Sa kompanya ni Costumer

0 0 0
                                        

"Maniwala ka, gusto ka ng lalaking iyan, tingnan mo nga oh kung makatitig ibang-iba"



"Baliw! Eh kung tingnan nga ako eh halos kakainin na nga ako oh"



"Hindi yan. Naglalaway na yan sayo, naging costumer mo ata eh"



"Baliw! Wala akong straight na naging costumer"



"Eh! Malay mo paminta yan"



Habang kumakain kami dito sa canteen ng kompanya na gusto aplayan. May lalaking titig na minamasdan kami kanina pa, ni para bang may utang ako sa kanya.



"Tanggap ko nang magiging single ako sa buhay, habang buhay", sagot ko sabay subo ng isang kutsarang pagkain sa bibig.



"Charot charot ka rin no? Ka-ka 21 mo lang nga eh maglalaon agad?", sabi ng maingay kong katabi habang patuloy parin ito sa pagsubo ng pagkain.



"Tiyaka, single na hindi virgin.



"Ang pangit no.." pagpatuloy nito.



Habang binubuksan ko ang takip ng mineral water ay kasabay ng inaalala kung paano at saan kami unang nagkita nitong lalaki nga sa aming harapan. Kinamot kamot pa ang ulo upang mas maalala pa siya. Nanlisik bigla ang mata nitong lalaking pinaguusapan namin ng isang sandaling magkatitig kami. At yun nga ang pagaalala ko sa pagmamadali kong paglalakad isang araw sa mall.



"Nako! Tara na, naalala ko na kung bakit tinititigan ako nitong lalaki sa harap natin. Alis na tayo dito.."



Isa..



Dalawa..



Tat...



"Excuse! Are you going to apply here?"



Akmang aalis na sana kami ay napahinto naman ng sandaling pinatigil kami ng isang boses sa aming harapan. Dahil agad kaming nagkasundo ng kaibigan kong naging dahilan rin nang kung anong nangyari sa labas ng CR ng sinehan isang araw habang tawag ng tawag itong sa Kris sa akin na magsisimula na raw ang palabas.



Sabay naman kaming napatango ni Kris dahil nga ay mas naging pamilyar ang boses nito. Nanginginig ako sa takot baka masapak na nga ako ng lalaking nabasag ko ang relo nito nang sa pagmamadali ko na makaihi sa CR.



"Pagtapos ng tatlo kris...



Isa



Dalawa


.."



Nang hindi pa nakapagtatlo ang aking bilang ay agad ng nakaalis si Kris, habang ay hindi makaalis alis sa aking pwesto.



Napapaubo ako sa sikip ng paghila ng kwelyo ko sa aking likuran.



"If you still don't forget me..", sabi ng lalaki sa likoran ko habang hawak parin nito ang kwelyo ko sa likuran. Naiiyak ako sa hiya o kung ano man dahil basta bigla nalang tumulo bigla ang luha ko.



"I was the guy na tinakbuhan niyo rin ng kasama mong parang bakla sa isang sinehan", pagpatuloy nito.




Ng biglang nawala ang sikip mg aking lalamunan mula sa pagkakahila ng lalaki ng aking kwelyo ay kasabay ng galit na pagbanggit ng isang bruskong pangangatawan ni Sir Alfred.



"Mark!", sabi ni Alfred at alam kong siya nga yun.



Agad namang pinakawalan nito ang paghigpit ng hila ng kwelyo ng aking damit. Yumuko na lamang ako sa hiya dahil para bang pinagtitingnan na kami ng mga tao dito. At bakit pa ba kasi biglang dumating pa itong Sir Alfred eh kong may-ari nga siya nitong kumpanyang ito eh kailangan pa bang siya mismo ang bibili ng pagkain sa canteen? Di ba kaya ay di siya napagsisilbihan ng maayos ng sekretarya niya, di gaya ng pagsilbi ko sa kanya isang gabing gusto kong maulit?



"Anong ginagawa mo dito sa canteen Mark? At bakit pati ang isang aplikante ay halos patayin mo na rin? Ganyan ba Mark?"



Bigla nalang napaatras itong si Mark sabay titig sa akin na mukhang galit na galit tapos tingin uli kay Sir Alfred at kay Kris na sa likoran ni Sir Alfred.



At teka, anong ginagawa ni Kris sa likoran ni Sir Alfred? Di ba kaya ay..



Nako!



Nako.. Kris! Humanda ka sa akin mamaya.



"Oh! Clark, ayos ka lang ba?", tanong ni Sir Alfred sabay hawak nito sa aking kaliwang braso.



Naramdaman ko agad ang kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan ng biglang pinisil nito ang aking braso.



Nako Sir. Huwag ho naman ngayon baka ay mahalata tayo ng mga tao dito.



"Oo Sir! Artistahin lang ho talaga iyang kaibigan ko. Tiyaka Sir. Ikaw nga talaga yung Sir Alfred na gwapo na sabi ni Clark na mabait pa. Salamat ho Sir. Di ko ho inaakalang totoo nga pala talaga ang mga sinabi ni Clark", si Kristina habang inaayos nito ang buhok niya.



Nako! Ang daldal talaga ng babaeng ito eh daig pa ako. At kung makapagpaganda din ito eh di rin naman siya ang gusto nito.



"Nako eh kung ganon ay tawagan niyo lang ako kung may kailangan kayo. Siguro ay tanggap naman kayong dalawa diba?", muling sagot ni Sir Alfred at kasabay ng pagkindat nito sa akin ay isang masarap na pagpisil muli nito sa aking kaliwang braso.



"Malandi ka talaga", bulong ni Kris sa akin.



Nginitian ko nalang si Sir Alfred na siyang patalikod din nito at sabay lakad papalabas ng canteen. At dahil nga ay nasa may pinto lang naman siya.



"Hoy! Ano bang pinagsasasabi mo diyan kay Sir Alfred ha. At bakit siya biglang napa rito sa canteen?"



"Basta! Mamaya na yan, ibabalita pa natin itong pagkatanggap natin sa trabaho. At sa wakas ay no more tambay at home na tayo!", masayang sagot nito mula sa aking tanong na kasabay ng paghila rin nito sa aking kamay papaalis ng canteen.



Kalalabas lang namin sa canteen at habang naglalakad kami papunta main entrance ay bigla nalang tumunog ang aling cellphone.



Nako! May text galing kay Sir Alfred.



From: Costumer Daddy


Clark. Punta ka sa harap ng kotse sa parking area mamayang alas syete ng gabi.



Matapos kong mabasa ang text ni Sir Alfred ay tiningnan ko ang oras sa relo ko.



5:50



Nako! Anong gagawin ko sa halos 2 hours.



To: Costumer Daddy


Okay po.



Sent!



Sabay lock ng screen ng phone ko at lagay sa bulsa.



Nakita naman ni Kris kung anong ginawa ko at napataas kilay nalang ito.



"Oh! Huwag mong sabihin na may service ka na naman?"



"Ah. Eh, si Daddy Costumer ay nag text eh.", sabi ko na lamang tingin uli sa oras ng relo ko.



"Wow. Ang aga-aga pa ah, pero sige bahala ka diyan ay basta ako, solve na problema ko sa bahay no! May trabaho nako..", masayang sabi nito sa akin tapos hakbang ng kaliwang paa nito at pagayos ng buhok.



"Sige Kris, kita nalang tayo bukas. Para sa pagproseso ng mag dokumento.", sabi ko nalang sa kanya.



"Wow! So di ka duty mamaya?



Ummm. Okay, sabagay eh magbabago ka naman diba?", sarkastikong pagbaybay nito ng mga salitang ipinupunto naman nito ay ukol sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pero, Bakit?Where stories live. Discover now