"Hindi! Hindi! Ayaw ko na sa mundo! Gusto ko ng mamatay! Pakawalan niyo ako!" Napalingon ako dun sa babae na nakahiga sa hospital bed. Pagkatapos tingnan ng doctor yung babae ay agad na itong umalis. Meron siyang mga parteng namumula sa kaniyang leeg, dahil nag tangka siyang magpakamatay.
~
"Bakit kasi niligtas niyo pa ako?! Imbes tapos na ang mga paghihirap ko!" Sigaw ng babae sakin habang umiiyak.
~
"Hay naku miss, magpapakamatay ka na nga lang palpak pa. Gagamitin mo ba naman yung tela na pinagkabit-kabit mo lang? Edi sana ginamit mo nalang ay lubid kasi hindi yun mapuputol" Sabi ko. Naiintindihan ko siya, kasi galing nadin ako diyan. Nabu-bully kasi ako dati nung high school palang ako. Nagtangka nadin akong magpakamatay gamit ang tela na pinagkabit-kabit at may nag sabi din sakin ng mga salitang iyon.
-
Ayaw ko na! Lagi nalang nila ako pinapasunod sakanila. Mahina ako. Nerd ako. Kaya naman wala akong magagawa. Isinabit ko yung tela na kinabit-kabit ko dun sa electric fan na nakasabit sa kisame. Dahan-dahan kong inilagay ang leeg ko dun sa pagitan ng tela. Hinigpitan ko na din ng paunti-unti ang tela na nakapulupot sa leeg ko, hanggang sa,
~
"Tsk, tsk, tsk, tsk!" Napalingon ako at nakita ko siya. Nakita ko na hawak-hawak niya yung papel na sinulatan ko or for short yung suicide letter or goodbye letter ko. "Para maging masaya na kayo ay aalis nalang ako. Paalam. What the fuck?" Sabi niya.
~
Tumingin siya sakin kaya naman nadulas ako dun sa upuan dahilan para mahulog ako sa sahig. Oo! Nahulog nga ako sa sahig. Imbes na masakal ako hindi tuloy. Naputol kasi yung tela eh. Kumalas yung isang buhol. "Aray!" Napasigaw ako, dahil malakas ang pagkabagsak ko sa sahig.
~
"May balak kang magpakamatay tapos palpak pa. Gagamitin ba naman yung tela na kinabit-kabit lang? Tanga pala eh. Edi sana yung lubid nalang ang ginamit mo" Sambit niya habang pailing-iling pa sabay alis sa classroom.
~
Hayss! Di ko naisip yun. Masasaktan naman kasi ako masyado kung lubid ang gagamitin ko eh. Hays! Duwag talaga!
-
Tumatakbo lang ako ng tumatakbo habang pinagtatawanan ako ng mga estudyante. Tumakbo ako hanggang sa roof top. Binuksan ko ang pinto papunta doon. Pagkabukas ng pinto ay agad akong umakyat sa railings nito. Tumingin ako sa baba at nakita ko kung gaano ito kataas.
~
"Sapat na ata ito para matuluyan na ako" Bulong ko sa aking sarili. Inisip ko yung pamilya ko.
~
"Mina, patawarin mo ako kung iiwan na kita huh. Sorry sa mga pagkukulang ko sayo. Sorry kasi hindi ako kumikilos na parang kapatid sayo. Mama, sorry kasi pabaya akong anak. Hindi ko nagagampanan ang pagiging kuya at panganay sa loob ng bahay. Duwag ako eh.
Papa, sorry kung susuko na ako huh. Hindi ko na po kaya eh. Kayo lang naman ang nagtatanggol sakin kapag nagugulpi ako tapos umalis pa kayo. Pa, makakasama na din kita" Sabi ko habang tumutulo ang aking mga luha.
~
One step. Just one step and everything will end. Huminga ako ng malalim at tatalon na sana ako pero...
~
"Hoy John Jed Alfonso! Pagod ka na? So? Ganon-ganon nalang yun? Ilang pangbu-bully nila ang nalagpasan mo na? Diba marami na? Bakit ngayun ka pa susko kung kelan nasimulan mo na?" Narinig ko ang boses niya. Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ko siya na nakatayo din sa railings.
KAMU SEDANG MEMBACA
Help Me Save Me
AcakI fell in love with your kindness. Feeling ko nga ako na yung pinakamasayang tao. Niligtas mo ako mula sa kamatayan Pero nilamon ka naman ng kalungkutan ------------------ July 3, 2012 Hindi ko na kaya pa, gusto ko ng bumitaw. Nawala na saki...
