Doon Sa LRT Station

8.6K 307 68
                                    

A/N:

This story is based on the real life event in Central station happened not too long ago. Naalala ko lang ang tungkol dito nang minsan sumakay kami sa LRT ng co-writer ko habang papunta ng PPC (Precious Pages Corp). Funny it seems but it's the same spot and same station.

This wouldn't have been possible kung hindi sa pangungulit ni Billy Willy Dee :D Siya po ang dahilan kung bakit nasa mundo ng watty ang istorya na ito. And to anonymous guy, whoever and wherever you are... thanks for the unforgetable and kilig moments.

DOON SA LRT STATION

Wala sa loob na napatingin ako sa suot na wrist watch. Hindi naman rush hour ngunit nakakapagtaka na dagsa ang mga pasahero. Halos mapuno ang central station ng mga taong umaasam na makasakay ng LRT train.

Limang train na yata ang dumaan pero bigo pa rin akong makasakay. Sa dami ng mga pasahero ay para na silang mga sardinas na nagsisiksikan sa loob ng bawat bagon. Ngayon ko gustong magsisi kung bakit naisipan ko pang makigulo sa mid-year sale sa SM Manila. Sana pala hindi ako nagpagabi ng uwi at sana pala nagtiyaga na lang akong mag-abang at makipagsiksikan sa jeep.

"Hindi ba tayo pwede doon?" Sabi ng babae sa tabi ko. Napalingon ako at sinundan ng tingin ang tinuturo niya.

"Kung pwede lang, eh di sana kanina pa tayo nakasakay," sagot naman ng kasama nito.

Ang tinutukoy ng babae ay ang special lane para sa mga senior citizen, pregnant woman, PWD at iyong may mga bitbit na maliit na bata. Naka-reserved para sa kanila ang unahang bahagi ng train.

"Halika, i-refund na lang natin ung pamasahe natin. Aabutin tayo ng siyam-siyam dito bago pa tayo makasakay ng LRT."

"Mabuti pa nga at mag-jeep na lang tayo," sang-ayon ng kasama nito at sabay nilang nilapitan ang naka-duty na guwardiya sa entrance.

Napaisip tuloy ako. Kung i-refund ko na lang din kaya ang pamasahe ko at mag-jeep na lang? Subalit binigyan ko pa ng isang pagkakataon ang sarili ko. Isang train pa. Ngunit hanggang sa dumating ang hinihintay ko ay nanatili pa rin ako sa aking kinatatayuan. No dice! Hopeless na talaga ako.

Nanlulumo na pumihit ako patungo kay Manong Guard. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya nang may kung anong bumagsak na bagay sa aking harapan. Feeding bottle?

Yumuko ako para damputin iyon at inabot sa may-ari.

"Thanks!" Boses iyon ng lalaki.

Doon lamang ako nag-angat ng mukha. I saw him carrying a little boy. Anak yata niya. Bukod doon ay mga bitbit din itong traveling bag. Halos hindi ito magkandaugaga sa dami ng dalahin.

"Thanks ulit, miss," he said smiling. Napangiti rin ako. Nakakahawa kasi ang maaliwalas niyang mukha. Saka ko naalala ang pakay ko sa katabi niyang guard.

"Manong, ipapa-refund ko po ang card ko."

"Bawal ang refund," masungit nitong sagot. May pagkasuplado pala si Manong Guard.

"Bakit iyong dalawang babae kanina pinayagan ninyong magpa-refund?" Hindi ko napigilan mapasimangot.

"Doon ka magreklamo sa window 4. Ang hirap sa inyo pabagu-bago kayo ng isip. Nahirapan lang ng konti sa pagsakay, magbaback-out na agad," mahabang lintaya nito at hindi na ulit ako pinansin .

Bagaman naiinis sa kasungitan ni Manong Guard ay hindi na ako nagpumilit. Hindi ko rin kayang makipagtalo lalo na sa nakakatanda sa akin. Dismayado na tinalikuran ko na lamang siya. Aalis na sana ako nang may biglang kumalabit sa balikat ko.

"Miss, puwedeng magpatulong sandali?" Tanong sa akin ng lalaki kanina na may karga na bata.

Bago pa ako sumang-ayon ay walang babala na inaabot niya sa akin ang kanyang anak.

Short Story CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon