He sighed. “Yes, my princess. Babalik na tayo.”

“Thank you…” I hugged him and whispered I love you.

“Wait… paano pala si Lance?” lumayo ako sakanya at tinignan siya. “Bahala siya. Nakarating sa mag-isa dito, makakabalik ng Manila mag-isa ‘yan.”

“Mikael…”

“I’m serious, okay? Umuwi siya mag-isa. Walang Mikaela na sasama sakanya,” he shrugged. I glared at him. Minsan, masama din ugali nito e.

“Lumabas ka na nga, matutulog na ako.”

“Matulog ka, matutulog din ako…” humiga siya sa kama ko. “Mikael…” hinawakan ko ang kamay niya at hinihila siya patayo pero hinila niya ako kaya bumagsak ako sa ibabaw niya. My head is on his chest kaya dama ko ‘yung tigas ng dibdib niya. Hindi katulad ng katawan nila Kuya Thunder ang katawan ni Mikael, aminado naman ako ‘dun. Pero for me, he’s the sexiest man alive. Hindi lang naman kasi ang abs ang kailangan to look sexy… may abs kaya si Mikael ko tapos ‘yung happy trail niya pa na…

“Pinagnanasaan mo na naman ako,” pinitik niya ng mahina ang noo ko. “Aray! Kapal nito,” babangon na sana ako pero pinigilan niya ako. “It’s okay with me if you’re having dirty thoughts about me, Mika. Fair lang naman.”

“Huh?” kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“Wala. Matulog ka na nga…” he hugged me tighter. Umayos ako ng higa and he buried his face in my neck. “Alam mo na ang pakiramdam ko whenever you’re with that… that… Tss… Batman?”

Natawa naman ako. “I just used that because he came in from nowhere at ang ganda kaya ng new car ni Lance.”

“I don’t care about him and his car. Wala namang Darna na sasakay ‘dun.”

“Ang mean mo,” I yawned. Pagdating kay Lance, sumasama talaga ugali nito.

“Kay Batman na lahat…si Darna lang ang kailangan ni Superman. She’s more than enough. Superman loves…”

Hindi ko na masyadong naintindihan ang sinabi niya. Masyado akong inaantok para marinig kung ano pa ang karugtong nun.

--------------

“Sa kotse ko na nga sasabay si Mika, Kerko.” Hinawakan ni Lance ang kamay ko habang ang isa naman ay hawak ni Mikael. Obviously, kahit naman hindi kami nag-usap ni Mikael, automatic na sakanya ako sasabay.

“Huwag mong ipilit, Saavedra.” Mikael pulled me pero hinila ako pabalik ni Lance. “Ikaw ang huwag makulit, Kerko.”

“Pwede ba?!” I shrieked. I shrugged their hands off. “Kung mag-aaway lang kayong dalawa, I rather commute!” pero siyempre, joke lang ‘yun. Anong alam ko sa mga sakayan dito? Baka imbes na makauwi ako, makarating pa ako sa Villain City.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Where stories live. Discover now