ULONG PUGOT

95 5 2
                                    

Galing itong kwento na to sa ka work mate ko bale purchasing officer namin sya 24 years old. pero nangyari to sa kanya nung bata pa sya.

Binalonan city pangasinan.
Grade five palang sya non at may event sa school nil, bale money competion.

Kasama nya yung nanay at tatay para sila yung makikipag bid.

Mag a alas dose na yun ng gabi at nakaramdam sya ng pagka-ihi, kaya nagpaalam sya sa mga parents nya na iihi lang sandali at naisip nyang dun nalang sa likod ng school umihi kasi masyadong malayo kung pupunta pa sya sa school comfort room matatagalan sya dahil hindi sya sigurado kung bukas yon at medyo may kalayuan.

Mas accessible yung likod ng school nila para sa kanya. so duon na sya nagbawas, may poso sa gawing kaliwa nya. tapos habang umiihi sya may naaninag syang bata na nakatayo sa bandang kaliwa nya katabi ng poso. kaya nilingon nya ang bata na nakaputi parang nag go- glow in the dark hindi nya din makita yung itsura o yung muka at may hawak pa 'tong juice na naka tetra pack at umiinom tapos naka turo yung isang kamay ng bata sa kanya.

Hindi naman sya natakot kasi ang akala nya ay normal na bata yung nakita nya.
Dahil wala pa siyang idea sa mga paranormal. kaya pinabayaan nya lang, nung matapos na syang umihi andun pa din yung bata at naka turo pa din sa kanya, kaya mabilis syang pumunta sa aunti nya at sinabi nya na may bata dun sa poso, kaya sinamahan sya ng auntie nya para tignan pero wala na yung bata sinabi na lang ng aunti nya na wag nya nang isipin yun..

Mahabang panahon bago ulit sya naka ranas ng kababalaghan.

2013 graduation nya sa college nang gabing 'yon alas tress na nang madaling araw nagising sya dahil nasilaw sa flashligth ng uncle nya na tumagos sa bintana ng kwarto nya.

Papunta nang bukid yung uncle nya at ganung oras talaga lumabas ng bahay para hindi umagahin sa daan. napakaliwanag nung flashligth nayun parang L.E.D ligth.

kaya nagising sya ng tuluyan tumingin sya sa cp nya para tignan kung anung oras na, ipinatong nya ulit sa lamesita yung telepono nya ng makitang alas tress palang ng madaling araw at naisipan nya na matulog ulit dahil masyado pang maaga at inaantok pa sya dahil halos kakatulog nya lang dahil ala una nang natapos ang graduation ceremony. Tumagilid sya paharap sa may bintana at may naaninag sya na lumulutang na mapulang mapula na nag parang alitaptap na pa kurap kurap, kaya tinignan nya ng maayos ini-angat nya pa ng bahagya ang kanyang ulo upang makita ng maayos ang kanyang tinitignan, napabalikwas sya sa pagkaka higa ng maaninagan nya na ulo ng tao ang kanyang nakikitang lumulutang sa pagkakabalikwas nya ay napaupo sya at naka harapan ang ulong pugot. Maitim ang sa gawing mata nito pati ang palibot ng labi. Nakangiti ito na abot hangang tenga nakalabas lahat ng ngipin nya na labis nagbigay ng kilabot sa kanya idagdag pa ang isang dangkal lang ang pagitang ng muka nila. kaya sumigaw sya at sa pagkakasigaw nya ay nagising angbmga magulang nya na nasa kabilang kwarto lang at nagsimulang kumatok sa labis na pag aalala.

Sumigaw na lamang sya ng papa "papa.... Pakibuksan yung ilaw..." nasa labas kasi ng kwarto yung switch ng ilaw.

Nung pag bukas ng ilaw ay nagtatakbo sya palabas ng kwarto pumunta sya sa higaan ng parents nya at dun sya tinanong kung napano sya.. kinuwento nya lahat pero sabi ng tatay nya naku umalis na yun kaya matulog kana. Simula nuon ay hindi na sya nagpapatay ng ilaw pag matutulog.

,________,
Hi there.
kung may kwento po kayo feel free to share @ yaoski.adr@gmail.com

KILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon