Binalik ko sa bag ko ang lipstick na ginamit ko. Si Evan ang bumili nun dahil may mga panahon na napaka putla ng mukha ko at tingin ko isa ang araw na to sa mga panahon na iyon. Nang ayos na ang gamit ko ay pinatay ko ang electric fan at himinga ng malalim bago naglakad papunta sa pinto.

Naabutan kong nakatunganga lang si Xander doon at naka sandal sa railings sama talang si Penny ay busy sa phone niya. Di ba sila aalis?

Agad na tumuwid ng tayo si Xander. Sinuri niya ako. Nav iwas ako ng tingin.

"Aalis na ako," sabi ko.

"Ihahatid na kita pauwi,"

Umiling agad ako. I know I like that idea. Aarte arte lang ako na ayaw ko pero alam kong gusto ko- Stop!

Mali to. Even when he offered to take me home, mali na sumang ayon lalo na at nandito ang err... girlfriend niya.

"Hindi na. Kaya ko naman," sabi ko.

"Uuwi na rin naman ako-"

Naputol ang sinasabi ni Xander ng biglang dumating si Evan. Sabay pa kaming tatlo na tumingin sa kanya na naglalakad papunta sa amin.

"Uy, Jessica, tara na," si Evan nang nakarating sa tabi ko.

"Saan kayo?" si Xander.

Nilingon siya ni Evan. Doon lang tuluyang napansin ng kaibigan ko ang presensya ng dalawa. Ngumiti pa si Penny ng lumapat sa kanyang katawan ang mga mata ni Evan. Maybe she thought he was checking her out but the truth is he's already judging her.

"Ah. Kakain lang. Celebration for my victory, Dude,"

Halos tumawana ako ng malakas ng bigkasin ni Evan yung "Dude" pero pinigilan ko dahil nakatingin sa akin si Xander.

"You can come with us," si Evan at binalingan ulit si Penny.

"No!" mabilis kong agap. Epal na Evan.

Nagulat pa si Penny sa biglaang pag lakas ng boses ko. Hell I don't wanna be around them!

"I mean no, Evan. Baka mag didate..." the fuck. "... Sila." ngumiti ako.

Sarkastiko akong pinandilatan ni Evan kaya sinipat ko siya. Pinagtaasan pa ako ng kilay ni Penny at nangingiting binalingan si Xander. Kilig na kilig ah. Hindi naman napansin ng pinsan ko iyon dahil sakin siya nakatingin.

"Sige mauna na kami," sabi ko at hinawakan na sa braso si Evan dahil normal lang iyon samin.

Bumaba ang mata ni Xander sa kamay kong nasa braso ni Evan bago nagsalita.

"Nag paalam ka na ba sa mga kapatid mo?" malamig niyang tanong.

"Uh-"

"Hayaan mo nga siya, Xander." natatawang pag putol ni Penny sa sasabihin ko at tsaka hinampas ang braso ni Xander.

Wow. Invisible kami? Arte ha.

"Oo nga naman, man. Kakain lang kami kasama ng ibang kaklase. I'll drive her home," natatawang sabi rin ni Evan. Anong nakakatawa?

"Magtetext ako sa kanila," sabi ko at itinulak na si Evan. Medyo nahirapan pa ako dahil ayaw pa niyang maglakad.

Kung di ko rin kasi siya hahatakin paalis don ay baka di na matuloy yung celebration na sinasabi niya. Iniwan namin don si Penny at Xander. Hindi ko na sila nilingon dahil ayoko rin na lalo pang masira ang mood ko.

Tanong ng tanong si Evan kung sino ang kasama ni Xander kanina. Hindi ko alam kung sino iyon pero tingin ko ay siya ang... girlfriend. Sabi na nga at tama rin ako dahil matapos kong sabihin ang pangalang niya ay nag simula na siyang mag comment sa mga suot ni Penny mula ulo hanggang paa. Hindi na nga lang ako kumikibo.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz