CIM.14

694 31 4
                                    

Axon's POV
1:36 na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Ang daming bagay ang gumugulo sa isip ko, ano nang mangyayari sa mga taong mahalaga sakin kapag nawala ako? Kay Xenon? Kay Auxin? Kahit gustuhin ko pang mag-stay at mabuhay alam kong huli na, alam kong malapit na yung araw na iiwan ko sila.

Pinagmasdan ko si Xenon habang natutulog sa sofa na katapat ng kama ko. Mukha siyang pagod na pagod, lagi siyang nasa tabi ko, hindi niya ako pinapabayaan kahit na yung sarili niya e napapabayaan na niya. Sa bagay simula naman nung nagkakilala kami hindi na niya ako iniwan, lagi niyang iniintindi yung kapakanan ko. Kaya siguro minahal ko siya, kasi gusto ko dumating yung oras na ako naman yung mag-aalaga sa kanya.

Tumayo ako mula sa kama ko at nilapitan si Xenon. Bumulong ako sa tainga niya “You still believe in magic, right? Maniwala ka rin sana na hinding-hindi kita iiwan. Hindi man sa pagkakataong ‘to, pero sa pagkakataong tama na ang lahat.” Pagkatapos nun ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa garden ng ospital. Naupo ako sa isa sa bench doon. Madaling araw na kaya medyo tahimik na ang paligid, maliban na lang sa mahihinang ingay mula sa loob ng ospital.

“I told you to quit showbiz, Thalia! Lalo lang lumalala yang kalagayan mo sa pag-aartista mo.” Boses ng isang babae ang nangingibabaw sa mahihinang ingay na naririnig ko. Galing lang yung boses sa di kalayuan. Parang may pinapagalitan siya.

“Mommy, gusto ko yung ginagawa ko. Hayaan mo na lang akong gawin yung gusto ko bago man lang ako mawala.” Mahinahong sagot ng isa pang babae.

“God! Thalia, wag ka ngang magsalita ng ganyan. Gagaling ka, okay? Gagaling ka. Kung hindi ka kayang gamutin dito sa Pilipinas dadalhin ka namin ng Daddy mo sa kahit saang bansa para lang mapagamot ka.”

“Mommy, I’ll be fine, okay? Wag na kayong masyadong magalala ni Daddy.”

“Thalia…” parang nag-crack na yung boses niya.

“I love you, Mommy.”

“I love you too. Thalia.”

Hindi ko sinasadyang marinig yung buo nilang pinag-uusapan nila. Siguro pareho kami nung Thalia na may malalang sakit, at artista siya. Si Thalia Villanueva lang naman ang nag-iisang Thalia sa showbiz, pero wala namang napapabalita na may sakit siya o baka hindi ko lang alam kasi wala akong hilig sa showbiz.

“Uuwi muna ako, pumasok ka na sa kwarto mo.” Nagsalita ulit yung mommy niya.

“Dito muna ako, Mommy. Magpapahangin lang po ako.”

“O sige, pero pumasok ka agad a. Makakasama sayo kapag nagtagal ka sa labas.”

“Yes, Mom. Bye. Ingat po.”

“Bye.”

Dahil siguro lagi kaming magkasama ni Xenon, nahawa na ako sa pagiging curious niya. Kaya hinanap ko kung nasaan si Thalia, at tama ako nasa malapit lang siya. Mag-isa na lang siyang nakaupo dun, kaya nilapitan ko siya. Nagulat pa nga siya nung makita niya na nakatayo ako sa tabi niya.

“Sorry. Na-overheard ko kasi yung pag-uusap nyo ng Mommy mo kanina, nacurious lang ako kaya hinanap kita.” Sabi ko.

She smiled at me. “Ayos lang. I’m Thalia, and you are?”

“Axon.”

“Nice to meet you, Axon. Bakit ka naman pala na-curious sakin?”

“We have the same situation.”

“Same situation?”

“We’re both sick.”

“You’re also dying?” walang pag-aalinglangan niyang tanong.

“Yes.”

“Handa ka na bang mamatay?” I like how she talks straight to the point.

“Nung una handa na ako, hindi na nga ako nagpapagamot nun e. But a girl came in to my life and became the reason why I’m fighting with this damn sickness.”

“You’re very lucky because that girl came just in time. Dumating siya bago ka pa tuluyang sumuko.”

“Yes. And I thank her for that. Ikaw? Handa ka na bang mamatay?”

“Hindi naman sa handa na, pero hindi na ako magmamakaawa sa Diyos na habaan pa yung buhay ko, kung mamamatay na ako, so be it. Nagawa ko naman na yung mga bagay na nakakapagpasaya sakin.”

“You’re a tough person.”

“Naniniwala kasi ako na hindi ang kamatayan ang katapusan, alam kong may mas magandang plano para sakin.” Sabi niya.

“And you’re also optimistic.”

“Haha. Masyadong maiksi ang buhay para punuin ng negative vibes.”

“AXON! AXON! HOY AXON NASAAN KA?!” naputol ang pag-uusap namin ni Thalia nang may sumigaw sa pangalan ko mula sa kung saan. Si Xenon yun. At base sa tono ng boses niya, umiiyak na siya. “AXON NASAAN KA BA?!”

Nagmadali na ako para puntahan si Xenon. At tama ako umiiyak nga siya, pero mas matindi pa yung pag-iyak kaysa sa inaasahan ko.

Nung nakita niya ako, tumakbo agad siya palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. “S-Saan ka ba galing? Alalang-alala ako sayo… akala ko kung saan ka nagpunta… Kinabahan talaga ako gago ka!

Bumitaw ako sa pagkakayakap at pinunasan yung luha sa pisngi niya. “Hinding-hindi kita iiwan, okay?” ulit ko sa sinabi ko kanina habang tulog siya.

“Sabi mo yan a. Natakot kasi ako… madaling araw na tapos wala ka dun sa kama mo… Wag na wag mo nang uulitin yun, wag mo na akong iwan.”

“Uulitin ko a. Hinding-hindi kita iiwan. Maniwala ka sa sinabi ko kagaya ng kung gaano tayo naniniwala sa magic.”

“Okay naniniwala na ako. Saan ka ba kasi galing?”

“Nakipagkwentuhan lang.”

“Kanino?

“Kay Thalia Villanueva.”

“Yung actress? Bakit close ba kayo?” and she frowned. Uhuh, my girl’s jealous.

“No. Wag kang magselos.”

“Hindi ako nagseselos a! Nagtatanong lang ako. Paano naman kasi magkakagusto sayo yung tao e ang ganda-ganda nun.” And she’s being defensive.

Niyakap ko siya. “I love you, okay?”

She hugged me back. “I love you, too.”

“I don’t want anybody else but you.”

“And if you were to ask me after all that we've been through "Still believe in magic?" Well yes, I do. Of course I do. Because I call it magic when I'm with you. ”

 

call it magic :: exo [complete]Место, где живут истории. Откройте их для себя