"Ipapakilala kita sa babaeng mahal ko." mas lalo akong nagtaka ngunit imbes na magtanong ay sumama na lang ako sa kanya. Imposible. Ayoko na nga mag overthink heto at babaliwin na naman ako ni Nathaniel. Ngumisi siya ng huminto kami sa isang full length mirror.

Iniharap niya ako sa may salamin at nakita ko ang maputla kong repleksyon. Masuyo niya akong tinitigan at niyakap ako mula sa likuran. He rested his chin on my shoulder and kissed it. Hinigpitan pa niya ang pagakakayakap sakin at hinaplos ang impis kong puson.

"Iyang babaeng nakikita mo sa harap ngayon, iyan ang babaeng mahal ko. Kahit na minsan stubborn siya at isip bata mahal ko yan. I love her flaws and imperfections. I will make sure she won't cry anymore, and if she does, I will kiss them away. Damn!" hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Bakit ngayon ko lang nakita kung gaano ako kamahal ni Nathaniel? Ngayon lang nanuot sa sistema ko kung paano siya tumingin sa aking mga mata. He looked at my eyes with full of love and passion. Lord, ano pong ginawa ko at bakit may ganitong blessing kayong ibinigay sa akin? Noon hanggang tanaw ko lang si Nathaniel ngunit heto ako kaharap siya at abot kamay. Ang hiling ko lang noon ay mapansin niya pero heto at inlove na inlove sa akin si Nathaniel. Now, I'm telling myself that I won't never give up for this guy.

Kahit ano pang mangyari, ilang pagsubok man ang humarang sa amin ay paiiralin ko na ang love and trust ko. I will trust him, kahit anong sabihin niya ay paniniwalaan ko. Minsan naiisip ko wala naman akong ginawang tama, marami akong katangahang ginawa at maling desisyon pero naisip ko rin sa lahat ng katangahan ko kay Nathaniel lang ako tumama.

"Life ain't easy Natie, marami pa tayong pagdadaanan as a couple. Tiwala lang ang hinihiling ko and chance para patunayan na mahal kita. We have to be strong and knowing that you are here? Kakayanin ko lahat para satin." he whispered on my ear and I smiled. 

"Kung may taong magmamahal man sakin at mananakit gusto ko ikaw yun Nathalia. Pero sana hindi ako yung taong mananakit sayo kasi mas masasaktan ako." 

Napaawang ang bibig ko at mas lalong napaiyak ng lumuhod siya sa harap. He kissed my hand at naramdaman ko ang pagpatak ng kanyang luha. Don't cry my love. I gasped in awe. Inilabas niya ang isang box at bumungad sa akin ang isang Tiffany and Co ring. Nanginginig ang mga labi ko at nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha. Nang tumingala si Nathaniel at tinitigan ako sa mga mata ay nakita ko kung gaano niya ako kamahal. Bakit hindi ko 'to nakita agad? Bakit kailangan mangyari pa 'to para matauhan ako. I refuse to see those things that will make me happy and contented. Ipinikit ko ang aking mata at isinara ang aking mga tainga at nagpadala sa emotions ko.

Ayoko ng isipin na hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya. Magiging selfish na ako at susuklian na lang ng tama ang mga sakripisyo ni Nathaniel para sa aming dalawa. Yung iba naiinggit sa akin kasi walang nagmamahal sa kanila pero heto ako minamahal na nga ng sobra ay tatanga-tanga pa.

I realized na nagpaparamdaman at naghihintayan lang pala kaming dalawa. Natakot tuloy akong bigla. Buti na lang hindi kami umabot sa punto na magsisisi at matatanong sa sarili na "Bakit hindi ako nagtapat? Mahal naman pala niya ako" bigla akong natakot sa What if's at yun ang mas nakakapagpatatag sakin na huwag na muling maging tanga.

Ang malas ko sa pamilya kasi hindi ako naging masaya kasama sila, lumaki ako na laging nag-aaway ang parents ko and I got angry to Nate kasi kahit ampon siya masaya naman siya sa family niya. Hindi siya tinuring na parang iba plus masaya pa ang parents niya kahit may sakit ang dad niya. Malas din ako sa kaibigan. Plastic ako at walang matuturing totoong kaibigan. Mayroon man ay iisa lang. Pero sa huli bawing-bawi ako kay Nathaniel. Nakahanap ako ng pamilya, kaibigan at asawa sa kanya.

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon