"Ohh..yeah. Ms. Perez right?"

" Yes sir"

"Come in. Introduce yourself" paganyaya niya sa akin.

Habang naglalakad ako papunta sa harapan ay nakakarinig ako ng bulungan.

" Ang ganda niya grabe"

" Wow Chix"

" Ang tangkad niya at maganda sana nga lang di masama ugali"

Ilan lamang yan sa mga naririnig kong bulong bulungan ng mga estudyante.

"Good morning everyone. I'm Breana Perez and I am from St. Benedict University. I hope that we would have a good relationship with each other" pagpapakilala ko ng wala masyadong gana.

"That's all?" Tanong ng professor sa akin.

Tumango na lamang ako bilang sagot. Tinatamad na akong magsalita "Oo" lang naman ang sasabihin ko. Magsasayang pa ba ko ng laway?

" Okay then you can seat beside Ms. Alvarez. And by the way I am Mr. Ramirez"  pagpapakilala niya sakin.

Pumunta na ako sa upuan na itinuro ni Mr. Ramirez. Pagkadating ko ay ang lawak ng ngiti sa akin ng magandang babaeng ito.

" Hi! Im Reign Alvarez, nice meeting you" pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.

"Breana...Breana Perez" sabay lahad din ng aking kamay.

"Friends?" Tanong niya.

Ang advance niya naman mag-isip. Di ba niya alam yung Getting to know each other? Hayss. Tao talaga.Pumayag na rin ako dahil muka naman siyang mabait eh.

"Sure" sagot ko na hanggang ngayon ay wala pa ring reaksyon ang mukha.

Mas lumawak ang  ngiti niya ng pumayag ako. Hindi naman siguro siya mahirap pakisamahan.

Mabilis na lumipas ang mga oras.  Nakilala ko na rin ang mga professors ng mga subjects ko. Nothing special happened naman ngayong araw. Pero we'll see if meron.

Kriiiinnnnggg...

Tunog ng makabasag pinggan na bell sa hallway . Hudyat lamang ito na Lunch Break na. Lumapit sa akin si Reign at inaya akong mag lunch.

" Tara lunch tayo? And I will be your tour guide dito" pag anyaya niya sakin

"Sure. Why not?" sagot ko.

Lumiwanag ang kaniyang muka ng pumayag akong sumabay sa kanyang mag-lunch.

Pagkadating namin sa Cafeteria ay andami ng mga estudyante ang naglipana. Hinila na agad ako ni Reign sa table baka daw kasi maunahan pa kami.

" Dito ka na muna sa table. Ako nalang ang o-order ng pagkain." sabi niya sa akin.

Kukuha na sana ako ng pera sa dala kong pouch kaso lang ay pinigilan niya ako. Napatingin naman ako sa kanya at hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.

"My treat. Since ikaw naman ang bago kong kaibigan dito. Tsaka parang pag we-welcome ko na sayo to." sabi niya ng nakangiti pa rin..

Umalis na siya at umorder na  ng food namin. Parang hindi nangangalay yung panga niya. Pero maswerte pa rin ako dahil nakilala ko siya. Kung di ko siguro siya nakilala, muka siguro akong eng-eng ngayon dito.

Nakabalik na si Reign at may dala siyang tray ng pagkain. Grabe dalawa lang naman kami pero parang pang isang pamilya yung inorder niya.

"Ahmmm..Reign? May dadating pa bang mga kasama mo dito?" pagtatanong ko na may halong pagtataka.

" Wala na bakit? Did I ordered too much?" pagtatanong niya.

"Diba parang andami naman ata nito para sating dalawa?"

" Masyado bang madami? Sorry akala ko kasi malakas kang kumain eh. Hehe" Sabi niya sabay tawa.

Natawa nalang din ako sa kanya. Pano ba naman kasi ang ganda gandang babae tapos ang bungisngis nung tawa niya.

" Don't worry. Uubusin natin yan. HAHAHAHAHA" Natatawa kong sagot.

Napuno ng tawanan ang table namin. Grabe di ko inexpect na magiging ganito kasaya ang first day ko.

"By the way. May team ba ng volleyball dito?" pag-iiba ko ng usapan.

" Nagvo-volleyball ka?" Gulat na gulat na tanong niya.

Tumango ako bilang sagot. May laman kasi bibig ko kaya tumango nalang ako.

" Well , ako ang setter ng womens volleyball team dito". Pagmamayabang niya.

Is she serious? I also want to be part of the volleyball team.

"Are you serious?" Gulat kong tanong

Tumango lamang siya bilang sagot.
Grabe it's unexpected, biruin mo setter pala siya ng volleyball team. Kaya pala kahit gano karami yung kainin niya eh hindi pa din siya nataba.

"Actually may try-out mamaya kasi maraming mga players ang graduate na" paliwanag niya.

"Ba't parang gulat na gulat ka? Why?Are you interested in joining our team?"

"Oo kaso wala naman akong dalang sapatos at damit" sagot ko ng may kaunting panghihinayang.

" Pede naman kita pahiramin"

Natigilan bigla ako sa sinabi niya.

"May extra shoes and shirts naman ako sa locker".

"Talaga? Salamat!" Tuwang-tuwa kong pagpapasalamat.

Kriiiinnnggg....

"Let's go na. Baka malate pa tayo."

Bumalik kami ng room at nag-start na ang klase. Ganon pa din magkatabi pa din kami ni Reign sa may likuran.

It's just my first time here, but i feel like I was studying here for a long time...

--------
--------

Please vote,comment and follow me
@marclonggiii

Falling for Mr. CaptainWhere stories live. Discover now