“Si sir Mitt! Walang jowa ‘yon tas mayaman. Yayaman ka rin bigla kapag iyon nabingwit mo,” si Ivy.

“Ayoko sa boss ko o sa boss mo. Duh. Pangit no'n.”

“Ayos lang. Pangit ka rin naman.”

Pabiro ko siyang siniko saka kami sabay na natawa. Kalaunan ay natahimik kaming tatlo hanggang sa tuluyang nakatulog.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Alas singko ay mulat na mulat na ako. Siguro dahil na rin iyon ang nakasanayan ko noong nasa probinsya ako.

Nakanganga si Ivy habang ang hinhin ng pwesto ni Margaret habang natutulog. Madali lang din naman akong nakabangon dahil hindi sila nakalingkis sa akin.

Nanghilamos lang ako at nagmumog saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang mag-asawang Vallega sa kusina't nagluluto.

“Good morning, tita, tito,” bati ko sa dalawa.

“Ang aga mo naman nagising, anak?” tanong ni tito Adam sa akin.

Napangiti ako. No wonder why Margaret and her kuyas were raised well. They have great parents e.

“Nasanay lang po, tito. Anong niluluto niyo?” tanong ko naman at lumapit sa kanila.

“Kakasimula lang namin, actually,” ani tita. “Just a simple breakfast lang, Selly. Fried rice, eggs, bacon. Something like those.”

“May maitutulong po ba ako?”

“Oh, no, no. It's okay, anak. We can do this na. If you want, magtimpla ka na lang ng kape or gatas para sa ‘yo. May tinapay din diyan. You can toast it,” saad ni tita.

Tumango ako at hindi na nagpumilit. Baka kasi bonding time na rin nila itong dalawa. Ayokong maki-epal.

Nagtimpla na lang ako ng hot chocolate na nakita ko roon at kumuha ng tinapay. Mukha pa ngang mamahalin dahil hindi ko alam ang brand. Sa amin, kapag Gardenia na brand ng tinapay mo, mayaman ka na.

Nagpaalam ako sa kanila na sa sala na lang tatambay muna. Binilinan nila ako na pwede kong buksan ang TV ngunit pagdating doon ay sa may pool area ako napadpad.

Hindi naman ganoon kalamig ang umaga kaya magandang dito tumambay. Ang dami pang halaman at kahit papaano ay kita ang pag-angat ng araw kaya masisikatan ako. May mga upuan din naman sa gilid so hindi na ako nahirapan.

Ngunit nagulat ako nang makitang nandoon si kuya Aivan at nagbabasa ng libro. Nang mapansin ako ay bahagya siyang ngumiti.

“You're early,” aniya.

Umupo ako sa katapat niyang upuan.

“Body clock, kuys. Nasanay sa probinsya na gumising nang maaga e,” sagot ko at sumimsim ng dalang hot chocolate.

Tumango siya. “So you're going to finish your studies here?”

“Kung papayagan ng amo, kuya, oo.”

“Siguro naman papayag iyon. Sino raw ba magiging amo mo?”

“Hindi ko pa po kilala e. Sabi ni Ivy kaibigan ng amo niya. Tristan pangalan.”

Bahagya siyang nag-isip.

“I am friends with Matteau Mitt. If she's saying that your amo is his friend whose name is Tristan, maybe Ivy's referring to Tristan Louiz Vargaz?” saad niya saka muling lumingon sa akin.

I shrugged. “Siguro po. Hindi ko rin naman kilala.”

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

“Hindi mo kilala?” paninigurado niya.

BS #1: Egsel's Art SubjectWhere stories live. Discover now