CHAPTER 2

527 20 13
                                    

"Ginaganahan talaga akong mag-aral basta si Ms. Leonna ang natuturo," ani Drei na akala mo ay may pumapasok sa kakarampot niyang utak.

Palabas na sila ng campus at kasalukuyang pinagkakaguluhan ang kagwapuhan nila. Pasalamat sila sa mga V.I.P. guards na pumipigil sa mga nahihibang na estudyante. Bago umuwi ay tatambay muna sila sa paborito nilang coffee shop malapit sa University. Nilalakad lang nila iyon dahil malapit lang naman.

"Pero Adorno, ang lagkit makatingin sayo," napapailing na sabi ni Drei sa tahimik na lalaki. Sinandal niya ang braso sa balikat ni Dorn na agad namang pinampag ng huli.

"Dude, hindi lang 'yang utak mo ang malabo kundi pati 'yang mga mata mo," napapailing na sabi ni Jap. "Her eyes was focused on me. Ano naman ang magugustuhan nito kay Adorno, he's boring" mayabang na sabi ni Jap.

Ngumisi lang si Dorn sa mga banat ni Jap. "Then she was stupid making out of me."

"WHAT!?" sabay sabay nilang sabi. Nasa mukha nilang apat ang hindi makapaniwala.

Unang nakabawi si Drei. "Ang tindi mo dude. Kaya pala ang lagkit makatingin sayo. Hindi maka-move on sa alindog mo. Was she great?"

Hindi niya sinagot ang kaibigan at nagbingi-bingihan. Gusto niyang asarin ang mga ito sa pambibitin.

Kahit magkakaiba sila ng course ay may ilang subject na magkakasama sila. Special choice nila yon at silang lima lang ang magkakaklase. VIP treatment ang drama nila. Iniiwasan din ng paaralan na magkaroon ng kaguluhan kaya inayos ng mabuti ang schedule nila. At para hindi sila mabore sa pag-aaral ay pumili sila ng isang sexy at magandang professor.

Napapailing na lang si Jap sa narinig. "Cheap woman," bulong niya sa isip. Hindi na niya pag-iinteresan pa ang katulad nitong pumatol sa kaibigan. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa nang tumunog ito. Meron siyang mensahe mula sa isang unknown sender.

"Shit," naniningkit ang matang sabi niya nang mabasa ang nilalaman nito.

Natigil naman ang tatlo sa pangungulit kay Adorno na nasa sariling mundo na.

"Dude what's the prob?" Maki asked.

Lumingon-lingon siya sa paligid. Wala na ang mga nagkakandarapang estudyante sa kanila. Nasa labas na rin sila ng University at mangilan-ngilang tao ang napapalingon sa kanila.

"Someone texted me. Makipagkita raw ako kung ayaw kong lumabas ang scandal namin," seryosong sabi ni Jap.

"You believe on that?" tanong ni Dorn.

"No of course. But.... maybe...." naguguluhang sagot niya. He groaned and cursed. Isa lang ang pinaghihinalaan niya, ang babaing buntot nang buntot sa kanya lately, si Sisa.

"Totoo man o hindi, kailangang matapos na ito. She's getting into my nerves," hayag ni Jap na natutuliro.

"Dude papanood ah!" biglang singit ni Tonio na ngumangata ng chips.

He threw a death look at him. "Antayin ko na lang na iupload niya sa youtube," sabi na lang ni Tonio. Humalakhak pa siya para lalong mainis si Jap.

"Saan daw kayo magkikita?" tanong naman ni Maki. Mas mukhang concern siya kaysa sa kaibigang baboy.

"Sa park. Malapit lang dito," sagot ni Jap habang pinipisil ang pisngi ni Tonio bilang ganti sa pagtawa nito sa kanya.

Napatango-tango si Maki. "Ah okay. Goodluck na lang dude." Tinaas na niya ang kamay bilang pamamaalam bago lumiko ng daan.

Bago pa ito makalayo ay hinatak siya ni Jap. "Where do you think you're going?"

"Bakit may pagkakaperahan ba don?" ganting tanong ni Maki. Mas gugustuhin pa niyang makipag-kara cruz sa mga tambay kaysa sayangin ang oras niya sa walang kabuluhang pagbabanta ng babae sa kaibigan.

LOVING A DANGEROUS HEIRESS (Edited)Where stories live. Discover now