Chapter 1

4 1 0
                                        

Tahimik akong naupo sa bench ng court na ito. Pinanood kong tumakbo habang hindi pa natatali ang sintas ni Nathaniel. Ngumiwi ako noong makitang itinuro iyon ng muse nila na babae. Humalakhak ito, ganoon din si Nathan at yumuko para isintas ito.

Practice nila ngayon at pinilit niya akong pumunta para panoorin siya. He said, we'll be having a date after their practice. Naiinip na ako. Hindi pa nagsisimula ang practice nila pero naiinip na ako!

"Zaileen!" Humiyaw ang muse nila sa akin na si Vivian. Ngumiti ako.

Hindi ko alam kung bakit nariyan iyan. Hindi naman niya kailangang pumunta rito. And besides, wala naman siyang gagawin sa finals kundi rumampa! Nakakainis!

Sumenyas siya sa akin para papuntahin ako sa baba. Tumaas ang kilay ko dahil doon. Bumungisngis siya at tinawag pa ako lalo. Nakita kong sumulyap sa banda namin si Nathaniel. Damn! I want to go home, Nathan!

Iritado akong bumaba at lumapit kay Vivian. Ano bang kailangan nito?

"Saan ba malapit na grocery dito? Alam mo ba?" Tanong niya at hinila ako palayo sa court. Naglalaro ang bangs niya sa noo niya. Okay, bagay niya iyon.

Nagbikit balikat ako. "I don't know."

Ngumuso siya. "Hanapin natin! They need some water and some snacks, you know? Para makapoints ka na din kay Nathan!" Humalakhak siya.

Kumunot ang noo ko. What? Bibili kami ng snacks nila? Papansin ba siya? I'm sure they bought some snacks! Tsaka bakit ako? Iyong coach ang ayain niya!

"I'm sure may snacks na sila--"

"Wala! I know! Halika na,"

Hinila niya ako. Kumunot ang noo ko at sumulyap kay Nathan na kumukunot din ang noo sa akin. Itinuro ko si Vivian at sinenyasan na babalik rin. Tumango siya at muling bumaling upang makapag warm up.

"Narinig ko na makakalaban daw nila ngayon iyong mga taga EWC. Sila Abellardo? Kilala mo?" Tanong niya.

Tumango ako kahit na hindi ko talaga kilala. Itinuro ko ang malapit na 7/11 na nakita ko. Mabuti at doon lang iyon. Doon kami pumunta. Hindi na ako nagreklamo dahil bibili rin ako ng pagkain ko.

"Oh, nandito pala sila?" Sabi niya habang nakatingin sa grupo ng lalaki na nakajersey at nagtatawanan habang bumibili.

Umirap ako at dumiretso sa grupo ng mga maiinom. Napangiwi ako habang tinitignan si Vivian na pumulot ng sampung piraso ni gatorade at nakangiting inilalagay ito sa basket. She will really buy those.





Kahit noong nanliligaw pa sa akin si Nathaniel ay umaaligid na siya. I even thought they were together. Kaya halos dalawang buwan bago ko sagutin si Nathan. He's my fifth? Sixth? I don't know.

Sa ngayon, siya ang pinaka matino sa lahat ng naging boyfriends ko. I also had flings. Ginagawa kong flings ang mga lalaking ayaw kong maging boyfriend. They want me to be their girlfriend but I don't. Kaya naka ilang flings din ako.

"Tingin mo, anong nagustuhan sayo ni Nathaniel?" Nagulat ako sa tanong ni Vivian habang naglalakad kami. Ilang segundo akong hindi nakasagot. What does she want to say?

Kahit kailan ay hindi kami naging close ni Vivian. I hate her because she's always with Nathan. Kapag may laro si Nathan ay lagi siyang nandoon. Kahit noong hindi pa kami! Nathan's my crush back when I was still highschool, pero inayawan ko na siya dahil may mga naging boyfriend na din ako. And when you say boyfriend, they doesn't want you to have crushes.


"Hindi ko alam." Nagbikit balikat ako.


Eh ikaw? Anong nagustuhan niya sayo?-- oops, hindi ka nga pala niya gusto.

Never Been Like ThisStories to obsess over. Discover now