"Anak ng..." Sunod-sunod ang mura ni Maki nang kinuyog siya nina Tonio at Drei.

"Puro ka salapi kaya mukha ka ng piso," ani Dre na sinipa siya sa paa.

Napahawak siya sa tinamaan nito. "Matutuwa ako kung mukha na akong dolyar."

"Tama na nga 'yan mga ungas. Kailangan ko ng back-up. Baka pinagplanuhan na nyang i-kidnap ang kagwapuhan ko," nabo-bother na sabi ni Jap habang hinihimas ang makinis niyang mukha.

"Yeah sure," walang ganang sabi ni Maki. "Bilisan natin nang maipamigay na natin 'tong mayabang na 'to."

..............................

Mabilis silang nakarating sa park. Nakatanggap ulit ito ng mensahe na magkita sila sa dulong bahagi ng park malapit sa playground. Pinangunahan ni Jap ang pagpunta sa meeting place nila.

"Dude ang s-sama ng vibration ko," natatakot na sabi ni Tonio nang mapansing napapalayo na sila sa mataong lugar.

"Shut up," saway ni Jap. Kahit siya ay iba na ang pakiramdam. Napapaisip na siya kung babae nga talaga ang kakatapugpuin nila. Maraming puno at mga nagtataasang halaman na ang nakikita niya.

"Saan na yong babaeng yon. Makikipag-hide in seek pa yata," kalmado niyang sabi habang nakikiramdam sa paligid.

Alerto bainte-kwatro na rin ang mga kasama niya. Masama na rin ang vibration ng mga ito. Isa pa walang palya ang kutob ni Tonieng. Tried and tested na ang mga kutob nito. Isang patunay nito ay nang muntikan na silang madukot. Pinilit ni Tonio na dumaan sila sa mall. At dahil nakakahalata na rin ang driver nila noon sa kotseng sunod ng sunod sa kanila ay pumunta sila sa mataong lugar at niradyo ang kasunod na kotse. Napag-alaman nilang binabalak silang kidnapin maliban kay Maki na wala naman ni isang kusing. High School naman nang muntikan silang masama sa isang aksidente. Dahil sa masamang kutob ni Tonio ay nagsakit-sakitan ito para lang hindi sila makasama sa Plant A Tree Program ng paaralan nila sa isang lugar. Tumaob ang school bus habang papunta ito sa destinasyon at marami ang nasaktan.

Nang wala pa ring nagpaparamdam kahit kaluluwa ay tinawagan na niya ang numero. Hindi ito sinasagot ng may-ari. Nang mapagdesisyonan na lang nilang umalis dahil mukhang pinagtritripan lang sila ay biglang lumabas ang isang grupong pwedeng gawing stuntmen.

"May shooting ba dude?" bulong ni Drei.

Malalaki ang mga katawan nila at may dala-dalang baseball bat, tubo at kung anu-ano pa ang mga ito. Papasa ang mga itong maging goons sa pelikula.

"Dude akala ko ba babae si Sisa? " kalabit ni Tonio sa kanya. Nagsisimula ng mamutla ang mukha nito.

"Langya. Kailan pa ako pumatol sa cast ng Planet of the Apes?" asar sa sagot ni Jap kay Tonio.

"Sino sa inyo si Jap?" nakakatakot ang boses ng lalaking nasa unahan. Malaki ang pangangatawan nito at may mahabang buhok.

Sabay-sabay siyang itinuro ng mga taksil niyang kaibigan. Tinapunan niya ang mga ito nang masamang tingin.

"Nagtatanong dude, eh. Sabi nga sa kanta 'dilang maliit nagsasabing wag kang magsinungaling'," defensive na sabi ni Maki.

"Agad-agad, ilalaglag dude?" nawawalan ng pasensyang sabi ni Jap.

Nagsalita ulit ang mukhang hoodlum. "Tama na yang satsat. Ikaw pala ang nanggugulo sa mahal kong si Ynes ha," galit nitong sabi. Pinalagutok pa nito ang kamao at pinatigas ang katawan upang sindakin siya.

"Relax ka lang manong. Hindi ko ugali ang manggulo sa babae. Sila ang nanggugulo sa kin." Nakuha pa niyang magyabang. "Nakikita mo naman ang ebidensya," dugtong pa niya sabay hawak sa baba.

LOVING A DANGEROUS HEIRESS (Edited)Where stories live. Discover now