Part 2 (1st Day Of School)

Start from the beginning
                                    

"ow sh*t!!!" *booogsh!* "aaaaawww!!!"

Huh? Oh my gosh May tao. Pag lingon ko, may lalaking nasa baba ng puno. Shocks! Nahulog ata sya.

"hey. Ok ka lang?" lumapit ako sa kanya tsaka ko sya inalalayan.

Nagulat naman ako nung tumaggi sya sa Pag tulong ko.

Ano ba yan! Ang arte ha! Sya na nga tinutulungan nag iinarte pa

Hindi ko nalang yun pinansin.

"ikaw ba yung sumigaw?!" galit nyang tanong.

Tinignan ko naman sya at parang kilala ko yang pagmumukhang yan ahh

"ikaw?!"
"ikaw?!"

Magkasabay naming nasambit. Sabay turo sa isa't isa.

Langya! Yung lalaking nangwasak sa phone ko! Di ako maka get over! Sa dinami rami ng taong makikita ko ngayong, bakit sya pa?! Grabe naman to!

Nag titigan lang kaming dalawa. Yung tipong nag spark na yung mata namin. Walang nag papatinag.

"sobrang malas ko naman! At ikaw pa ang nakita ko!" sabi nya

"wow! Coming from you?! Sa tingin mo maswerte ako at nakita kita?!" sabi ko

"of course! Sa gwapo Kong to, maswerte ka ng makita mo to" sabi nya, Sabay turo nya sa mukha nya.

"wow naman! Ang kapal ng mukha!" sabi ko Sabay snob sa kanya

"bakit ka ba andito? Sinusundan mo ako no?! May gusto ka sakin no?" sabi nya Sabay ngiti ng nakaka loko

"wow! Di lang pala makapal ang mukha mo! Assuming ka pa! Bakit?! Sayo tong school? Tsaka bakit naman kita susundan Aber?" dirediretso Kong tanong sa kanya. Mejo naiinis na sya sa mga pinagsasabi ko.

"o talaga? 1st year ka diba?! Bakit ka nandito?! Diba may orientation at tour kayo dito sa buong Academy?!" pagkasabi nya nun. Napaisip naman ako bigla, may point naman sya.

"at bakit? Bawal hindi umattend?" sagot ko. Tinignan lang naman nya ako mula ulo hanggang paa. Tsaka sya tumalikod at nag lakad palayo

"syanga pala! Wala akong gusto sayo! And never akong magkaka gusto sa isang katulang mong makapal ang mukha at assuming pa!" nilakasan ko yun, mejo malayo na kasi sya ehh. Alam Kong narinig nya yun. Lumingon kasi sya, Pero Di ko maipinta yung mukha nya.

"yung sagot sa pangatlong tanong mo kanina. Di ko kasi nasagot ehh!" pagkasabi ko nun ma's lalong diko ma describe yung mukha nya. Haha! Buti nga!

Ako naman ang tumalikod at nag lakad palayo sa kanya. Syempre sa ibang direction ako nag punta. Baka sabihin nya Sinusundan ko nanaman sya ehh. Mahirap na baka mag assume yung mokong. Galit parin ako sa kanya! Di ko makakalimutan yung araw ng Pag wasak nya ng aking mahal na phone.

Oh well, pumunta ako sa may field. Since 1st day of class, gaya ng Inaasahan, walang ka tao-tao

"wow. Ang ganda naman dito, ang sarap ng simoy ng hangin" pagkasabi ko nun, umupo ako at diko na namalayan ay naka tulog na pala ako.

Nagising ako sa sinag ng araw, pag dilat ng mga mata ko. Nagulat ako kasi may taong naka upo sa tabi ko. Habang naka higa ako.

"what are you doing here?!" gulat Kong tanong sa kanya tsaka ako bumangon agad.

Tinignan lang naman nya ako na parang nag tataka "bakit? This is a public place, pupunta at tatambay ako kung saan ko man gusto" pagkasabi nya nun, sya naman ang humiga

Tsaka ko naman na realize na tama sya. Infairnes ang gwapo nya ha.

"oh, sorry." bigla nalang lumabas sa labi ko. Bigla syang nag side, yung patalikod sakin. Ako naman tahimik lang.

PASJA Academy (The Story Of Sheen) Where stories live. Discover now