"Lyka!" Sigaw sa akin ni Elise nang magsimula akong tumakbo palayo. Alam kong hinabol nya ako kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
"Lyka! Mag-usap tayo!" Tawag nyang muli sa akin pero hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo. Rinig ko ang unti-unting pahina ng pagtawag nya mula sa likod ko hanggang sa hindi ko na ito marinig, marahil ay tumigil na sya sa pagtakbo.
Humahampas ang malakas na hangin sa aking balat pero ramdam ko pa din ang patuloy na pagtulo na pawis sa aking nuo, ininda ko ang pagod at ang panginginig ng aking buong katawan at pinagpatuloy ang pagtakbo patungo sa gubat.
Hindi ko alam ang rason kung bakit ako nagkakaganito, ang alam ko lamang ay natatakot ako at kailangan kong lumayo. Rinig na rinig ko ang lakas ng pagtibok ng aking puso sa kabila ng ingay ng aking paghabol sa hininga.
May kakaibang nangyayari sa katawan ko, sa akin, kinakabahan ako sa mga maaring mangyari. Hindi ko alam ang gagawin, litong lito na ako, pakiramdam ko mababaliw na ako.
Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng gubat at tanging ang parte ng buwan lamang na hindi natatakpan ng ulap ang nagsisilbi kong ilaw. Tumigil ako at napaupo sa damuhan. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Patuloy ang panginginig ng buo kong katawan, takot na takot ako, lalo na at hindi ko alam kung anung rason at bakit.
Napalingon ako nang makarinig ako ng kaluskos. Tumayo ako at sinubukang alamin kung saan nanggaling yung kaluskos, pinahid ko ang luha sa aking mata para mas makakita ng maayos.
Sumalubong sa aking paningin ang nanlilisik na dilaw na mga mata. Tila mas lalong pinuno ng takot ang aking buong katawan. Nagtangka akong tumakbo ngunit bigla ako nakaramdam ng kakaibang sakit.
Hindi ko mapigilang mapasigaw dulot ng hapdi, napahiga at napabaluktot ako sa sobrang sakit ng nararamdamam ko, dinig ko ang bawat paglagutok at ang unti-unting pagkabali ng mga buto sa aking katawan. Hindi ko na alam ang gagawin, natatakot ako, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mata. Wala na akong napapansin sa aking paligid basta ang alam ko lang ay pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya.
Ramdam ko ang unti-unting pagbagsak ng aking mga mata ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay, narinig ko ang mahinahon at malamig na boses ng isang lalaki.
"Stop fighting it."
UPDATED: January 02, 2019
YOU ARE READING
Bane [On Going]
WerewolfSimula ng ika-18 na kaarawan ko, ramdam ko na may kakaibang manyayari, alam ko may unti-unting nagbabago sa sarili ko, hindi ko matukoy kung ano. Pinilit ko balewalain ang mga senyales pero patuloy pa din akong binabagabag ng takot. Takot sa mga maa...
![Bane [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/172908618-64-k275750.jpg)