Prologue

4.8K 98 5
                                    

“Ano? Nagkakaproblema kayo ni Flimsy?” Tanong ni Joed sa akin.

Iritableng pinahiran ko ng bimpo yung pawis ko. Umingos sa gilid ko si Rico. “Pustahan tayo ayaw sayo ni Secretary?”

Lalo lang akong nainis sa kanilang dalawa. Sabay pang ngumisi ang dalawang gago. Palibhasa sila, wala silang problema. Ito yung mga panahong gusto kong sisihin na hindi ko nakilala yung tatay ko. Gusto ko siyang sisihin kung bakit ako naging ganito. Kung bakit isa akong amerasian. At bakit hindi ako pinanganak na katulad nila.

Tinapik ako ni Rico at ngisihan. “Kung ako sayo, bubuntisin ko na si Flimsy. O e di ayos. Wala ka ng problema diba?”

“Maganda yang ideya mo Rico.” Tumango-tango si Joed. “Para mamaya mababalitaan na lang namin yung bangkay mo palutang-lutang na lang sa ilog Pasig.”

“Mga tarantado!” Napapikit ako. Kanina ko pa kinokontak si Flimsy pero hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasagot yung mga tawag ko. Napapikit ako sa inis.

Umupo sa tabi ko si Joed.

“O, mga dude. I have to go. Alam niyo naman si Misis. Dammit, she’s wrecking the whole room when I get home even a minute’s late.” Napapailing at napapabuntong-hininga si Rico. Kung hindi ko lang alam tila gusto kong matawa sa itsura ni Rico. Parang hirap na hirap sa sitwasyon niya. If I know.

Ngumisi si Joed. “No choice ka si Tanya yun e.”

“Anong no choice? May choice ako no! I chose Tanya!” Umingos ito at lumabas ng dugout. Tahimik lang at umiling ako sa kanilang dalawa. Tinapik ni Joed yung balikat ko habang dina-dial yung phone niya. “Shit na malagkit. Bakit kailangang lahat kayo okay? So kailangan ako lang ang naghihirap?” I muttered under my breath when Joed chuckled. Aba, ang gago ni hindi na ako napansin.

“Teka, ano? Malelate ka ng uwi? Ano?! Pero Nina—”

Mabilis itong napatayo at kinuha ang duffel bag. Kung nakangiti siya kanina nakakunot-noo na ito ngayon. “Okay. So… hindi ka na malelate ng uwi? Palabas na ko. Tapos na practice namin. I’ll just get you from—What Nina?! Anong hindi ka na malelate kasi… dammit, hindi ka malelate kasi magoovernight ka na lang diyan kina Dave? No way! Sa condo ko na lang kaya kayo magovernight para diyan sa lintek na thesis na yan! Nina naman. Sabi ko naman kasi sayo magpakasal na tayo. But you still don’t want us to…” Halos pasigaw na sabi ni Joed habang palabas pero rinig na rinig ko pa rin.

Umiling ako. At least kahit ayaw magpakasal pa ni Nina, well, sa ginawa ba namang katarantaduhan noon ni Joed ewan ko na lang. Gusto pa muna ni Nina na magtapos ng pag-aaral. And Joed was now there to support her all the way. A sign that Joed was maturing in some ways. Lalo na sa pag-ibig ni gag okay Nina.

“Flimsy?” Napaangat ako sa upuan ng marinig ko ang boses ni Flimsy sa kabilang linya. “Babe, I was so scared. Ni hindi ka man lang sumasagot sa tawag ko. Ni hindi ka man lang nagtetext—”

“Gab, stop texting me or calling me from now on.”

Natigilan ako sa narinig ko. Parang namanhid yung buong katawan ko. “F-Flims?”

And the phone went dead.

A Flimsy Love (Ang Player at Ang Attorney)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon