Chapter 1

2.3K 57 0
                                        


Chapter 1

"Yaya Pony, please... sige na, punta na tayo ng park, please..." pagmamakaawa at pagpapacute ni Hopie.

"Hopie, hindi pwede. Baka pagalitan tayo ng daddy mo. Alam mo namang ayaw ng dad mo na lumalabas tayo, di ba?" - Yaya Pony.

"Okay... Mickey, c'mon, let's play na lang dito sa bahay." Hindi naman malatiis ang kanyang yaya kaya tinawag siya ulit nito. - Hopie malungkot.

"Hopie, gusto mo bang talagang pumunta ng park?" sabi ni Yaya Pony. Bigla namang lumiwanag ang mukha nito.

"YES! SUPER..." sabi ni Hopie sabay talon.

"Basta wag mong sasabihin sa daddy at mommy mo, ha? Baka pagalitan tayo," sabi ni Yaya Pony.

"I know, Yaya Pony," sabi ni Hopie sabay ngiti.

So yun nga, pumunta sila ng park kasama si Mickey (aso) at ang kanyang Yaya Pony. Patago silang lumabas ng bahay para pumunta ng park.

 

Hopie's POV

Hello, I'm Hope Elizabeth Soberano a.k.a. Liza or Hopie. 6 years old ako. I'm a princess, hindi man literal, pero yun ang buhay na namulatan ko; anak ako ng mayaman. Pero sad to say, hindi ako katulad ng ibang bata na madalas maglaro sa labas ng bahay o may kaibigan na kaedad ko. Ang daddy ko kasi ay sobrang strict; lahat bawal—bawal makipagkaibigan sa mga boys, bawal lumabas ng bahay... pero mahal nila ako ni Mommy. Ang kaibigan ko lang ay si Mickey, isa siyang aso.

"Andito na tayo! Halika, baba na tayo," sabi ni Yaya Pony at inalalayan niya ako hanggang makababa ng taxi. Kasi nga, tumakas kami, kaya taxi lang kami.

"Mickey, come here," sabi ko at binuhat ko siya sa madamuhan. Naglalaro lang kami nang makakita ako ng... cotton? Pero bakit kinakain ng mga bata?

"Yaya Pony, bakit nila kinakain ang cotton?" pagtatanong ko sa yaya ko. Natawa naman ang yaya ko.

"Hahaha... ignorante talaga ang alaga ko!" Wow ha, maka-ignorante. "Cotton candy yan."

"Cotton candy? Can I eat?" tanong ko at ngumiti.

"Oo naman, stay there lang ha. Wag kang aalis, ha?" Tumango lang ako at umalis na si Yaya Pony. Hindi naman malayo, naglalaro lang. Kami ni Mickey, bigla siyang tumakbo kaya hinabol ko.

"HEY! MICKEY, WAIT! SAAN KA PUPUNTA!!?"

Takbo lang siya ng takbo at ganon din ako nang bigla siyang tumawid sa daan, kaya tumawid din ako para habulin siya. At sakto namang kukunin ko na sana si Mickey sa gilid ng daan ng biglang may kotse na dumaan at muntik na akong masagasaan ng biglang...

BOGSSSSS (sound effect)

May humila sa akin... isang batang lalaki.

"Are you okay?"

Huhu, nagtatanong pa, malamang sa malamang hindi. Muntik na nga akong masagasaan.

"Huhuhu... si Mickey," umiyak ako, syempre masakit ang katawan ko at sa pagkawala ng alaga ko.

"Shhhh... don't cry. Hahanapin ko ang aso mo. Dito ka lang, ha?" sabi niya. Tumango lang ako at tinulungan niya akong makatayo at pinaupo sa loob ng... van.

"Dito ka lang, ha? Hahanapin ko lang ang aso mo."

"Huhuhuhu... please, hanapin mo siya." Pinahid niya ang luha sa pisngi ko at umalis na para hanapin ang aso ko.

35 minutes after, andito na siya hawak-hawak ang aso ko at pawis na pawis. Mukhang nagsitakbohan ata.

"Pinag-alala mo si Mommy," sabi ko kay Mickey.

"Anak mo siya?" tanong niya.

"Kailan ka pa nakakita ng batang babae na nagkakaanak ng batang aso?"

"Ngayon... I'm just kidding," ngumiti siya. Yong ngiti niya, kita lahat ng ngipin. Ang cute!

"Thank you for saving me from danger," ngumiti naman ako sa kanya. "By the way, I'm Hopie." Nilahad ko ang kamay ko para makipagkamay; tinanggap niya naman.

"Quen ang pangalan ko, pero tawagin mo na lang akong Quenito," ngumiti siya.

TUG...DUGG
TUG...DUGG
TUG...DUGG

Bigla akong kinabahan sa paghawak niya sa kamay ko.

"Sino pala kasama mo?"
Ayy, oo nga pala, baka hinahanap na ako ni Yaya Pony.

"Yaya ko... baka hinahanap na niya ako."

"Nagyaya ka pa? Ilang taon ka na?"

"Six... ikaw?" tanong ko.

"Seven. Halika, hanapin natin ang yaya mo. Hahanapin ko din kasi ang driver ko..."

"Tara." Bumaba na ako ng van. Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Para safe ka," ngumiti lang ako sa kanya at tumawid kami ng daan papunta ng park. Pagdating ko sa park, agad kong nakita ang Yaya Pony ko na umiiyak.

"Yayapony!" Tamakbo ako sa kanya at niyakap siya. "Sorry kung nag-alala ka," sabay punas ko ng luha niya gamit ang daliri ko.

"Nag-alala talaga ako. Saan ka ba ng punta?" tanong ni Yaya Pony.

"Hinabol ko si Mickey," sagot ko.

"Mabuti na lang naabutan mo?"

"Hindi po! Tinulungan ako ni Quenito... Quenito, halika!" Hinila ko siya papalapit kay Yaya.

"Hay po," sabi niya at ngumiti.

"Ay, ang gwapo mo naman, Quenito," sabay pisil ng ilong niya ni Yaya.

"Si Hopie lang po ang pwedeng tumawag sa akin ng Quenito..." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ako lang pwede...

"E, ano itatawag ko sa'yo?" tanong ni Yaya.

"Quen na lang po."

"Sir!"

Napatingin naman kami sa sumigaw na lalaki at mukhang hingal na hingal.

"Andito ka pala... "habol-habol ang hininga.

"Manong Tony, malaki na ako, kabisado ko na ang buong park na 'to," sabi ni Quenito.

"Sino 'yang mga kasama mo?" tanong ni Manong Tony.

"Si Hopie at si Yaya Pony... Yayapony, Hopie, si Manong Tony, barkada ko."
Wow ha, ang tanda na ng barkada niya.

"Ang ganda naman ng batang to. Bagay kayo, sir at saka sir driver ko. Hindi mo ko barkada," tumawa naman kami ni Yaya.

"Kain na muna tayo," yaya sa amin ni Quenito habang nakangiti sa akin.

......

The Promises [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now