"Hi, Luan. Pa-order ng iced coffee." Sabay kaming napatingin ni Carlo– Carla sa nagsalita.

"Oh, ayan na pala ang jowabels mo!" He said then giggled again. I shook my head as I sighed.

"He's not my boyfriend." I said and smiled with Carlo.

Nagkibit-balikat siya. "LQ lang iyan, maayos niyo pa iyan. Kapag may humarang kasi, sagasaan mo agad." Kinindatan niya pa ako. Medyo napawi iyung ngiti ko. Sana nga LQ lang.

"Break na kami." Mahina kong saad habang kinukuha iyung order ni Alex. Nasa may isang table na rin siya at busy sa pagce-cellphone, katext siguro 'yung bago niyang girlfriend?

"Really?" There's a hint of pity in his voice.

"Yes. Nung birthday ko." Muntik ko pang maihagis 'yung iced coffee na dala ko dahil sa paghampas niya sa lamesa.

"Pusang gala naman pala! Bakit kayo nagbreak? May malanding impokrita ba ang paharang-harang?" I sighed. He's always like that kapag alam niyang nasasaktan ako. Sometimes, he's acting like my older brother– or sister?

"'Wag mo ng intindihin iyon." Bumuntong-hininga rin siya.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, 'wag ka agad maniniwala kay Alex! Playboy ang tarantado na iyon! Anong ginawa mo nung nagbreak kayo? Minura mo ba 'yung babae? Sinugod? Sinabunutan?" Napahinto ako at nilingon siya. Kanina lang ang sabi niya ay ilalakad niya pa ako kay Alex tapos ngayon, sinisiraan niya na 'yung tao.

"Bakit ko naman mumurahin, susugudin at sasampalin? Nakalimutan ko ngang sabihin na stay strong e." Hinampas niya 'yung noo niya. Para siyang naghi-hysterical. Minsan talaga, hindi ko maintindihan 'tong bakla na 'to.

"Masyado ka talagang mabait. Nakakainis ka. Hindi ka ba nagagalit?"

"Masama sa puso ang magalit." Napairap siya.

"Ewan ko sa'yo, Luan Keihl C. de Lara. Masyado sigurong banal ang magulang mo nung ipinagbubuntis ka." Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Dala-dala ko 'yung tray ng order ni Alex.

Pagdating ko sa table niya, inilapag ko agad ito.

"Here's your order, Sir." He looked at me and smiled. That smile.

"Thank you. Here's my payment." Nilapag niya 'yung pera at kinuha ko. I was about to made a step backwards nang hawakan niya 'yung braso ko.
"Let's talk..."

Parang biglang tumigil ng ilang segundo ang mundo ko. Tinaggal ko 'yung pagkakahawak niya sa braso ko.

"I'm busy. At nasa trabaho po ako."

"Wala pa naman kayong costumer, at 'wag kang magpo, iniisip ko tuloy na parang ang tanda ko na." Nakatingin lang ako sa kanya. He is still smiling.

Is he happy that I am hurting?

"Okay." Nang matahimik siya.

Saturday. Ngayon 'yung party namin, graduation party sa bahay nila Ivan. At syempre, hindi ako pupunta, ano bang mapapala ko roon? Para makita si Alex? 'Wag na lang. Marami pang bagay na mas mahalaga kay Alex akong gagawin. Wala naman akong pasok kapag Saturday dahil day off ko ngayon. Napakaboring naman, matulog na lang kaya ako?

Ano bang ginagawa ko nitong mga nakaraang araw? Pagdating ko galing sa coffee shop na pinag-eextrahan ko, matutulog na ako. Minsan, hindi na ako kumakain. Napakaboring at nakakatamad talaga ang buhay ko. Siguro, nako-corny-han na rin sa akin si Alex kaya siya nakipagbreak.

Sige, i-down mo lang ang sarili mo, Luan.

Diyan naman ako magaling.

Napatayo agad ako sa foam nung may narinig akong kumakatok. Binuksan ko 'yung pinto at nakita ko si Xsen. Ngumiti ako.

The Two Weeks Relationship Where stories live. Discover now