PAGLAYO AT PAGTATAGO

7 1 1
                                        

Tinawag ng bantay si Kyle. Agad itong tumalima. Tumayo agad sa upuan at dala dala ang maliit na bibliya. Tumingin ito saglit kay Padre Carlos, ngumiti ang matanda at tumango ng isang beses, at nagpatuloy na sa pagbabasa ng banal na aklat sa mga preso na dumalo sa araw na iyon.

"May balita na po ba sa kaso ko? O may dalaw po ba ako ngayon?"

"Wala. Pero may sulat ka. Na kay hepe, inaantay ka niya."

"Salamat."

Ngayon ay kaarawan niya. Oktubre, 10. Iniisip niya na baka abala sa pag aalaga kay Tyler si Samantha kaya di ito nakadalaw. Kaya nagpadala nalang ng sulat. Hindi talaga siya nakalimutan ng mahal na asawa. Yan ang naiisip niya kaya napangiti habang lumalapit sa mga nagsasalitang bantay. Nagbulungan ang mga ito na malapit na siyang ilipat sa Mental Hospital. Ilang araw din kasi siya mag damag na umiiyak at ngayon nakangiting bumati kay hepe.

"Hepe...."

"May sulat ka"

Kinuha niya ito at binasa.

   "Kyle, lalayo na kami ng anak natin. Ayokong lumaki siya na takot at kinukutya ng mga tao dahil mamamatay tao ang kanyang ama. Malapit ng mag tatlong taon si Tyler... Kailangan niya ng bagong buhay, malayo sayo at sa nakaraan. Sana naunawaan mo ako. Isipin mo na ginagawa ko ito para sa anak natin, sa kinabukasan niya. Wag mo na kami hintayin. O hanapin pag laya mo. Magsimula ka muli. Mabuhay ka ng masaya. Happy Birthday! -Samantha

Kinuyom ni Kyle ang sulat sa kamay at natulala. Hindi ito makapaniwala. Sampung taon niya nakasama si Sam ngunit hindi ito naniniwala ng di siya tulad ng iniisip ng lahat. Pano niya naisip na kaya niyang pumatay kung kahit man lang pagbuhatan ito ng kamay ay di niya magawa. Nasaan na ang pangako nila na walang bibitaw. Napaluha nalang ito at bumalik na sa selda. Ngunit umaalingawngaw ang tinig ni Sam, ang iyak ni Tyler, ang sigaw ng hustisya.

"Sabi ko sayo"

"Di na tatagal yan ng isang buwan, bibigay na yan"

"Kawawa naman."

"Anong kawawa, pinagbabayaran niya lang ang kasalanan niya"

"Karma"
 
Ngunit walang narinig si Kyle. Sarado ang pandinig niya sa mga salita ng mga taong humusga sa kanya. Hindi nila alam ang totoo. Hindi sila ang umaako ng sala ng iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CLOSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon