Chapter 1: manong fairy

71 1 2
                                        

Name: Loys L. Lee in short L.L.L. Di pa ginawang Lays no? tuwing ipapaspell sakin pangalan ko, kala nila nakikipagbiruan ako.

Age: 24 yrs. Old

Height: 5’5 oo na. ako na magandang model.

Weight: 50 kg

Sex: F

Teka teka. Ba’t ko nga ba binibigay sainyo yan? Baka i-stalk niyo pa ko eh. Staka tama na. parang bio data lang na binaboy pero, you wanna know a secret?

Sawang sawa na ko sa buhay ko! Letse.

 YES, matalino ako, maganda, sexy, mayaman. Ako na. akong ako na. mainstream, cliché o common masyado eh no? ganon talaga eh, pag maganda.

 pero alam mo yung feeling na nagsasawa ka na sa buhay mo? Napakaboring lang. Wala nang pinagbabago. Paulit ulit na lang. matutulog, kakaen, gigising, magtatrabaho, shopping and that’s all. Am I contented with that? I’m still alive but I’m barely breathing. De jk lang. kanta na yun eh. Pero seryoso, may time na gusto ko na lang magpakamatay para tapusin na lahat.

Di naman kasi magiging ganito ang buhay ko kung buhay parin ang parents ko. Syempre napunta sakin ang mga business na iniwan nila at may mga pamana naman akong natanggap pero sa tingin mo sasaya ako sa lagay na yun? DUHHHH. OF COURSE NOT.

Sa unang tingin, yaman ko naman no?. Pero sa tingin mo satisfied na ko ng ganun ganun? I have the wealth, pero wala akong pamilya na nanjan para sakin.

 Okay. Tapos na ang introduction. Oo introduction ko yun. Wag ka umanggal. Nakikibasa ka na nga lang eh.

This seems to be crazy pero may nirecommend sakin yung secretary ko sa opisina na may lahi atang mangkukulam dahil ang weird niya. pero seryoso, ang weird niya.

 Sa tingin mo, sino ang magsusuot ng shades tuwing na sa loob ng opisina at pag na sa may labas naman, tinatanggal niya. Meron pang iba eh. Minsan may mejas siya sa may kamay tas pagtatanungin ko, ang sagot niya sakin “excuse me”, pupunta daw siya ng CR tas minsan napagkakamalan kong janitor sa opisina dahil may dala siyang walis. ano gagawin niya dun? Porket 2021 na, di ibig sabihin na fashion trend na yun.

 syempre di ko naman yun pinapalayas dahil may pakinabang naman kahit papano tas may usap-usapan sa kanya sa opisina pero IDGAF about that. So ayun, nagpauto naman ako. Pumunta ako dun sa albularyo ata yun? tas yun sinabi ko yung gusto kong mangyari. Ang gawin ko daw ay basahin ko daw yung papel na binigay niya sakin habang nagdadrive daw ako tas yun mangbangga daw ako pero syempre joke lang yun. pero sinong tanga ang magbabasa ng ganong kahaba habang nagdadrive? Papakamatay lang? sira ulo lang?

siguro ako nga lang ata yung tanga na yun..

Nacurious naman ako kasi gusto ko na rin naman magpakamatay kaya habang nagdadrive ako pauwi hinablot ko yung na sa may bulsa ko na papel  na ibinigay nung matandang gusto na ko patayin tas may nakasulat dun na sinusulyapan ko lang kasi nakatingin ako sa daanan baka kasi may masagaan ako. gabing gabi pa naman din. Full moon. baka may magpakitang Edward dito at magiba na ang genre ng storya. Pero di ko lang alam kung tama yung nababasa ko, basahin ko daw ng malakas eh.

“bulbulangshungashungakonamankayachechemagegengsextennauleako”

 ansabe? sabi na nga ba eh. Ginogotongan lang ako nung matandang yun eh. Bulbul daw? Ano gagawin ko sa bulbul? Shunga daw ako? anong magegeng sexten na ule ako? tama ba? Owshet. Wala namang nangyari pagtapos ko basahin. Nakauwi naman ako ng wala akong nasagasaan o kaya di naman ako nabunggo. Letseng matandang yun.

Kumaen muna ako at nagpalit ng damet tapos nanuod muna ako sa sala. Nakakatawa sana yung pinapanuod ko pero tuwing nandito talaga ako sa bahay namin, di ko makalimutan yung memories na iniwan ng mga magulang ko..at ng mga kapated ko. bigla na lang napatulo ang mga luha ko. kahit matagal-tagal nang nangyari, tuwing inaalala ko parang bago pa rin sa aking isip.

“sira ulo ka talaga Loys, dahil din naman sayo kaya nagkaletse-letse buhay mo eh”

oo. kinakausap ko sarili ko. ganyan ako kaloner sa bahay. ni katulong wala kahit naman mayaman ako, bili na lang ako ng robot next time.

pinunasan ko na lang ang mga luha ko at napaisip naman ako tungkol dun sa pekengalbularyongmatanda. Di ako hater. Sadyang wala naman nangyari sa pinagawa niya. Ang tanging hiling ko lang naman ay..

*FLASHBACK*

“KUYANG ALBOLARYO, PWEDE NIYO HO BANG IBALIK ANG MGA MAGULANG KO? AT PARA MAGING KUMPLETO NA KAMI KASAMA ANG MGA KAPATED KO? SIGE NA! BIRTHDAY KO NA BUKAS. PABIRTHDAY NIYO NA. TWENTEPAYB NA KO BUKAS :D”

“iha, kaya kong gawin yan. Pero may isang taon ka lang na palugit”

Aba! Pumayag naman. pinagtiripan ata ako nito eh. imposible kasi yung pinapagawa ko eh. pero parang sigurado siyang possible ang mga mangyayare, kaya makikiride na lang ako.

“talaga lang? sige ba! Game ako jan.”

“pero iha, hindi mo kayang kontrolin ang mga magaganap. ika nga may salitang ‘destiny’ kapag ito ay talagang mangyayari, hindi mo na kaya itong kontrolin kahit ano pang mangyari.”

“baket manong? Ikaw kaya mo?”

Nginitian lang ako ni manong. =________=

*END OF FLASHBACK*

di naman complicated ang hiling ko. kung talagang magaling na albularyo siya, magagawa niya yan. di ko nga alam kung albolaryo talaga siya eh. tinawag ko lang siyang ganyan. Di ko alam kung fairy, mangkukulam, genie o albularyo nga ba siya. pasalamat nga siya, binigyan ko siya ng creeper smile. para malaman niyang seryoso ako. di naman kasi ako mahilig magsmile.

wala na tuloy ako naintindihan sa pinapanuod ko pero teka, parang lumalabo paningin ko..

bigla akong nakaramdam ng hilo tas parang gusto kong magsuka.

OMFG.OMFG.OMFG.OMFG…

…. Am I pregnant?!!

Ganito yung mga nababasa ko sa mga storya eh. Pero syempre napaisip ule ako. wala naman akong boyfriend. Ex boyfriend meron. kagabi lang kami nagbreak kaya nga mas naging depressed ata ako. pero WALA naman kasing nangyari samin. Ay. paranoid ako masyado. agad-agad? Buntis kaagad ako? di ba pwedeng may sakit muna ako? letseng utak to. Di nagwork.

Asdfghjkl. Nahihilo ako. next thing I knew..

Napahiga na lang ako sa may sofa at biglang umikot ikot ang paningin ko at may narinig ako bumulong sakin ng..

 “shunga ka! Di ako peke”

Tas block out.

you wanna know why? ang dahilan kung baket dahil rin naman sakin kaya nagkaletse-letse ang buhay ko at kung sino yung bumulong bulong sakin ng ganon?..

….i-vote mo muna yung story tas magcomment ka. Ahehe. joke lang yun. Naisama ni Author yung message niya para sa inyo. pero joke lang ulet yun kasi totoo yun. Magulo ba? Bahala kayo.

~o~o~o~o~o~

Oo ba, i-vote mo muna tas magcomment ka para malaman ko kung gagawa pa ko ng next chapter. Paki sabi kung itutuloy ko pa. okay. Bye. Hater ako ng mga silent reader kahit isa ako sakanila. Kaya, MAGPAKITA KAYO. Nga pala, tama yung nabasa niyo. Kunwari 2021 na. di ko yan napagbaliktad. Talagang ganyan yan. Wag ka umangal. Balibag kita eh. wag ka magexpect ng mas lalamang pa sa robots. Porket 2021 na, common na lang ang may mga nagliliparan na kotse? Agad agad? yung picture nga pala na nasa gilid, isipin niyo siya yun habang nagdadrive tas palayasin niyo yung lalake sa tabi niya sa imagination niyo. sige bye na ule. Daldal mo eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OH SNAP! Srsly, I'm 16 AGAIN?!Where stories live. Discover now