Chapter 40

10K 186 22
                                    

Tots'

Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami para sunduin si Jema. Pero hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan kung ano yung nakita namin ni Ate Ells kanina. Nakakabigla na nakakagago. Kaya pala wala siyang paramdam? Kasi nagpapainit na siya sa iba?

Im sorry. Oo. Hindi ako ang jowa pero tangina lang diba? Sinong gago ang gagawa ng ganun sa taong mahal niya? Or should I say sa taong minamahal siya dahil may mahal na siyang iba?

Wala ako sa lugar para magsalita ng ganito ngayon. Pero, bakit pa siya nangakong babalik siya kung hindi rin naman pala? Bakit siya nagbitaw ng salitang hindi niya naman pala kayang panindigan? Bakit niya kailangang magsabi ng ganun kung sa huli, mababaliwala lang din pala?

I know, it's just 3 months. Pero kung talagang mahal niya si Jema, bakit hindi siya nagparamdam man lang saamin? Bakit hindi niya kinamusta ang kalagayan ng taong mahal niya? Bakit? Bakit kailangan niyang itago yun saamin?

"Uy, teh? Ayos ka lang? Kanina ka pa jan, baka gusto mong magsimula ng mag-maneho?" Napabalik ako sa ulirat ko ng biglang nagsalita si Jema dito sa tabi ko.

Ngayon ko lang napansin na hindi pa nga pala kami umaandar. Tumingin naman ako sakanya at nginitian siya bago simulang magmaneho.

"Jema, ano nanaman pinagawa sayo? Kwenta ka, bilis."

"Wala naman. Pinagawa niya lang ako ng notebook, galing nga eh, hindi nalang bumili ako pa mismo ang gagawa." Sabi ni Jema sabay irap.

"Ay, gaga ka. Para maganda nga diba? Oh tapos ano pa?" Pagpupumilit sakanya nito ni Donya Ella habang ako, nakikinig lang sakanilang dalawa.

"Eehhh. Sabi niya lang, isulat ko daw duon kung ano man ang mga naaalala ko. Kung ano o sino ang pumapasok sa utak ko, ganun, parang slambook." Yun lang ang huli niyang sinabi at pagkatapos nun ay tumahimik na kaming lahat.

Almost 45 minutes din ang byahe namin bago makarating sa bahay nila mismo. Nandun ang mama at papa ni Jema, naghihintay sakanya. Dun din kami matutulog ni Ate Ella at Jia para mag alaga kay Jema at magpaalala pag iinom na siya ng gamot.

Minsan kahit pinagtatabuyan niya kami, hindi parin kami umaalis kaya in the end, kami ang nananalo.


"Inaalala mo parin yung picture 'no?"

"Ay anak ka ng diwende! Ate Ella naman, wag kang nanggugulat."

"Pigain ko apdo mo. Ano nga kasi? Sa tingin mo, ginusto niya yun?" Seryosong tanong sakin ni Ate Ella habang papunta kami sa Garden nila Jema.

"Hindi ko alam. Lahat tayo walang alam. Pero kung hindi man niya yun ginusto, bakit hindi nalang siya tumutol?" Napatingin naman saakin si Ate Ella ng diretso sa mata.

"Naaalala mo pa ba yung sinabi satin ni Jhoana?" Gusto kong sabihin na naaalala ko, pero ayokong magpaulit ulit siya sa utak ko.


Hindi ko nalang siya sinagot dahil sinalubong na kami ng pamilya ni Jema. May mga pagkain at kung ano ano pa ang hinanda nila. Wala namang may birthday ah? Pero ang daming hinanda.

Pinaupo na kami ng mama at papa ni Jema at sinimulan ng magdasal. Pagkatapos nun ay kanya kanya ng kuha ng pagkain, etong katabi ko kakakain lang eh. Kakain nanaman ulit.

"Oh, Diana. Bakit hindi ka kumakain?" Tanong sakin ng mama ni Jema. Babaeng babae naman yung Diana.

"Tita, Tots nalang po. Atska, busog pa po kasi ako kakakain ko lang din po." Tumango nalang siya.

Same Old Love (GaWong)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ