"Minsan may mga bagay tayong hindi hinihiling Nathalia pero dumarating. Parang ikaw, hindi naman kita hiniling pero ibinigay ka sa akin. Hindi ko inasahan na mamahalin at aalagaan kita. Wala ng maraming pangako Natie, didiretsuhin na kita. Mahal na mahal kita. Will you marry me, again?" kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang tumango.

"I love you too Nathaniel." ngumisi siya at kinindatan ako.

"Sabi ko naman sayo wala ka ng kawala sakin." he reached up and sealed my lips.

***

"Si Nathalia? Sa bahay namin ako ang batas! Sa akin ang last word. Kapag may sinabi siya? YES BOSS agad ako! Hahahaha." rinig ko ang halakhak ni Nathaniel sa may table kasama si daddy, Grant, Tito Yvo, Tito Lyndon and si Kuya Ivan. Umiling na lang ako habang inaasikaso ang iba pang bisita.

"Naku, lasing na ata si Nate. Haha. Look at him pulang-pula na ang mukha." tawa ni mama Shiela.

Nag double wedding kami nila daddy kahit na naiinis siya dahil nakisama pa kami sa special day nila ni Mama. Haha. Halata na kasi ang tiyan ko at ayaw naman naming magpakasal ni Nathaniel pagkapanganak ko. Haha. Four months na ang tiyan ko and it's a boy! Hinila ako ni mommy palapit sa boys at umupo ako sa hita ni Nate. Mabilis niyang hinalikan ang kamay ko at ngumiti.

"Alam niyo ba na sa sobrang under ni Nathalia ay nakaluhod siya kapag nag-aaway kami? Hahaha. Sasabihin niya 'Hoy Nathaniel lumabas ka diya sa ilalim ng kama mag-uusap pa tayo!' Hahaha." piningot ko ang tainga ni Nathaniel dahil sa mga kalokohan niya.

"Ah! Si Elaine man under sakin yan. Bakit naman tayo papa-under sa mga asawa natin diba? Kaya kapag sinabi niyang maglaba ako? Hiwalay agad ang puti sa de-color!" sumama na rin kami sa tawanan ni Mama Shiela at ang kakalapit lang na si Elaine.

"Ano na naman yang pinagkakalat mo ha Grant? Tara na umuwi na tayo mamalantsa ka pa!" kinantyawan ni Tito Lyndon ang manugang niya at humalakhak.

"Pero Papa alam mo ba si Nathalia inuutusan ba naman akong mamalansta? Inuutusan akong mamalansta eh naglalaba pa ko! Hahahaha." gusto ko ng sakalin si Nathaniel dahil sa kalasingan niya.

Gabi na ng matapos ang party at dumiretso na kami sa suite namin. Napatili ako ng halikan akong bigla ni Nathaniel sa batok. Lasing pa ba 'to? Itinulak ko siya sa kama at tumawa lang siya. Nanliit ang mga mata ko ng pinalapit niya ako sa kanya. 

"You are dunk." I whispered.

"Tipsy lang. C'mon. It's our honeymoon." gusto kong matawa. Buntis na nga ako ngunit heto honeymoon namin.

"Magkakaron ka na ng Junior! Hahahaha."

Gosh! Noong huling check-up ay pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan dahil tinanong ba naman niya sa doktor kung pwede pa mag sex. Sinumbong ko 'yon kay mama at tumawa lang siya. Halos lahat naman daw ng lalaki ay 'yon ang concern dahil nakakabaliw nga naman daw kung nine months walang sex. Tumataba na nga ako hindi naman ako pwedeng mag diet. Daig ko pa ang baboy kung kumain eh. Baby bakit naman napaka gutumin mo?

Hindi pa rin nagbabago ang appetite ko sa sex actually mas lalo nga akong ginaganahan ang sabi naman ng OB ko ay normal 'yon dahil sa hormones. Abnormal nga ata hormones ko, kahit hindi naman ako buntis ay kinukulit nila ako. Haha. 

"I love you so much Nathalia. Ang sabi nga nila it takes two to tango. Nandito tayo kasi mahal natin ang isa't-isa. Hindi ako magsisisi noong araw na inaya kitang magtanan." ngumiti ako at tumango. Tama ng si mommy sa huli ay magpapasalamat ako sa kanya. Kakainis! Mas nauna pa niyang nalaman ang feelings ni Nate for me.

"Hindi ako magsisisi na pinikot kita." humalakhak siya at pinitik ang noo ko.

"Willing naman akong magpapikot, pakipot lang ako." sabay kaming tumawa at kinintalan ko siya ng halik sa labi.

"I'm running out of words. Mahal na mahal na mahal kita Nathaniel."

Minsan okay magmahal, minsan okay ang masaktan. Okay lang basta iyong taong mahal mo ang dahilan.

THE END

May special update ako. :) but for now basahin niyo na last chapter. Haha. Mag focus na ko sa Had No Mercy.

Comments are highly appreciated

Twitter: BonitaBabyy

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora