Dahil doon ay medyo natauhan si Kuya Ken at Deo na biglang tumuwid sa pagkakaupo.

"Uminom lang kami riyan sa veranda kagani," medyo seryosong tugon ni Travis.

The breakfast end there. Nang matapos ay nagsi uwian din kami sa mga bahay namin. Wala parin kibo si kuya Ken nang makarating kami sa bahay. Diretso siyang umakyat sa taas para siguro matulog pa ulit. Si Kuya Marcus naman ay naharang na ni Daddy at inaya sa office niya sa hindj ko alam na dahilan.

At dahil wala akong ginagawa ay pumunta ako sa kitchen at naabutan si mommy na nag babake.

"Hi my. Si Brent?" bati ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Naroon pa sa bahay ng Tita mo. Kakarating niyo lang ba? Nasaan ang mga kuya mo?" tanong niya habang nag hahalo ng ingridients sa mixing bowl.

Umupo ako sa isang bar stool doon at pinanuod siya sa ginagawa niya.

"Opo. Si Kuya Marcus po isinama ni daddy sa office. Si Kuya Ken po umakyat sa taas," sagot ko.

Sobrang close namin ni Mommy. Lalo na nung bandang junior high school pa ako. Ngayon kasi ay medyo nagiging busy na ako kaya wala na kaming oras para makapag usap. Dumadalas din kasi ang pag out of town nila ni Daddy for business matters.

"Galing dito si Chinky kanina," aniya.

Nagtaka naman ako. Bakit kaya?

"Bakit po?"

"Hinahanap si Xander. Hindi pala niya alam na doon kayo natulog kila Margou," aniya.

Well. Ano pa nga bang rason para pumunta siya dito. Malamang hahanapin niya ang nag iisang taong kaclose niya.

"E' bakit po dito niya hinahanap si Xander?"

Sinulyapan ako ni mommy.

"Napansin niya siguro madalas dito si Xander nung... bago kayo mag away," nakatingin siya sa akin nang sabihin ang hulihang parte.

Hindi ako sumagot. Walang alam si mommy tungkol don. I tell her everything. As I said we are close but then how am I suppose to tell her about what's going on with my mind about Xander?

"Edi sinabi kong hindi kayo rito mag palipas ng gabi." aniya.

Hindi na ulit ako nagtanong. Hindi ba sinabi ni Xander kagabi kay Chinky na kami ang kasama niya? Sila raw ang magkasama kagabi hindi ba?

"Jessica,"

"P-po?" nataranta ako nang medyo tumaas ang boses ni mommy ng tawagin ko. Natulala pala kasi ako sa pag iisip.

"Kanina pa kita tinatawag. Pakuha sana ng baking soda doon sa cabinet," aniya at nakakunot ang noong nakatingin sa akin na tila ba sinusuri ako.

"Ah. Opo," sabi ko at ginawa ang utos.

Nadalas tuloy ang pag sulyap sa akin ni mommy. At sa tuwing makikita ko siya ay ngumingiti na lang ako. Napansin ko rin na parang kay gusto siyang sabihin.

"Ayos na ba kayo ni Xander?"

"Po?" Napatuwid ako sa pagkakaupo. Hindi ko inaasahan na yun pala ang gusto niyang sabihin.

Hindi na inulit ni mommy ang tanong niya. Tumalikod siya saglit para ilagay sa oven ang handa nang ibake na mixture na gawa niya.

"O-okay naman na po kami," I lied.

"Hindi ba ulit kayo nag kakasundo? Mukha namang gusto ka na ni Xander?" Nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi. Hindi agad ako nakasagot. Ha?

"Hindi na katulad dati na hindi ka niya pinapansin katulad ni Chinky," pagpapatuloy niya.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now