Class 003 : They Seek...

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dismiss" sabi niya at lumabas na kami. Kanya-kanya ng reaksyon ang mga kasama ko habang ako nakatitig lang sa kanila nina Muel at Mariz

"Tulala ka ata" asar ni Lami, ngumuso lang ako na nagtuturo sa kamay nina Muel at Mariz.

"Ehem" paubo na sinabi ni Lami. Napatingin naman silang lahat samin, naka-cross arms lang si Lami at mataray na tinignan sina Muel at Mariz.

"Uy!" pagsiko naman ni Sophia sa dalawa. Nagulat naman sila kaya naghiwalay agad.

"Psh. Wag kayong PDA please" sabi ni Lami at umalis

"May period ba siya ngayon?" tanong ni Sungyoung. Selos lang yun

Minseo's Point Of View

"Muel lapit ka nga dito" sabi ko kay Muel, nauna na ang iba sa amin sa klase at kami na lang ang nasa hallway. Hinatak ko siya hanggang sa makarating kami sa likod ng lumang building.

Simply I pinned him to the wall

"Umamin ka, kayo na ba ni Mariz? May nangyari na ba sa inyo? Buntis ba siya? Ba't magkahawak kayo ng kamay? Ba't sabay kayo ngayon?" tuloy tuloy kong tanong.

"Hindi, Wala, Ata? 'Di sinasadya, pinagbilin saken. Ayan nasagot ko na tanong mo kaya please, ang awkward" sagot ni Muel. Lumayo ako ng onti.

"Bakit 'Ata?' ang sagot mo?" tanong ko.

"Ah kasi... Ano... Ewan basta parang kasi eh" mautal-utal niyang sagot. Naiintindihan ko na siya kaya hindi ko na masyadong kinausap pa.

Nauna na siyang bumalik sa klase ngunit ako ay nakiramdam muna, parang may nagmamasid sa mga galaw ko ngayon.

Paglingon ko sa isang banda ay nakita ko ang isang babae na nakaputi at peterpan collar na dress ang suot, nakasuot rin ito ng floral headband at hanggang tiyan ang buhok.

"Jeon!" sigaw ng isang guro mula sa school publication,may hawak kasi itong camera at siguro pupuntahan ang play ng mga taga 2nd year.

"Sir Chen!" sigaw ko pabalik at tumakbo palapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin.

"May hinanap lang po, nawala kasi yung bracelet ko dito kanina. Ikaw po ba?" pagsisinungaling ko sabay banat ng tanong.

Ibinaba niya ang camera niyang dala kaya lumaylay na lang ito. Inilabas niya ang kanyang panyong puti at nagpunas ng pawis

"Papunta lang ako ng auditorium" tipid niyang sagot.

"Pumasok ka na sa klase mo, diba may quiz kayo? Baka mahuli ka pa" sabi ni Sir Chen. Tumango na lang ako at nagsimulang maglakad, lumingon ulit ako kung saan ko nakita yung babae pero wala na siya, ganoon rin si Sir Chen.

Teka, paano niya nalamang may quiz kami ngayon? 'Di naman siy kasama sa mga subject teachers namin ah. May mali... Sobrang mali... Naisip ko.

"You can't believe what I saw last night sa tapat ng bahay ko" panimula ni Sophia pagpasok ko ng kwarto.

"May babaeng nagmamasid sa labas ng bahay ko, she looks like a person but I feel she's a ghost. She was wearing a white dress na may peterpan collar at flower headband. So creepy talaga lalo na yung nakita niya akong nakatingin sa kanya" pagkwento niya

"Yung girl ba na yun yung buhok niya hanggang tiyan?" out of somewhere I asked. Same description as what I saw earlier

"Yep, why? Nakita mo rin ba siya" tanong niya. Napatulala lang ako dahan-dahang tumatango.

1135RM2068716 : All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon