Chapter 28: Malas.

Magsimula sa umpisa
                                    

Chelsie POV

Clang!. Boogsh! Clang!

Nagising ako sa mga kalampugan.

Ano naman kaya yun? Lumabas ako ng kwarto para e-check kung anong nangyayari.

"Oh Chels gising kana pala,, good morning! lika nag luto kami nila Nico ng food mo" sabi ni Cassidy sa may kusina, ngayon ko lang narealise na nasa bahay pala ako ni Nico kasama sila Cass at Maxine.

"Hindi ako gutom" tumalikod na ako sa kanila, gusto kong bumalik sa pag kakatulog,

Para hindi ko maalala ang lahat.

Atleast in my dream he was there,,,,

Telling how much he loves me.

Tears fell again, dahil parang nag faflash back nanaman ang lahat.

Ang sakit sakit.

Biglang may kamay na tumakip sa mata ko.

"Tsk. tsk ang aga aga nagiging onion ka sa mga kaibigan mo" sabi ni Nico at pinunasan ang mga luha ko. "Lika at kainin mo yung hinanda ng dalawa, ang mga heart broken daw narerelive pag kumakain ng kumakain"

Hindi ako umimik at hinayaan lang syang hilahin ako papunta sa dining table.

" Here Chels luto namin ni Maxine,, Masarap yan,," sabi ni Cass and inabot ang pakain.

Kahit wala naman akong gana ay pinilit ko paring sumubo,

"Hmmm ano kayang gagawin natin ngayon?,, Chels ano gusto mo gawin?" -Nico

Gusto kong kausapin si Jade.

"I dont want to see you ever again!"

Kumirot yung puso ko sa naalala.

Kala ko panaginip lang....

"Gusto kong umuwi at mag pahinga" matamlay na sabi ko.

"Hindi pwede at mag mumukmok ka lang dun at iiyak!" -Maxine

"Oo nga Chels, saka may schedule kaming tatlo sayo, look oh!" sabi ni Cass at nilabas yung phone nya at may pinakitang chart.

~Plan for not letting Chels. remember him~

Sunday- Nico

Monday-Maxine

Tuesday- Cass

Wednesday-Nico

Thursday-Cass

Friday-Maxine

Saturday-Nico

Napakunot ang noo ko. "Ano yan?"

"Alam mo kasi pag inooccupy mo yang isip mo, hindi mo sya maalala,, the next thing you know wala na sya sa buhay mo" sabi ni Maxine habang yumakap sya at si Cass sakin.

"Ok lang yan Chels marami panaman iba dyan eh,, makakalimutan mo rin sya." -Cass

Gusto ko nga ba syang makalimutan?

"Ok,, since this is my day,, mag dadate tayo Ms.Ra- este Chelsie, " nag smile sya ng napakaluwang at hinila na ako.

"Wait san tayo pupunta?" naguguluhan kong sabi,

"Mag dadate nga! lika na!" hindi naman nya sinagot yung tanong ko, sabi ko saan hindi ano -___-, and besides hindi pa ako naliligo. yuck!

"Hah?! eh hindi pa nga ako naliligo or nag hihilamos man lang!" kadiri kaya ang baho ko...

"ok lang yan,, dadaan naman tayo kala aunt Velma sya bahala sayo,, " tuloy tuloy parin sya sa pag hila hanggang sa makalabas ma kami ng bahay at maka sakay sa kotse nya.

He's a kissing monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon