“Ewan ko sayo umalis ka badtrip ako ngayon” sabi ko sa kanya.

“Ayy ganon sayang may extra assignment pa naman ako sa English sayang talaga” sabi niya na kinabigla ko. “Itatapon ko na lang” sabi niya na aalis para kunin niya yung assignment sa bag para kunin yun at itapon.

“Wag amin na lang plsss” sabi ko.

“Sorry itatapon ko na kasi eh” sabi niya. Pero sige lang ako sa pagmamakaawa sa kanya.

“WAGGGGGGG NGAAAAA SABIIIIIIII EH” sigaw ko sa kanya kanina ko pa kasi kinukuha ayaw pa ibigay.

“HAAHAHHAHAHAHHA” hala makatawa wagas.

“Ohh ba’t ka tumatawa dyan? Amin na kasi plsss” sabi ko sa kanya.

“Ohh sige na nga bibigay ko na sayo nakakaawa ka naman ehh” sabi niya na parang bata.

“Ewan ko sayo. Pero thanks ahh” sabi ko sa kanya. Whooh savior ko talaga siya. Oh sige na nga kaibigan ko na siya.

Kinuha niya na at binigay niya sa akin. Bumalik na rin siya sa upuan niya dahil time na pupunta na si ma’am.

“Goodmorning” sabi ni Ma’am Marian.

“GoodMorning Ma’am Marian” sabi namin sa kanya na tumayo pa.

“Okay! You may take your sit” sabi ni Ma’am at umupo na rin kami.

“Guys! May bago tayong estudyante two girls” sabi niya. Sabagay nagsisimula pa lang naman yung klase kaya tumatanggap pa ng estudyante yung school.

“Pasok na kayo” sabi ni Ma’am. At pumasok na rin sila

AT NANG MAKITA KO KUNG SINO GUSTO KO NA MAWALA DITO AT GUSTO KO NA RIN LUMIPAT. ANO BA!!!!!!! YAN….

“WHAAAAAAAAAATTTTTTTTT?” sigaw ko na kinatayo ko. Ba’t sila pa bwisit.

“Hi! Sab” bati niya sa akin.

“Ms. Sandoval? Ba’t ka sumisigaw?” sabi ni Ma’am. OH NO!

“Wala po Ma’am nabigla lang ako” sabi ko sa kanya.

“Ok So! Magpakilala na kayo?” sabi ni Ma’am.

“Hi! I’m Irene Domingo. I’m 16 years old.” Sabi niya na sobrang ngiti.

“Hi! I’m Camilla Gonzales. I’m 16 years old.” Sabi niya naman na parang nabobored.

“Ok so! You may take your sit” sabi ni Ma’am sa kanila. At bigla nag-ingay.

“Dito na lang kayo umupo oh may bakante pa” sigaw ng isa kong kaklase na lalaki.

“Umalis ka nga dyan dito si Camilla” sabi naman ng isa na tinataboy niya yung katabi niya.

“Edi ikaw umalis may bakante pa naman doon sa likod oh” sagot niya naman doon.

“Oyy dito na lang kayo sa tabi ko” sigaw naman ng isa.

Hay ang ingay! Gusto lang makatabi sila. Maganda naman kasi sila eh kaya walang duda na pagkaguluhan sila. Pero nakakairita na ang ingay pa rin.

“Uyy dito na lang kayo ohh. Umalis ka nga, dito siya.” Sabi naman ng isa.

Mas lalong umingay pa ahh hindi kayo tatahimik.

“MANAHIMIK NGA KAYO. ANG INGAY INGAY NYO. SINO GUSTO MAKATABI SILA? TUMAAS NG KAMAY” sigaw ko sa kanila nakakainis na kasi eh. Sumunod na sila at talagang mabilis sila mauto.

“OK LAHAT NG GUSTO MAKATABI SILA!” pabitin effect ko. “LUMABAS KAYO NGAYON NA PAG HINDI KAYO SUMUNOD MALILINTIKAN KO KAYO” sabi ko. Mga uto uto kasi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forever is just a WordWhere stories live. Discover now