Chapter 1: Letter

512 13 0
                                    

ELLAINE SUZY FRANCISCO

"Hey, Nakikinig ka ba?" Hindi ko pinansin ang pagyugyog sa'kin ng kambal ko. Si Elliene

I'm busy kasi looking at my crush :">

He's just sitting on the ground and reading a book. Kahit ganun pwesto niya. Ang hot n'yang tignan

"Ellaine Suzy Francisco, Nakakairita ka na ah" Tumingin ako sa kanya

"Ngayon mo lang napansin?" Umiwas din kaagad ako nang tingin sa kanya.

I heard her sigh pero hindi ko pinansin 'yun.

"Tsk! Bahala ka na nga jan" Tumayo siya.

"Where are you going?" She look at me blankly.

"Jan lang sa library, Hinihintay na ako ni boyfie eh" Magsasalita pa sana ako nang tumakbo na siya.

'Ano ba yan, Inuuna muna ang boyfriend kesa sa kapatid. Hmp!'

I just smile and return my gaze to my oh so hotness crush. Ihh kinikilig ako :>

Pinagmasdan ko 'yung pawis niyang mukha. T-teka! Pawis?

OhMy! Hindi siya pwedeng pawisan.

Dali-dali akong kumuha nang panyo at tumayo.

Aabutan ko na sana siya nang panyo when someone already gave him.

"Uhm, Babe. Here oh, Pinagpapawisan ka na eh"

Kilala ko 'yung Babae. Siya 'yung Girlfriend niya. Ang bestfriend ko. I sighed.

Pinanood ko lang sila, Pinatong ko 'yung baba ko sa lamesa. Hayy, para akong nanonood ng romantic movie

"Uhm Miss?" Tumingala ako at may nakita akong lalakeng mukhang new student. Wow, Ang hawt niya. Pero mas hawt ang bebe ko, si Alfonso :>

"Yes?" Sabi ko at umupo nang maayos.

"Alam mo ba kung saan dito 'yung Room 102?"

Umupo ako nang maayos.

"Diba nakikita mo 'yung hagdan na yan?" Tumango siya. "Umakyat ka jan, tapos kumanan ka then turn right again when you see a sign 'principal's office' tapos may makikita kang hagdan dun, umakyat ka ulit. Turn left and you'll reach your destination" Sabi ko habang nakangiti

Nakita kong natulala siya sa sinabi ko. Hindi niya ba gets?

"Uhm, Di mo ba gets?" I ask.

Tumingin siya sa'kin. "Medyo" Ngumiti siya.

Ohmygosh! Ang gwapo nya ngumitii! *O* pwede na pang commercial ng colgate.

"Hayaan mo, Sasamahan na lang kita. By the way. I'm Ellaine Francisco" I offer my Hand

"E-ellaine?" Tumingin siya sa'kin nang pagkagulat.

"Yes, Bakit?" Binawi ko na 'yung kamay ko, natakot ako dun ah.

"H-hindi mo ba ako naaalala? Ako to si Raphael! Grabe, Ang laki nang pinagbago mo ah" Huh? Anong pinagsasabi niya?

"I'm sorry pero hindi kita kilala" Sabi ko at umatras. He's scary na.

Humakbang siya papalapit sa'kin.

"Ella, Hindi mo na ba ako natatandaan?" Hahawakan na sana niya ako ng biglang..

"Hey Bro, Dito ka rin pala pupunta" May umakbay sa'kin at hinawakan nang mahigpit 'yung braso ko. Alam kong si Adiel 'to.

"Uhh-- Oo eh, Nagpapatulong kasi ako kay Ella" Mukhang nagulat si Adiel sa pagtawag sa'kin ni Raphael.

Official or Un-Official?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon