Six. Real you

1.6K 63 23
                                    

This may be a deal-breaker to some. Pero gusto ko talaga si Shasha. Bear with me.

Six. Real you

“Ay! Ano ba to! Hindi man lang nilagay kung anong brand.”

Napatingin lang ako kay Rico habang tulak-tulak ko yung cart habang namimili kami. Wala akong sa mood. Ewan ko ba kung bakit ako nahila ni Rico dito. Nagpasamang mamili ng mga trip kainin ni Tanya. E pucha, di naman ako yung asawa. Hinablot ko yung papel at tinignan yung mga nakasulat dun. Isa-isang kumuha ako ng lahat ng brand sa mga istante ng lahat ng pinapabili ni Tanya.

“Huy Gab! Ano yan? Magtatayo ba kami ng grocery store sa bahay? Isa-isang brand ng gatas?”

“Para matapos na tayo dito.” Sabi ko sa kanya.

“Palibhasa hindi ikaw ang magbabayad e!”

Nagkibit-balikat lang ako. “Narinig mo ba yung balita?”

“Hindi ako chismoso.” Sabi ko kay Rico. “Sumama daw si Flimsy sa isang one-month tour kasama yung mother niya.”

Natigilan ako. My hand squeezed tight. My knuckles were getting white. Hindi siya nagpaalam sakin. Umiling ako at tinulak yung cart. Pumila kami ni Rico. “Pucha, kung may makakakita sating dalawang namimili ng mga ganitong mga pambabae iisipin—”

“Bromance.” Ngisi ni Rico. Umiling ako sa katarantaduhan nito.

“Alam mo ba yung anak ni Lora Brilliantes? May pinakalat na nude picture daw. Nakita mo na ba sa internet yun?” Napakunot-noo ako nung narinig ko yun sa dalawang babae sa harapan kong nakapila din. “Yun? Muka namang photoshop. Maputi kaya siya, tan yung babae sa picture.”

“Actually, sabi sa balita mga may theory na si Lora yun nung kabataan ni-revive lang yung picture. Magkamukhang-magkamukha kaya sila.”

“Malay mo naman siya talaga yun diba? Like mother, like daughter.”

At sabay nagtawanan silang dalawa. Naiinis na tinignan ko lang sila. Mga chismosa. “Graduate pa naman siya ng law.”

“Pero ang balita ko pangatlong take niya na itong darating na bar exam e. Hindi pa rin pumapasa.”

“Hahaha. I knew it. Look at her, she’s just a no-brainer. Puro beauty, bobita naman.”

A Flimsy Love (Ang Player at Ang Attorney)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon