Chapter 8

31 0 0
                                    

Saskia woke up with a big smile plastered on her face."Im in cloud nine." Bulong ng dalaga sa sarili. Excited siya dahil sa wakas magkikita na sila ulit ng crush for all season niya na si Jethro Acosta. Ilang beses nagpalit ng outfit ang dalaga because she wants to look her best pagharap niya sa binata. Kanina nung nasa banyo siya nag body scrub ang dalaga at sinabayan niya pa ito ng panghilod para matanggal mga dead skin cells at libag niya sa katawan. After magbanlaw habang moist pa ang katawan niya from a hot bath, naglagay na siya ng firming body oil from Oryspa. She learned from the internet na ang olive oil is good for the skin. Effective sa kanya ang body oil kasi after niya maglagay nito sa buong katawan, her skin went smooth and creamy. And the scent of that oil made her feel sexy. She put on moisturizer,BB cream and a cheek and lip tint. She don't need to put mascara this time dahil kapapalagay niya lang ng eye lashes extension nung Wednesday dahil may party siyang dinaluhan. She opted for a white spaghetting strap dress na may lavender floral design sa laylayan ng damit. Knee level lang ito exposing her shapely legs. She match the dress with a silver strappy sandals. Sinuot niya yung pear earrings na bigay ng Lola niya from Surigao del Sur. She checked herself in the mirror again."Parang mas okay kung ibi-braid ko yung buhok ko tas ee-style ko nalang ng parang one side ang peg." Saskia tried it and when she's sastified with her looks she put on her shades and went out of her room."Uy Ate saan ka pupunta? Maglalakwatsa ka na naman noh?" Tanong ng kapatid niyan si DJ. "Ah oo, may lakad kami ng friend ko. Baka Monday na ako bumalik, holiday naman wala kaming pasok." "oh sige nak, malaki ka na. Mag ingat ka nalang. At wag mo kakalimutan pasalubong." Sabad ng nanay niya. "Oo Ma, alam nyo naman di ko nakakaligtaan yan." She kissed her mom and her brother at umalis na ng bahay. Wala ang Papa niya dahil maago itong umalis para mamalengke ng mga gagamitin sa mga putaheng niluluto at binibenta sa canteen nila sa Pasig palengke. Yung Mama naman niya hindi na sumama dahil masama pakiramdam. Yung sister niyang si Selah , sa Accenture nagtatrabaho at mga 10am pa uwi nun dahil night shift ang kapatid. Yung bunso nila si Junior, sa pinsan nila mag overnight kagabi. Malamang bukas pa ang uwi nun.

Saskia check her watch, 7:30am na! "My gosh I only have 30 minutes left," eh Antipolo pa siya mangagaling. She texted Jethro. "Morning Jet, sorry on the way palang ako. I might be late." Wala pang 5 second nagreply agad ang binata. "Ok lang po. Paalis pa rin lang naman ako ng bahay. Dito ako natulog sa shop. Goodmorning nga pala :-)" "Hayyy salamat. Buti nalang wala ka pa sa meeting place para di ka maghintay ng matagal. Saan pala tayo pupunta?" Tanong ng dalaga. "Secret. Excited teh? Hahaha!" Natawa si Saskia sa reply ni Jet. Parang bading lang kasi ang dating ng text nito. Mahilig talaga kasi magpatawa si Jethro at maloko din ang taong toh kaya ang unang impression mo sa kanya, hindi seryoso or kwela.

8:15am ng makarating ng Capitol Commons si Saskia. Pumasok siya ng Starbucks at nakita niyang kumaway si Jethro sa kanya. Nakaupo ito at kasalukuyang nagkakape. Nag smile siya habang papalapit kay Jethro. Uminit ang pisngi ng dalaga at feeling nya mukhang umabot sa tenga ang lapad ng ngiti niya."Relax Saskia wag kang obvious." Bulong ng konsensya. Nang tumapat na siya sa mesa kung saan nagkakape ang binata, tumayo ito at biglang, "Hi Bhe!" Sabay smack sa lips niya. Biglang tumigil sa pag rotate sa axis ang mundo. Biglang nag freeze ang barista ng Starbucks at biglang lumutang sa ere ang mga coffee beans. Amoy kape ang paligid. At lasang kape ang bibig niya. Di pa siya nagkakape simula kanina, how come lasang machiato ang labi niya. Wait! "Did he just kiss me?" Bulong ng dalaga. "Oo.hahaha!" Biglang sagot ni Jethro. "Saskia oh parang nakakita ng multo. Mukha ba akong bangkay na muling nabuhay?" Natatawang tanong ni Jet. "Ha? Ah...ih...oh...uh. Ano kasi natuyo bigla lalamunan ko di ako makalunok ng maayos." Pagdadahilan ng dalaga. Sabay tawag sa server."Tommy, water please. Lukewarm. Thank you?"

"Nagbreakfast ka na ba? Here, I bought you coffee." Tanong ng binata. "Hindi pa nga eh. Salamat sa kape." Sagot ng dalaga. "Pero mas gusto ko yung machiatong nalasahan ko kanina sa bibig ko." Bulong ng malandi niyang kaluluwa. "Okay. Sa Hatch 22 sa Rockwell nalang tayo kumain. Kailangan heavy breakfast tayo dahil malayo pa biyahe natin." "Oh sige. Pero saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ng dalaga. "Sa paraiso. Itatanan na kita bhe." Malokong sagot ni Jethro. Sabay kindat at hila ng kamay niya kaya napatayo na tuloy ang dalaga, kinuha ang kape niya at sumunod na kay Jethro pag labas ng Starbucks. "My gosh,tinawag niya akong bhe." Kinikilig na nirerecall Saskia ang nangyari kanina.

Naglakad sila papuntang parking lot. She saw Jethro's 4x4 car. Kulay itim ito at mukhang bago pa. May kotse pala ang binata. Well di naman imposible yun eh car dealing ang business ng family nito at may auto shop din siya. Pagpasok niya sa kotse inistart na ni Jet ang sasakyan.In-on ang stereo. Di expected ni Saskia na Chasing Pavements ni Adele ang nasa play list nito.

"Should I give up or should I just keep chasing pavements even if it leads nowhere?" Hindi niya malilimutan ang kantang yun dahil kinanta ito ni Jethro sa videoke nung gabing nagcelebrate sila ng birthday ni Hermie sa Ilocos. After kantahin ni Jet yung version niya ng Chasing Pavement palakpakan at tilian ang audience sa kanya. Isa sa tumili si Saskia.

It Started With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon