Dalawampu't...

81 6 5
                                    

Sasayangin mo lang ang limang minuto ng buhay mo kung babasahin mo 'to. Wala 'tong kinalaman sa'yo (pwera na lang kung ang pangalan mo ay katol, shabu, marijuana, at rugby). Pakana ni daydreamergirl1411, na siyang nag-tag sa 'kin. Eto na, napasabak mo yung mga daliri ko sa pagtipa muli ng isang entry. Salamat na rin. Bienteng katotohanan (katotohanan nga ba?) tungkol sa isang Adik. Tentenenen. Mabuhigh!

1. Unang-una, lilinawin ko lang, 'di naman talaga ako adik, feeling adik lang. Baka kasi may naniwala't nauto ng ka-adikan ko. Masama na. Baka mamaya'y may madatnan na lamang akong mensahe sa inbox na nagsasabing, 'Adik ka, dre? Tara, session tayo. Dala ka'ng kandila at foil sa kanto. Ako nang bahala. Papakilo rin ako ng adikness.'

2. Adik ako. Oo, ang labo talaga. Ano pa bang aasahan niyo sa isang Master of Labo-ness na katulad ng tumitipa nito ngayon? Pero ibang klase ng pagka-adik. Hmm... adik siguro sa musika. Tama. Music is rak, beybe. Rak en rol. 

3. Una akong nagsulat... syempre no'ng Grade One pa ko, pero kung ibang klaseng pagsusulat ang pag-uusapan, yaong tipo ng pagsusulat kung saan pambihirang lakas at stamina (naks. 'wag paniwalaan ang stamina, 'di ko alam kung sa'n napulot 'yan) ang ginagamit, masasabi kong Greyd Four ko unang natikman ang ganyang tipo ng pagsusulat. Natikman talaga. Masarap. 

4. Isang taon bago maging dos ang unang numero sa taong ito ako ipinanganak. Ikaw na umintindi. Ginugulo lang kitey. 

5. Tamad akong ta

6. May kaibigan ako. Ikaw. 

7. Maganda "raw" yung sulat-kamay ko. Kawawa naman yung nagsabi. May problema yata sa mata. 

8. Madalas akong gising sa gabi. Actually, bampira ako... o pwede na ring zombie. Papalit-palit. Perfect combination. Hehe

9. Madalas din akong magsulat sa gabi. Mauubos na lang yata ang buhok ni PNoy ay hindi pa rin ako makakapagsulat sa umaga. 'Di ko kaya. May hiwagang taglay ang araw kaya't ganito ang nangyayari. Uy. Zombie nga pala ako. 

10. Ginoogle translate ko yung "araw" sa number nine. Huminto yata saglit ang utak ko habang tinitipa ko yung number nine kanina kaya't nakalimutan ko kung anong ingles ng salitang "sun". Pasensiya na ho, mga kaibigan. 

11. Hindi ako masaya. Hindi rin malungkot. Isa akong alien na may bahid ng zombieness at adikness.

12. Gusto ko ang number 12. Pati na rin ang 42. 

13. Introverted. Gaya-gaya ako kay kaibigan, daydreamergirl1411 dahil wala na akong masabi. Yun. Introverted. 

14. Pangarap kong magkaroon ng sariling library. Yung limang-metro ang laki tapos kasing-lawak ng isang bahay. Puro libro. Bibitiwan ko na ang aking pwesto bilang taong nagtataglay ng isang kilong adikness at maninirahan doon.  

15. Hindi ako magaling magsalita. 

16. Tatlong taon na sa'kin 'tong cellphone ko. Nahulog na siya sa bowl, tinapon ko sa kawalan, nahulog galing sa itaas na kama ng double-deck, hindi pa rin nasisira. Ibang klase. Tibay, bro. Sabagay, may lahi yata 'to ng 3310, e. 

17. Noong bata pa ako, pangarap ko talagang maging isang langgam at makapasok sa colony nila saka makita kung anong itsura nun. Curious lang. Tsaka masaya na rin yun. Adventure, beybe. 

18. No'ng nakalunok ako ng bubble gum noon, akala ko talaga mamatay na 'ko. Near-death experience. 

19. Tahimik akong tao. Takot ipalabas ang nais palabasin. 

20. Sabi sa rule # 3 ng larong 'to ni daydreamergirl1411, tag others so, they may have the chance to discover things about themselves too daw. Pero wala naman akong mai-tag. Eto na lang. Tagging, katol, shabu, marijuana, at rugby, twenty facts about yourself daw! Now na! 

The Chronicles of AdikWhere stories live. Discover now