Basahan

28 4 6
                                        

Friday na naman ngayon. Hayst. Maglilinis na naman ako sa room dahil isa ako sa mga nakaassign ngayong araw. Pero ayos lang HAHAHAHAHAHA. Kasi kasama ko naman maglinis yung crush kong si Kyle. Uwian na at nagsilabasan na silang lahat. Kaming mga maglilinis na lang ang natira.
"Nakatulala ka na naman diyan. Linisin mo na agad yan Nica at ayusin na natin yung mga upuan para makauwi na tayo agad.", sabi ni Kyle. Sinunod ko naman ang sinabi niya at pinunasan ang mga alikabok gamit ang basahan. Natapos na kaming maglinis at magkasabay na kaming umuwi.
"Malapit na pala yung moving-up natin noh?", sabi ko kay Kyle.
"Oo nga eh. Magkakahiwalay na tayong lahat. Iba-iba kasi tayo ng gustong school.", sabi ni Kyle.
"Basta magkakaibigan pa rin tayo ah", sabi ko naman sa kanya. "Sige bye na, sakay na ako.", sabi ko sa kanya.
Nakauwi na ako at nagpahinga na muna dahil ang daming kalat ang nilinis namin sa room.
Binuksan ko ang cp ko at tumingin sa mga memes. Natawa naman ako sa mga ito.
Hapunan na at kumain na kaming lahat. Umakyat na ako sa kwarto at nakita ko ang chat sa akin ni Kyle.
"Nica, pwede bang ikaw na lang ang gumawa ng report natin para sa Monday?", sabi nito sa Messenger.
"Sige, no problem.", ang tanging ini-reply ko sa kanya.
Ginawa ko ang mga visual sa report namin. Nagpuyat ako at 12 am na ako natulog.
Lumipas ang weekend at pumasok na ako sa school. Pumunta ako sa upuan ng kaibigan kong si Anne. Nang pabalik na ako sa upuan ko, nadaanan ko ulit ang upuan ni Kyle.
"Nica! Nagawa mo na yung report natin mamaya sa Math?", sambit ni Kyle.
"Oo naman.", sabi ko.
"Sige. Pwedeng ikaw na lang din ang magreport? Ayaw kasi nilang magreport eh.", pakiusap niya.
"Sure.", yun na lang ang nasabi ko kahit medyo labag sa kalooban ko.
Nakapagreport na ako. Pauwi na ako sa bahay at tinawag ako ni Kyle.
"Nica!"
Lumingon ako at nakita ko siya sa likod ko. "Pwede bang sabay na lang ulit tayo umuwi? Wala kasi yung mga ka-tropa ko. Wala akong makasabay.", sabi ni Kyle.
"Sige lang. Ayos lang naman sakin.", ang isinagot ko. Naglakad kami hanggang dumating na sa punto na sasakay na ulit ako. "Byeee. Sakay na ako.", pagpapaalam ko. "Bye. Ingat.", sabi niya.
Nakauwi na ako at maglalaro na ako ng paborito kong laro, Mobile Legends. Pagkatapos kong maglaro, natulog na ako.
~Fast Forward~
Friday na naman ulit. Kinuha ko na sa cabinet ng room namin ang basahan at sinumulang gamitin ito upang lagyan ng floorwax ang sahig. Natapos kong lagyan ng floorwax ang sahig.
"Nica, pwede ba na magpatulong sa mga assignment?", sabi ni Kyle.
"Sige.", isinagot ko sa kanya. Kahit na may pagtingin ako kay Kyle, parang hindi na tama na ganto ako. Hindi na ata tama itong pagpayag ko.
Umuwi na ako pagkatapos maglinis. Habang naglalakad ako, nakita ko siya. Kasama ang mga kaibigan niya at nagtatawanan sila. Palihim kong sinundan sila.
"Uy Kyle! Anong meron sa inyong dalawa nung Nica?", sabi ng ka-tropa niyang mas matangkad sa kanya.
"Oo nga!", gatong naman ng iba niyang kaibigan.
"Wala naman. Nandiyan lang siya lagi pag may kailangan ako sa kanya. Pero 'wag kayong mag-alala. Kayo pa rin naman ang mga tunay na kaibigan ko. At saka may iba akong gusto, hindi siya.", sabi ni Kyle.
Nanikip ang dibdib ko sa narinig ko at muntik nang tumulo ang luha ko. Ganun lang pala ang tingin niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili ko hanggang sa makauwi ako. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at lumuha. Nakablock na siya sa lahat ng social media accounts ko. Hinayaan ko na lang ang nangyari, tutal next week na ang moving up.
~Fast Forward~
Bukas na ang moving up at hindi pa kami ulit naguusap. Pero gusto ko sana magbigay ng remembrance kay Kyle. Bumili na ako ng ibibigay ko sa kanya. Namasyal-masyal ako at umuwi na. Pag-uwi ko ay natulog na ako, kahit hindi pa ako kumakain.
~Pagkalipas ng ilang oras~
Kagigising ko lamang at naligo na ako. Kakain na sana ako, nang may tumawag sa akin at unknown number. "Nica?", ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Sino po ito?", sambit ko.
Wala na akong narinig na sumagot kaya ibinaba ko na at kumain na ako.
Inayusan na ako ni Mama para sa moving-up. "Ganda naman ng anak ko!", sabi niya. "Manang-mana ka talaga sa akin.", dagdag pa niya.
Pumunta na kami sa moving-up sa school namin. Bitbit ko ang remembrance na ibibigay ko kay Kyle mamaya.
Natapos na ang seremonya nang makita ko siya.
"Kyle."
"Bakit Nica?"
"Sorry sa pag-block ko sayo."
"Ah wala yun."
"Ito nga pala. Remembrance na ibibigay ko sayo. Buksan mo na."
Binuksan niya nga at bumungad sa kanya ang hindi inaasahang matatanggap niya.
"Basahan?", ang sabi niya.
"Oo."
"Bakit mo naman naisip na ibigay ito? Ah alam ko na! Siguro dahil sabay tayong naglilinis ng silid kapag Biyernes. Tama ba?", natatawa niyang sabi.
"Hindi.", tipid kong itinugon sa kanya
"Kung ganun, anong dahilan?", nagugulumihanan niyang itinanong.
"Dahil maaalala mo ako diyan sa ibinigay ko."
"Huh? Paano?"
"Eh kasi nga para lang naman akong basahan. Pagkatapos niyong gamitin at pakinabangan, iiwan niyo na lang.", sabi ko at iniwan siyang tulala.

BasahanWhere stories live. Discover now