Entry Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Oo tama!! Hindi ka dapat maguilty Eya, masyado kang maganda para ma-guilty!! Hayaan mo lang na mag-effort pa ng bonggang-bongga si Cross. Hind ka EASY TO GET tandaan mo..

Okay baliw na yata ako, tamang bang makipagtalo sa KUNSENSYA!?

BEEP!! BEEP!!

Napatalon ako pagkarinig ko ng busina. Agad akong lumingon sa likod para makita kung sino iyon. Pagkalingon ko nakita ko agad yung Truck na naka-park sa harap ng building kanina, sinusundan ako. SERIOUSLY!?? Nanti-trip ba yun!?

BEEP!! BEEP!!

Bumusina ulit. Kaya naman tumigil ako sa paglakad. Bigla naman bumukas yung bintana ng Truck at sumilip si Cros, nakangiti. Yung mukhang parang di nabasted.

"Hi!!!" nakangiti niyang bati sa akin. Grabehan!! Ang gwapo ng asawa ko ay mali MY FAKE HUSBAND pala, peke nga pala ang kasal namin. Pero basta ang gwapo ni Cross!! Para akong teenager na kinikilig. Like a Virgin ang peg...

"Anong ginagawa mo!? Ano na naman yang drama mo Cross!?" sigaw ko sa kanya..

"Look Eya, I'm sorry for what I've done. You know that I really love you and I won't give up on us. Please CookieBear forgive me, I want you back.." sagot ni Cross sa akin

Osige siya na umi-english ngayon. Napahawak ako sa ilong ko para i-check kung may dugo. SHEMAY tagalog yung tanong ko sagutin ba naman ako ng ENGLISH!!??

"You want me back!? Sa tingin mo Cross mapapatawad kita dahil sa ginawa mo ngayon!? Ganon na ba ako ka-EASY TO GET para sa iyo!?" sagot ko sa kanya

"No Eya!! I'll give you time hindi ako nagmamadali. Alam kong mapapatawad mo ako, alam kong mahal mo pa rin ako.."

HALA KA!!  Di naman masyadong CONFIDENT si Cross ehh noh!?

I rolled my eyes. "Anlakas din naman ng FIGHTING SPIRIT mo Cross. Sino naman may sabi sa'yong mahal pa kita aber!?"

"Si Winter." sagot ni Cross

"Ehh!??"

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon