First Love Never Dies

457 12 5
                                    


Maaga pa lang ay nakatanaw na ako sa malayo sa pag-asang makita ang noon pa man ay inaasam ko nang makita ulit.

Si Oni.

Kahit pa hindi ako pala-attend sa ganitong reunion ay ngayon lang ako nag-kumpirma nang malaman kong a-attend din siya.

Kinakabahan at para akong maiihi palagi sa excitement na nararamdaman.

Nakapaikot na ang ilang mga kaklase ko noon at panay ang kuwentuhan sa kanilang mga bagong buhay. Nanatili akong tagapakinig lalo pa nga't nagsisimula na akong maburyong dahil sa tagal dumating ni Oni.

Pupunta pa kaya siya?

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at pasimpleng nagpalinga-linga. Nai-open lang naman ang reunion na ito simula nang magpo-post ako ng old pictures sa Facebook.

Wala ako sa sariling ngumiti nang maalala kung papaanong kumalabog ang puso ko nang makita ulit ang mga lumang litratong iyon.

We were in high school and we're both very young.

Kung ano ang nakita niya sa akin ay hindi ko alam. Ang sabi niya'y maganda ako, pero hindi ko makita ang aking sarili na ganoon. Pero sa tuwing tititigan niya ako ay alam kong sinsero siya sa sinasabi niyang iyon. Para kong nakikita ang mga bituin sa kanyang mga mata.

He is so handsome. Hindi man siya kalakihang bulas na lalaki ay namumukod-tangi pa rin ang kanyang kagwapuhan. At sa tingin ko'y mas lalo pa siyang gumugwapo sa aking paningin sa tuwing tititigan niya ako.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilang ngumiti. Ayoko namang isipin nilang nababaliw ako lalo pa nga't ang seryoso ng kanilang usapan.

Nasa kalagitnaan kami noon nang pagmememerienda nang mamataan ko ang pamilyar na pigura.

Napuno ng mga paru-paro ang aking tiyan nang tuluyang matanto kung sino iyon.

Nang magtagpo ang aming titig ay kusa kaming napangiti sa isa't-isa.

I missed him.

I just didn't realize it before, but now, I knew in my heart that I truly missed him.

Nakangiti siyang kumaway pati na rin ang pinsan niyang malapit din sa akin, si Yvo.

Mabilis akong bumaba ng hagdan at sinalubong silang magpinsan.

"Kumusta?!" masaya kong bati.

Ni hindi ko magawang itago ang excitement na nararamdaman.

"Long time no see..." nakangiting sabi pa niya habang titig na titig sa aking mukha.

Ilang taon na ang nakalipas, pero parang walang nabago sa titig niyang iyon. Parang kahapon lang ang lahat.

"Bakit wala akong picture sa pinost mong old pictures?" nakasimangot na tanong pa ni Yvo.

"Sorry naman. E, sa iyon lang ang nakita ko. At saka kasi nasisira na 'yong album kaya iyon lang ang na-save ko. Marami nang nasira," paliwanag ko pa.

Nanatiling nakasimangot si Yvo na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Obvious namang iisang tao lang ang na-miss mo," makahulugan pa nitong sabi sabay pasimpleng nguso kay Oni na noo'y titig na titig pala sa akin.

"Na-miss ko kayong dalawa. Ang laki na nang ipinagbago ninyo, a," nakangiting puna ko pa.

Noon kasi ang patpatin silang dalawang magpinsan. Ngayon ay medyo nag-gain sila ng weight at nag-mature na rin ang mga hitsura.

"Mas mataba naman itong si Oni, 'no?" si Yvo na sinapak pa sa braso ang pinsan.

Natatawa namang umiling-iling si Oni na para bang nahihiya. He has gained weight and medyo numipis ng kaunti ang buhok. Pero halos wala pa ring nabago, he was still very handsome. Kahit pa mas malaman din siya kumpara dati. Mukhang hiyang, a.

Laman ng Panaginip ni DeandoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon