Entry Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero nung magtama yung mata namin, parang biglang huminto yung oras. Parang dalawa lang kaming tao sa lugar na iyon. Nakakapaso yung titig niya kaya ako ang unang umiwas.

Si Cross nga iyon.

Ewan ko, hindi ko maintindihan. Ambilis ng pangyayari, basta isa-isa lang silang lumapit sa akin sabay abot ng bulaklak. Yung mga babae sa tabi ko nagbubulungan. Na kesyo answerte-swerte ko naman daw at ginagawa nila sa akin ito. Ang haba daw ng buhok ko, hindi ako maganda, ang landi-landi ko. SHEEESS kung alam lang nila.

May pakanta-kanta pang nalalaman si Cross, tss dinamay niya pa sila Memo. Pero infairness improving na ang boses niya. Kinikil---- galit pala ako sa kanya. Nung matapos yung kanta nila lumapit siya sa akin.

Ayan na naman yung mga tili/sigaw/bulungan nila..

"Ang gwapo ni Cross!!"

 

 

 

"Ang sweet pa!!!"

 

 

"Ang pangit nung girl!!"

Kainis!! Bakit si Cross sweet at gwapo, samantalang ako PANGET?! Sige kayo na may facial discrimination =.=

Lumuhod pa sa harap ko si Cross sabay abot ng malaking stuff toy na CookieMonster. Kyaaaaaa!!!!! Ancute-cute!!!! Kukunin ko na sana kaso lang bigla kong naisip galit ako sa kanya, kaya ayun tinalikuran ko siya at naglakad palayo..

Parang bigla akong nagsisi..

Parang na-guilty ako bigla...

What to do?

Think Eya!!

Kailangan ba ako magsorry!?

Nagi-guilty ba talaga ako!?

Pero bakit naman ako magi-guilty!?

Ahhh!!! Hindi!! Hindi dapat ako ma-guilty!! Tama lang na ginawa ko kay Cross iyon. Kahit na mahal ko pa siya AS IN MAHAL NA MAHAL NA MAHAL ko pa si Cross, hindi ako dapat magpadalos-dalos ng desisyon. Baka sa huli parehas lang kaming masaktan. Baka iwan niya na naman ako, kami ng mga anak namin..

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon