Chapter 1

21 0 0

My cheerful mood is brought to you by my awesome

.

.

.

.

.

Friends :)

Well, actually they really are.

Almost a year of not being in a relationship..

0.o

Ow?

Inhale.. Exhale.

I moved on, common Aliza you moved on.

" Natapos mo na yung 3 month rule and the 100 days chuchu, hindi mo na kelangang I-reject yung mga lalaki dyan na umaaligid sayo" --

Umepal na naman tong madadal kong buddy na si Maria habang tinatanggal sa paper bag yung mga boxed of cookies na ibebenta nya.

Anyway bago ko sya patulan. Mag Hi muna ko sa inyo. Hahahaha HI!

I'm Aliza Marquez. Maganda, sexy, small but cute... Ahhhh? Ano pa nga ba yung mga terms na ginamit saken ng ex-boyfriend ko para bolahin ako.

Tapos kinagat ko naman. -__-

Owkiee hindi ako BITTER..

"Kelangan ko ba talagang Ientertain yang mga yan? Pwedeng pass muna. Hindi ko naman sila kelangan ngayon.. Okay na saken yung kayong mga friends ko ang nakakasama ko" -sagot ko sa kanya na tama lang para marinig ng isang dosenang bugok na itlog sa paligid Ko

"Ang drama mo sis.." -sagot ni Anna na nasa gilid lang ni Maria

"Pwede naman kahit ligaw lang" --sagot ni jai

"E di parang magpaasa lang ako nyan" --sabi ko

"Just give it a try. Part ng moving on din. You're obviously not totally moved on" -- paliwanag ni flor..

"I am" --depensa ko sa sagot nya na tinaasan ko pa ng kilay

"NOT" --sabay sabay nilang sagot saken

OH EARTH...wala ba kong kakampi dito???

Tumahimik na lang ako at nakikinig sa kulitan ng mag jowaers na si Glecy at Dave na nasa likod ko.. In

5..

4..

3...

2...

Sakto....

Napangiti na naman kase ako sa ngyayare sa likod ko. Naririnig ko na naman na ngbabangayan ang dalawang yun. Ganyan sila minsan (gaano kadalas ang minsan?) hay nako.. Naisip ko rin na pano kung magentertain nga ako tapos magkakaboyfriend ulit... Magiging sweet saken. Magaaway.. Tapos ano??

Break? Sawang sawa na ko!

Buti pa tong si Dave at Glecy. Tumataba sa pagmamahalan nila. Sheraught..

Buti pa si Japie at lala

Si jhoanna at mark

Si Maeh at Ron

Si flor at James hahahahahah laughtrip

(Hahaha wala lang dead na dead kase si James sa kanya e ayaw ni flor. Share lang)

Hindi kase ako ganun kagaling sa paghahandle ng relationship.. At mas lalong nagpapalala e ganun din yung nagiging boyfriend ko. We both started as sweet and ended up with nothing but a coffee.. Grams of bitterness na kelangan pa ng napakaraming litro ng tubig at asukal para maalis yung pait.

Grabe naman daw kase akong mainlove. Lalo na kapag nagiintay ako bago umuwe para sabay kame, tapos nasa bahay na pala yung iniintay ko,, buti na lang andyan mga friends ko na na kasabay ko umuwe nun.

Eto na naman po tayo sa mga luha na agad ko namang pinunasan bago pa man mapansin ng OA kong katabi..

Noooo.. Aliza.. Erase.. Erase na sabi e...

Hayyyyyy!!!

Ang Hirap kaseng Kalimutan kung gaano ako Katanga nun para sa lalaking hindi naman dapat pinag eeffortan.

OO NA MASAKIT PA DIN HANGGANG NGAYON.

Start na ng 2nd semester. May mga bagong classmates daw kame ngayon na imemeet kaya medyo late si Mam D (ang favorite prof ko). Inaayos pa nya yung mga ipinasa na requirements sa kanya ng mga ugok na enrollees.

15 minss--

16--

17--

.

.

20 mins at ready na kameng lumabas ng classroom dahil mukang hindi na kame sisiputin ng favorite kong prof... Nang biglang bumukas ang mahiwagang pinto at iniluwa si Mam D.. Kasunod ang

1..2.3.....7...8...

Ayun.. 10 new students ng section na to na magiging classmate namen sa ibang subjects.

"Introduce yourself before taking your seats." - mam D

Sabi ko na nga ba may mga ganitong portion pa si mam. Kaya favorite ko yan e. hindi agad agad nagsisimula ng klase. Anyway hindi naman ako interesado sa mga new classmates na yan. Mukang majejerte sila at mahahangin. Feeling ko lang hahahahahah (judge mental eh).

Kinuha ko na lang yung cookies ni Maria na 3 pesos ang isa e malaki pa yung nips dito.

At bago pa man ako kumuha hinablot agad saken ni debzz.. At na punta Kay lala.. Kinuha ni flor.. Sunod si jhoanna.. Kay jai... ANNA.. MAE.. MAEH...GLECY...DAVE.. At kumuha din si MARIA.. PAG dating saken isa na lang natira (at least). Bago pa man nila isubo yung cookie nakatingin sila lahat saken..

Konting katahimikan

Tingin si debs. Tingin si lala. Si flor.. Si Joanna..jai.. Anna. May.. Maeh. Glecy.. Dave at Kay MARIA..

"OO NA AKO NA MAGBABAYAD" -sabi ko at ayun mabilis pa sa alas kwatrong naubos ang nips este yung cookies.

Wala akong maintindihan sa pangalan nila.. Ang ingay nga kase ni MARIA.

Tapos ayun. Natapos na sila ng pagpapakilala.

"Mam kuha lang po ako ng silya sa labas. Mukang naubusan po ako e" -narinig kong sabi ng isang lalaki Kay Mam

"Sure Mr.Pascual" -sagot ni mam at diretso labas na yung lalaki.

Chinichicka pa ko ni MARIA nang biglang

"Araaaaaay...ahhhhh" -napasigaw naman ako nung magpatak yung silya na hawak ng kkapasok lang na lalaking to.. Natapilok ata sya at tumama sa braso ko yung paa ng arm chair na buhat nya..

"SORRY MISS.. Sorry talaga miss"

Narinig ko naman ang tawanan ng mga kaibigan ko sa paligid. Ang OA kase nung lalaki hinawakan yung braso ko.

"Hindi sya si Miss.. Meet Aliza"

Siniko ko naman si Maria. Naghehysterical na nga kme dito may gana pa syang mag pa meet and greet.

Binitawan agad nung lalaki yung braso ko nung iniiwas ko talaga at napakamot na lang sya sa batok nya.

"Ahh.. E.. I'm sorry Aliza" -sabi nung lalaki at dumagundong sa bulyawan ang mga katabi ko nung Oras na yun. Feeling ko tuloy namumula na ko sa hiya..

Hayyyy -___-

@15ninjaflor2

Crime Called LOVEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!