"Please wag mo kaming iwan ate, hindi namin kaya na wala ka." Pagmamakaawa ng kapatid ko. Alam kong napakasakit na iwan ko sila pero kailangan.
"Sorry, kung iiwan ko kayo mga kapatid ko, magtatrabaho lang si ate. Wag nyong kakalimutan na mahal na mahal ko kayo." Sobrang sakit, hindi ko na mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo ng mag simula na silang mag-iyakan. Ayaw na ayaw ko ang makikita sila na umiiyak, pero heto't ako pa ang nagpa-iyak sa kanila.
"Babalik ka naman ate diba? " tanong ni Jenny na kapatid kong babae. Dito nako humagulhol sa pag-iyak dahil sa tanong niya.
"Oo naman, babalikan ko kayo. Promise ni ate yan, basta wag kayong magpapasaway kay ate Betty ha? Mahal na mahal ko kayo, Jenny? Peter? Wag kayong magpapasaway ah? Marunong naman na kayo sa gawaing bahay kaya wag nyo nang iasa kay ate Betty lahat ah." Di ko Alam kung makakabalik pa ba ako, pero sisikapin kung makabalik. Para lang sa mga kapatid ko.
"Oo naman po ate, basta babalik ka ah? Peter.
"Ate sa pag-uwi mo wag mong kakalimutan ang pinakamagandang bulaklak para kay nanay ah?" Umiiyak na tanong ni Jenny.
"Hinding -hindi ko makakalimutan yan Jen, si nanay pa? Malakas sya sakin eh hehe." Miss na miss ko na si nanay, ilang araw na din yung lumipas na nawala sya. Sobrang sakit, kahit ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit.
"Sige na ate, baka malate kapa sa flight mo. " peter.
"Pinapaalis mo na talaga ako peter no?" Mamimiss ko tong makulit kong kapatid.
"Ahh hehe baka lang naman po ate."
"Oh cge na Jen, Peter tsaka ate Bettey aalis na ako. Wag nyong kakalimutan yung mga sinabi ko sa inyo kagabi ah? Aalis na ang ate." Napakasakit man pero kailangan.
"Ate, mahal na mahal ka namin." Sabay nilang sabi.
"Mahal na mahal din kayo ng ate." Nagsimula na namang tumulo yung luha ko, makakaya ko to. Kakayin ko.
"Cge na Audrey, ako na ang bahala sa mga kapatid mo. Mag-iingat ka don ah, mag text ka pag nakarating kana. Mahal na mahal kita pamangkin ko." Mas lumakas yung iyak ko nung sinabi ni ate na mahal na mahal niya ko. Minsan lang kasi sya ganyan.
"Mahal na mahal din kita ate, kayo na pong bahala sa mga kapatid ko ate ah."
"Cge na cge na, baka tumulo na ang luha ko neto." Grabi naman tong si ate, e kung iiyak niya na lang kaya yan? Pinipigilan pa.
"Oo na nga, paalam mga kapatid, ate paalam. MAHAL NA MAHAL KO KAYO!"
"Mang Bert!, ingatan mo yang pamangkin ko!" Hala, ihahatid lang naman ako ni mang bert sa sakayan. Grabi tong si ate Kala mo naman kung san kana dadalhin.
"Sa sakayan ko lang naman sya ihahatid Bet! Kung makapagsabi ka ah!" Mang bert.
"Che! Ge na ihatid mo na! Naiiyak nako!" Ate bet.
"Paalam ulit mga kapatid, ate bet."
Kung titignan, simpleng salita lang ang PAALAM pero nakakasakit ng damdamin.
Magtatrabaho ako para sa mga kapatid ko, para makapag-aral sila. Kahit hindi na ako makatapos, basta makapag patuloy lang sa pag-aaral yung kapatid ko okay na. Ano kayang mangyayari sakin sa manila? Haaaayst wala pa naman akong kakilala don. Siguro mag bo-boarding house nalang ako. Eh? Magkano naman kaya ang upa? 7000 lang yung pera ko, sana isang libo lang yung upa para may makakain pako.
Nandito nako ngayon sa sakayan papuntang airport. Mag tataxi nalang siguro ako, para safe.
Nakarating nako sa airport, grabi ganto pala ang itsura ng airport. Ang lamig, may aircon, yung sahig tiles. Eh? Pano ako sasakay? San na yung eroplano? Matanong nga sa guard.
