Chapter Six

4 0 0
                                    

Kathryn's Point Of View

"Uy na-ready mo na ba lahat ng gagamitin natin?" tanong ko kay Julia, nandito kami ngayon sa bahay nila.

"Oo na-ready ko na, sandali lang at kukunin ko sa taas " pag paalam niya. Tumango nalang ako at unakyat na siya ng hagdanan.

Uupo na sana ako sa sofa ng makita kong bumaba siya agad "Ay oo nga pala, pakikuha nalang yung mga plastic sa kitchen, pakilagay nalang sa labas, tenkyow!" at tuluyang umakyat.

Nailagay ko na yung mga pinakuha niya sa labas malapit sa may pintuan. Grabe talaga itong si Julia, ang hilig sa chichirya.

Tinignan ko ang aking watch at mag 5:30 na pala.

"Julia?" tawag ko.

"Julia? Tara alis na tayo!" sigaw ko

Umakyat na ako dahil baka hindi niya ako naririnig. Nang makapunta ako sa kwarto niya ay kumatok muna ako.

"Julia, tara alis na tayo." tawag ko habang kumakatok.

"Julia?" medyo kabadong tawag ko. Nag try ako na buksan ang pinto pero naka-lock iyon.

Hindi kaya mayroong nangyari na masama? Nako po! Hindi puwede yun. Kinakabahan na ako at nag papanik.

"Julia open this door!!" sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan.

"Juli-"

"Huy, nandito ako. Pasensya na ha, sira kasi ang Cr sa kwarto ko kaya kila mommy na ako nag cr. Hihi. Sorry!" sabi niya habang naka peace sign.

"Ahh ganoon ba? Nako grabe ka! Pinag alala mo naman ako." sigaw ko sa kanya at tumawa naman siya

"Tara na nga! Mag gagabi na oh." sabi ko.

"Sige una ka na kukuhain ko lang yung phone ko." tumango na lang ako at bumaba.

Nandito ako ngayon sa garahe nila nag hihintay. Umupo muna ako sa may bandang maraming flowers. Iba't iba. Si tita talaga ang hilig sa mga halaman.

"Ma'am Kath, kunin ko na po yung mga gamit sa may pintuan." sabi ni Manong sakin. Tumango nalang ako.

"Ay manong paki sabay nalang rin po yung gamit ko." tumango si Manong kay julia na sinasarado ang kanilang pintuan.

"Wala ka na bang nakakalimutan?" pag tatanong ko sa kanya. Nag isip naman siya at umiling. Tumango nalang ako.

Sumakay na kami sa kotse. Tahimik. Marahil ay pagod kami. Siya sa practice nila, ako sa pag iisip. Di ko namalayan na nandito na kami sa bahay. Bumaba na kami ng kotse.

"Ano magandang movie panoorin?" tanong ko sakanya.

"Uhhhhhhhhhhhhhhhmmm-ouch! Ang sakit naman nun" pag aaray niya. Nakakunot pa yung mukha niya hbang hinihimas ang ulo niya.

"Umayos ka kasi! She's Dating The Gangster na nga lang ng panoorin natin!" sabi ko habang sinasalang ang cd sa dvd player at humiga sa kama ko.

"Wait 'wag mo munang i-play! Mag aano lang ako ng popcorn! Wait meeeeee" at bumaba na siya. May saktik na talaga sa ulo yung babaeng 'yun. Nakakasira ng ulo!

Ilang araw ang nakalipas ay nag sabi saakin si Julia na iniiwasan na si Macy ng mga tao at pati na yung lagi niyang nakakasama dahil mas pinili daw ni Macy ang boyfriend kaysa bestfriends. Nagparamdam rin saakin si Enrique at sinabi kung gaano siya ka sorry sa nangyari, sa biglaang pagyakap niya saakin. At sa pang aaway saakin ng girlfriend niya at sa pag papaasa niya saakin.

Tinanggap ko naman yung sorry niya. Wala na akong choice eh. Kapag hindi ko naman tinanggap walang mangyayari baka kulitin lang ako nun, pag tinggap ko baka hindi na ako kulitin. Hangga't maari ay kailangan ko umiwas sa gulo. Dahil kapag nagagalit ako ay hindi ko napipigilan ang aking emosyon at nawawala ang aking sarili sa matinong pag-iisip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Because Of YouWhere stories live. Discover now