Chaper 23

1.5K 31 0
                                    

Bea's Pov

So 7:00 pm na nga pala at kakagising ko lang. Ito namang katabi ko mahimbing paring natutulog at nakakapit lang sa akin. Hayyy nako Jho. Mas lalo na talaga akong nahuhulog sayo. Siguro para sayo wala lang tong lahat ng to. Pero para sa akin, yung ganito kaliit na bagay is napakasaya ko na. Gigisingin ko nalang siya at lumabas nalang siguro kami para kumain.

"Hey gising na Jho!" At tatangalin ko na sana yung mga kamay ko sa pagkakayakap mula kay Jho pero hinigpitan niya ito lalo.

"Gutom na ako Jhow." Sabi ko nalang sa kanya.

"Nahhhhhh bei i want to cuddle pa with you." At hinalikan niya naman ang pisngi ko. Hayyy naku Jho yung puso ko. Hahahahahaha akala ko tulog pato.

"Bangon na tayo please." Sabi ko naman at kinurot yung pisngi niya.

"Kaya mo bang tiisin akooooo?" Sabi niya at nagpapacute pa.

"Sige na nga." At yun nga nagcuddle lang kami dito hanggang sa inabot na kami ng ilang oras at sa wakas napagisipan niya naring kumain na talaga dapat kami.

Andito kami ngayon sa labas ng condo ko at naglakad lang kami ni Jho sa may pinakamalapit na fastfood chain. Ako na yung umorder at si Jho naman ay umupo na dun sa may vacant seat na nakita niya.

Ang sarap lang talaga sa feeling na ok na kami ni Jho. I learned na, Oo gusto ko nga siya pero hindi naman pwede na hindi ko nalang siya pansinin dahil lang sa nagustuhan ko na siya. Jho is really a good person kaya she doesn't deserve those things though.

At lumapit na ako sa table namin at binaba na yung mga order na binili ko for us.

"Ayos ka lang?" Tanong ko naman sa kanya dahil parang nagiba na ang aura niya. Magpagka bipolar talaga to.

"Let me say na may iniisip lang." Sabi naman niya at kinain yung food.

"Ako na naman ba iniisip mo?" Pabiro kong sabi.

"About dun sa ex ko." At tumingin lang siya mula sa malayo.

Wait? Jho has an ex? Pero sa pagkakaalala ko nung nagtanong ako sa kanya noon sabi pa nga niya she has an 10 x. It means "AYAW KO SA TAONG SASAKTAN ANG PUSO KONG NASAKTAN NA."

So it means nasaktan na siya. Bakit nga ba ang slow ko sa part na dun? And she's honest na to me. Sinabi na niya yung totoo sa kanya. I hope naka move on na siya.

"Wait you have ex?" Sabi ko nalang.

"Hmmm sabihin nalang nating meron. Actually nakita ko nga siya sa labas ng restaurant kaninang lunch nung kumain tayo. Hindi ko alam na all this time andito lang pala siya sa Pilipinas. Hinanap ko siya sa San Francisco kasi dun yung tinitirahan namin pero wala siya dun. Hindi ko alam ang reason kung bakit niya ako iniwan. Pero tanggap ko na hindi talaga ako kamahal mahal." At sumubo na siya ulit ng pagkain.

How could that man do that to Jho. Jho is really a good catch. Mabait, maganda, caring, matalino at masaya kasama. Kaya nga nagustuhan ko siya diba. Nakikita kong masaya siya pero may kulang. At ngayon ko lang nalaman na kulang na pala yung puso niya. Sana natutulungan ko siyang maging masaya kaso i know it will never replaced all the things. But atleast i tried to make her happy naman diba.

"Mali ka Jho. You deserve someone better." Yan nalang ang nasabi ko sa kanya.

"Hahahahahahaha that's impossible." At kinurot niya yung pisngi ko. "Kain na nga lang tayo para makauwi na." At tumango nalang ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain is lumabas na kami ng pinagkainan namin at naglakad lang kami.

"Masakit ba Jho?" Tanong ko naman sa kanya.

I'll Bring You To My WorldWhere stories live. Discover now