Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

Prologue

8 0 0
                                        


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang sabi nila, ang isang hoe ay walang patutunguhan sa buhay.

Tama, hoe. 'Yan ang pagkilala sa'kin ng mga tao mula sa neighborhood ko at hanggang sa school ko

Well, hindi ko naman sila masisisi haha paano ba naman kasi, anak ako ng isang GRO noon. Ngayon, nagtitinda na lang siya ng empanada malapit sa amin. Hindi ko kilala ang tatay ko. No'ng una, ayaw sa'kin ng nanay ko dahil anak niya ako sa pagkadalaga, pero mula nang magkagusto sa akin ang boss ko sa part time job ko dati, na boyfriend niya na ngayon, minahal niya na ako at natuto akong humarot para magkapera.

Sinisisi ko ang tatay ko kung bakit nangyayari ito sa amin. Kung hindi niya kami iniwan ni nanay, kung hindi niya mas pinili ang trabaho at pera, edi sana masaya kami at hindi ko na kailangan magpaka p*ta. Pero okay lang, sanay na rin ako.

Tuwing 10:00 ng gabi, nagtatrabaho ako sa isang club at pagdating ng 8:00 ng umaga, papasok ako sa Kenttaford University. O taray di'ba pangalan pa lang 'di na talaga afford. Buti na lang scholar ako.

Dahil alam ng karamihan sa school ang tungkol doon, sikat na sikat ako sa school. Ang sabi nga, "beauty and brains but hoe."

Sikat man ako, hindi ako tulad ng mga babaeng puro ganda lang. Hinding-hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko. Para saan pa't nagpapaka p*ta ako tuwing gabi, kung pababayaan ko lang ang pag-aaral ko, pangarap ko kasing maging isang abogado.

Ang ironic 'no? Gusto kong maging abogado pero illegal ang ginagawa ko. Hindi bale, pangako ko naman sa sarili ko na kapag nakapag-ipon na ako nang sapat para makatapos ako, ititigil ko na 'to.

Akala ng iba gusto ko ang ginagawa ko. Aaminin ko, masarap pero aanuhin mo ang sarap kung sobrang dumi ng pagkatao mo?

At dahil nga alam ng marami sa school ang gawain ko, marami ang sumubok na galawin ako at pinagbigyan ko na lang para manahimik na. Pare-pareho lang naman ang mga lalaki, 'yun lang naman ang habol ng karamihan sa mga babae. Tignan niyo tatay ko, pagtapos gawin kay nanay yun, iniwan na kami. Ang iba naman sumubok na baguhin ako at nanligaw, pero para sa'kin, mas mahalaga ang pangarap ko kaysa sa ligaw ligaw na 'yan at kailangan ko 'tong gawin para sa pangarap ko.

Dami ko nang sinabi pero 'di pa ako nagpapakilala hahaha. Hi ako si Jaclyn Dela Paz. Estudyante sa umaga, prostitute sa gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HOEfully YoursStories to obsess over. Discover now