.  Mas inilapit pa niya ang mukha niya, pero ngayon nakangiti ang mga labi niya. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at may ibinulong.

"I miss you so much." Di ko alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Sa lahat ng sinabi niya bumabalik lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Lumayo siya sa akin matapos akong bulungan. Naglakad siya palabas pero hinila ko siya pabalik. Sa paghila ko ay agad niya akong hinalikan sa labi, bumitaw ako sa halik niya dahil ang gusto ko lang naman talaga ay makausap siya.

"Ela." Sambit ko pero muli niya akong hinalikan, sa pangalawang pagkakataon ay nagustuhan ko naman, kaya dahan dahan akong tumugon sa mga halik niya. Isinandal niya ako sa pader habang patuloy kaming naghahalikan. Ramdam ko ang kamay niya na gumagala sa baywang ko. Niyakap niya ako ng mahigpit habang hindi niya pinuputol ang paghahalikan namin. Its so passionate and I can't explain what's next, the more she's kissing me in my lips the more I feel that I still love her. Although I suffered a lot pain I've experienced few years ago and it's equivalent of what happening now. I stopped when she tried to enter her tounge into mine.

"Ela." Paghahabol hininga kong sambit ng itigil ang paghahalikan namin.

"Why? Is there something wrong?"

"Nothing but....
Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng muli niya akong halikan. Hindi ko mapigilang hindi tumugon, nadadala ako sa bawat paghawak niya sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Wait Ela."

"Why?" Tanong niya habang hinalik halikan ako na parang baby.

"We're in public restroom." Pag aawat ko sa kanya. Tumigil siya ng sabihin ko iyon.

"Sorry." Inayos niya ang sarili niya, nagretouch ako ng kaunti dahil kumalat ang lipstick ko sa paghahalikan namin. Gayundin siya na nakangiti habang hawak ang kabila kong kamay. First time ko siyang mahalikan sa labi but she is not my first kiss na babae. Actually, noong bata ako hinalikan ko yung kalaro kong babae sinabunutan pa nga ako dahil sa ginawa ko. Paano ba naman e inaaway ako edi yun hinalikan ko para tigilan ako. Hayss, nasaan na kaya ang babaeng iyon? By the way, hindi naman talaga ako lesbian pero ng makilala ko si Ela, nagbago iyon. Straight kaya ako, pinalambot lang ni Ela hayss bakit kasi ang ganda  at ang thoughtful ng babaeng ito.

Moving on I feel happy to see her. But there is something I need to ask and I need an answer for it.

"Are you okay?"

"Yeah." Sagot ko sa tanong niya, nang matapos naming magretouch ay lumabas na din kami ng restroom. Agad kong inialis ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin ng makita ko si Ally na tila nag aabang kay Ela.

"Why?"

"I'm sorry I need to go." Nagmadali akong lumabas at sumakay sa kotse ko papuntang condo. Habang nasa daan ay di ko napansin na nakahawak pala ako sa labi ko.

What is the meaning of that kiss? Is she still love me? Or she just want my forgiveness? Natatakot ako sa tanong ko sa sarili ko.

It's ComplicatedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin