Tibo-Tibok 6

407 18 4
                                    

Chapter 6
Tibo-Tibok
Written by RIP
~~~

Alpha POV

Naka tanaw lamang ako sa papalayong si Jack habang sunod sunod na tumutulo ang luha ko.

Hindi ba't ito naman ang gusto ko? Ang lumayo siya at wag ng bumalik sakin? Naka move on na ako.

Kung kelan tanggap ko ng hindi na kami pwede ay saka siya babalik para guluhin nanaman ang buhay ko.

Jack ano bang ginawa mo? Ikaw lang ang hudas na gumulo at nag ayus ng buhay ko. Ikaw lang walang iba.

"Sundan mo na boss." Nanatili akong naka tingin sa papalayong si Jack.

"Ayoko." Matigas kong sabi.

"Ikaw din, mag sisisi ka kapag ginawa niya talaga yung sinabi nya." Dinig kong sabi ni Bo.

"Para saan pa at susundan ko sya?" Tanong ko.

"Mahal mo sya, alam namin yun simula ng palihim mo syang pinag mamasdan sa malayo." Sabi ni Ado.

Tumingin ako sa dalawa.

"Kapag naka sakay na siya sa kotse nya baka iwan ka na niya. Ikaw naman ang mag habol." Sabi nila kaya agad akong napa takbo.

Hindi ko alam kung bakit ba ako tumatakbo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para gawin to.

Pinalaya na niya ako. Malaya na ako pero anong katangahan nanaman ang sumanib sakin para habulin siya?

"JACK!" sigaw ko at mas binilisan pa ang pag takbo. Nakita kong hinawakan niya ang pintuan ng kotse niya at bubuksan na sana ng agad ko itong pinigilan.

Sa sobrang bilis ng takbo ko ay bumalibag ang katawan ko sa pintuan mg kotse niya dahilan para mag ingay ang kotse nya.

Tila gulat na gulat naman si Jack ng makita akong hinihingal.

"A-alpha." Utal ng tawag.

Tinignan ko siya sa mata at umiling.

"Bakla..." Sabi ko at hinabol ang hininga ko.

"A-ayus ka lang ba?" Tanong niya.
Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinitigan ko lamang siya at hinabol ang hininga.

Papayag ba ako na mawala itong lalaki na ito sa buhay ko?
Pero diba siya naman na ang nag palaya?
Tama bakit ko hahabulin ang isang gaya niya?

"May nakalimutan ka." Sabi ko at nilabas yung bracelet na sinauli niya sakin.

Naka tingin sya sa kamay ko.

"Hindi ko kailangan yan. Isa pa diba tinapon ko na yan? Bakit binalik mo pa sakin?" Matigas kong sabi at pabalibag na hinampas sa dibdib niya ang bracelet.

Nakita ko ang pagka dismaya sa kanyang mga mata. Unti unti itong napalitan ng napaka lamig na tingin.

Kinuha niya ang bracelet at nag lakad sa kung saan saka tumapat sa basurahan at siya mismo ang nag tapon non.

"Happy?" Malamig na tanong niya sakin saka ako tinulak palayo sa kotse niya.

"Dapat tinapon mo nalang ulit.  Hahabulin mo pa ako para lang sa basura na yun, ginasgasan mo pa ang kotse ko." Malamig niyang sabi saka pumasok sa kotse niya at pinaharorot ito paalis.

Nakatingin lamang ako sa basurahan kung saan niya tinapon ang bracelet.

Natawa nalang ako at napaiyak saka bumalik sa bahay.
Ng maka balik ako sa bahay ay agad akong sinalubong nila ado at bo hindi ko naman sila pinansin dahil pagod na ako at gusto ko munang mag pahinga.

Jack POV

Muli kong inalala ang mga masasakit na salitang sinabi sakin ni Alpha. Napa iling nalang ako at muling napa luha habang nag mamaneho.

Talaga bang wala na akong pag asa?

Agad akong napa mura ng maalala ko ang mga salitang binitawan ko kay Alpha bago ako maka alis.

Ililiko ko na sana ang kotse ko ng bigla akong nakaramdam ng pananakit sa puso ko.
Napa hawak ako don gamit ang isang kamay ko at inabot ang lalagyan ng gamot ko. Saktong naka stop naman ang stoplight kaya nabuksan ko ang gamutan ko pero wala itong laman.

Saka ko lang naalala na hindi pala ako naka bili.
Nag kulay green na ang ilaw sa stoplight kaya naman tiniis ko na muna ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

Huminga ako ng malalim at mas naramdaman ang sakit sa puso ko. Unti unting sumisikip ang pag hinga ko.

Fuck not this day please...

Naipikit ko nalamang ang aking mga mata ng mas tumodo pa ang sakit na nararamdaman ko.

Hanggang sa

*booggshhhh

Sa pangalawang pag kakataon, naaksedente nanaman ako pero wala siyang pake alam.

Unti unting nag blurred ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.
~~

Tweet me @redious_in
Fb: Nam Hyun Ki
Ig: rediousinpaper

Tibo-Tibok (KNKTT book 2)Where stories live. Discover now