9/23/18
AKALA/DOS
Julyo Dos Dalawangpot Walo
nong nag kita tayo dun sa kanto
unang pag uusap nating dalawa
sabay sabi mong hi mam kamusta?
Sa waring yun di mo alam kung gaano ako kasaya
Dahil sa sandaling pag kakataon nakausap kita
Pero nais kong malaman mo di ko yun binigyan ng malisya
Dahil alam ko sa sarili ko wala akong chansa
Chansa na magustohan mo ko ,
kasi di man din ako yung tipong madaling magustohan ng ibang tao.
Kaya tanggap kong hanggang magkaibigan lang tayo
Sa pag aakalang kasamahan ko sa trabaho ang tipo mo.
Kaya sa tuwing may lakad kami iniimbita kita
dahil nakikita kong masaya ka pag kasama sya
Kaya't sa umpisa pa lang ako'y lumugar na
kahit mahirap importante masaya ka diba?
Okay na sana, tanggap ko na sinta
Kaso sinabi mo mali ang aking akala
Na sinubokan mo kong hanapin dati
na sa tuwing papasok ka ako yung hinahanap
mo parati.
pero nahuli ka sapagkat bumalik na ako sa una
Kaya sinabi kong "tayo yung pinag tagpo pero di tinadhana dalawa"
At dahil dun nalaman mong gusto rin pala kita
Kaso hindi na pwede pa.
Boong akala ko tapos na ang ating storya
kaso yung dating walang chansa
bigla nagkaroon ng pag.asa
Lumabas ako sa una
at sa huling desisyon pinili kita
sabay pa nga tayong sumagal sating dalawa.
Sobrang bilis ng mga pangyayari
Magka usap na tayo parati
Meron ding mga tampohang sandali
Pero pawang nag iba ka sa bandang huli
Tandang tanda ko pa Agusto Dalawangpot Isa
na kahit galit na galit ka Hinahabol kita ,
sinusubokang ayosin kung anong poblema
kahit di alam kung pano at san ito nag umpisa.
Sa unang pagkakataon wala akong paki.alam
Na kahit may iba pang makaka.alam
Sa harapan mo at kasamahan ko
paulit na paulit kong sinabing MAHAL KITA
At sinagot mo kong UMUWI KA NA!
AYAW NA KITA KASAMA.
Tanda mo rin ba ang katagang sinabi mong
SINO BA KO
KA BAGO BAGO KO pa lang sa buhay mo.
Matanong ko nga bat mo pang sinabing DI MO KAYANG MAWALA AKO
kung sa bandang huli hanggang salita lang pala ito.
Umiwas ka at nang iwan lang ng basta basta
Ano naman laban ko diba?
Kung sa salitang ikaw at ako .
Ako lang kasi ang gusto mgpa tuloy sa salitang
TAYO.
Kahit nahihirapan at nasasaktan na
Ito ako nag hihintay at umaasa
Na bawat sambit mo sakin
Lumayo man pero bumabalik parin
Sinubokan ko naman pigilan itong aking nararamdan
Pagkatapos mong sabihin di mo ito kaya sukli.an
Na hanggang magkaibigan lang ang salitang tayo
Kasi hindi pala ako nag IISA sa buhay mo.
Kaya't sinubokan kong muli na iwasan ka
Na ititigil ko na at wag ka nang habulin pa
Dami na ring nag sasabing TAMA NA
Bitaw, dahil ako lang yung naiwang kumakapit pa
Pero sa kabila ng lahat ng iyong nagawa
Magalit sayo di ko parin magawa gawa
Na kahit di ka pa humingi ng despensa
Mahal Napatawad na kita
Muntikan na , muntikan ko pang sabihin sayo
Ako na lang kasi yung pili.in mo
Na ako yung andito, na di ka dapat mangamba
Na kaya kong mag antay makita ka lang masaya
Pero Love , Langga , Babe , Tayan, Chui, Momoy
Patawad pero di ko na kaya ito ipag patuloy
Kailangan ko nang bumitaw
at harapin na hangang AKALA lang ang AKO AT IKAW.
Dito na rin nag tatapos ang ating storya
Gustohin ko pa mang lumaban parin satin dalawa
Di na maari pa at dapat tanggapin ko na
Na hindi ako at sa piling ko ika'y sasaya.
