“Matulog ka na din,” hinila ko ang kamay ko mula sakanya pero hinila niya ako papasok sa kwarto ko. “Mikael, ano ba?” pinaupo niya ako sa kama at pumasok sa cr. “What’s happening?” tanong ko sakanya. Maya-maya, lumabas na siya na may dalang basang towel.

“Anong gagaw—“ bigla niyang pinunasan ang noo ko. I frowned a little. “Ano bang ginagawa mo?” hinawakan ko ang kamay niya.

“Ayokong hinahalikan ka ng kung sino-sino, okay?” masungit na sagot niya sabay punas ulit sa noo ko. “Tss. So dapat ikaw, maligo sa alcohol. Pinasan mo si Sophia e,” I hissed.

“Ai, can’t you understand what happened?” umupo siya sa tabi ko. “Bumalik ako… binalikan kita. Wala ka ‘dun. I was so close to go berserk because I couldn’t find you… hindi ko alam kung anong gagawin ko if something happens to you.”

“Hinintay kita, okay? Ang tagal kong naghihintay. Kaso hindi ko na nga kasi alam kung may hihintayin nga ba ako. Nakakapagod! Nainip ako, that’s why umalis na ako.”

“I told you to wait for me, hindi mo ba kayang maghintay pa ng sandali? Kailangan kong iexplain sa dad ni Sophia ang nangyari kaya natagalan pa ako.”

“Masyado ng matagal ang pinaghintay ko. Buti nalang, nakita ako ni Batman using his super duper awesome car,” I said sarcastically. Ayan, naging Batman pa tuloy si Lance.

“Yeah, nakakainis man… I’m thankful na nakita ka niya,” he sighed. “I’m sorry for leaving you again.”

“Paano kung nung iniwan mo ako, ako naman ‘yung nagcramps? Ako naman ‘yung napahamak? Or worst, paano kung na-rape ako?” hindi naman sa gusto kong ma-rape. Hello! Walang babaeng ginustong marape. Depende nalang kung si Greg Montemayor ang mangre-rape, pwede pa siguro.

“Mika, that won’t happen.”

Kumunot ang noo ko. “That won’t happen? Why? Come on, Mikael. What if na-rape nga ako? Anong gagawin mo, ieexplain mo din ba sa dad ko kung bakit ako na-rape?”

“Mika, I told you, hindi mangyayari ‘yun…”

“Bakit nga? Ano? Wala man lang magkakainteres sa akin, ganun?” Kapal neto. Oo, feeling ko mas maraming magtatangkang mang-rape sakanya pero, hello! Ang ganda ko kaya!

Hindi siya nagsalita pero nakatingin lang siya sa akin. “Ano? Bakita ayaw mong mag—“ he pressed his lips against mine. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang patuloy sa paghalik sa akin.

“Mikael,” I uttered against his mouth. After a few seconds, pinaglayo niya ang labi namin pero pinagdikit niya ang noo ko sa noo niya. “If ever ma-rape ka, Mikaela… I swear to God, makakapatay ako. And I will never forgive myself dahil pinabayaan kita. I’m so sorry for leaving you… for neglecting you. Hindi na mauulit. I promise.”

“Gusto ko ng bumalik ng Manila… don’t get me wrong, Mikael. Gusto ko dito pero ayokong nag-aaway tayo lagi. Please, bumalik na tayo ‘dun.” Hinawakan ko ang pisngi niya and stare at his face. “Please?”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon