Chapter 8

47 8 0
                                    

Chapter 8

Eithel's POV..

Andito ako ngayon sa may hallway at may dala-dalang sandamakmak na libro. Halos hindi ko na nga makita yung daan eh! punishment ko daw 'to, dahil hindi raw ako nakikinig kay Ma'am kanina.

"Tabiiiiiii!!!" sigaw ng isang lalaki.

Ha? Ano daw?? Tabiii?? Saan?-

/BLAAAAAAGGGG/

At tumigil ang mundo ko ng ganon-ganon lang, nang mapatingin sa mga librong dala-dala kong unti-unti nang nagbabagsakan sa lupa.

Paano na 'to??

"Hoy ikaw!" sigaw ko, lumingon naman yung lalaki habang itinatayo niya yung bike niya.

"Parang awa mo na tulungan mo ako! Ang dami kaya neto!" nagmamakaawang sabi ko dito.

"S-sorry miss! N-nagmamadali kasi talaga ako eh, sorry talagaaa" sabi niya, at pinaandar na niya yung bike niya!

Hindi. Hindi ako makakapayag neto! Ang dami neto at ang bigat-bigat pa, tapos pupulutin ko pa lahat ng mga nakakalat. Hindi pwede 'to.

Hindi mo ako pwedeng iwan ng ganito.. Kailangan kong gumana ng paraan. Kumuha ako ng dalawang pirasong libro at ibinato iyon sa kanya.

Booom sapul. Walang kahirap-hirap. Nalaglag siya sa sahig at natumba naman sa kanya yung bike niya.

"Ano? Tutulungan mo ako? o? Tutulungan mo ako?"

*****

"Ma'am heto na po yung mga libro" sabi ko at ipinatong sa lamesa ni Ma'am yung mga libro.

"Salamat sa inyong dalawa"

"Walang anuman po., Ma'am"

Lumabas na kami ng faculty.

"Salamat 'ha?!" pang-aasar niya. Oops! Andyan pa nga pala siya.

"Salamat, hehe. Sige bye na" sabi ko at akma ng aalis nang bigla niyang hilahin yung braso ko paharap sa kanya! Halaaa. Anong gagawin ko??

>>Lunok<<

"Sa tingin mo ganun lang kadali yun?"

>> lunok uliitt <<

"Ano bang ibig mong sabihin?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Masungit Kong CrushWhere stories live. Discover now