Chapter 1: Flashbacks

8 2 0
                                    

Chapter One

Sabrina's P.O.V

[Flashback 2 years ago]

"I love you!!" Agad akong napangiti sa binungad ni Bryan saakin.

"Aga aga ang keso mo!" Hindi nya pinansin ang sanabi ko tska nya ko siniil ng malalim na halik. Every morning na nandito sya, palagi syang ganyan. Nasanay narin ako dahil nasakanya yung Spare Key ng Condo ko. Well, nasa iisang condo tower lang kami.

"Hmm." Sya na rin ang kusang kumalas sa halik na ibinigay nya.

"Ang aga aga ang sarap mong halikan!" Panunukso nya. Agad ko syang pinalo. Grabe naman tong lalaking to.

"Breakfast is ready!!" Sigaw ko ng makaluto ng pagkain. Simpleng bacon and hotdog with fried rice yung niluto ko.

"Hindi pa ba breakfast yung kanina?" Sinamaan ko sya ng tingin.

"Okay, okay sorry na!"

Kung iisipin nyo parang nag lilive in narin kami. Pero pagka maytime lang namin napupuntahan ang isat isa. Bukod sa morning, kung may available time kami dun kami nagbobonding. Minsan tabi kami matulog, pero dahil sa busy ako sa Company namin hindi ko sya masyadong mabigyan ng pansin.

"I thought, wala kang meeting sa Company?" Napatingin ako sa pintuan ng kwarto at nakita ko syang nakasandal don.

"Saglit lang naman 'to Bry. Akala mo naman hindi na tayo magkikita!" Binlower ko yung buhok ko at isinuklay.

"Ang akala ko ba aalis tayo? Puro yung kumpanya nyo nalang ba? Isipin mo rin naman na 'Hello Sab! May boyfriend kang nagiintay dito, wag puro trabaho!' " Napabuntong hininga ako at isinuot na yung sapatos ko.

"Sorry, babawi ako. Promisse! Ill be back, Hon." I said and kiss him on his lips. Pero hindi nya tinugon yun.

"Tss. Magsama nalang kayo ng trabaho mo!!"  Napabuntong hining ako habang tinitingnan sya habang kinuha yung gamit sa couch at malakas nyang isinara yung pinto.

"He's really mad" Bulong ko sa sarili.

--

"Daaaaaaad!! Bakit ba kayo gumagawa ng desisyon ng hindi ako kino-consult?"

"Lower your voice Sabrina!, Kailangan mo agad umalis. Naghihintay ang investors sa Malaysia!" Sigaw nya.

"Why me? Kanina lang nag away kami ni Bryan dahil puro trabaho ang inaatupag ko. Dad, please naman oh!" Sabi ko ng malumanay na tono.

"Then fix it right now! May 3 hours ka nalang Sabrina"

"What?!! Dad! Are you insane? Ngayon ako aalis? Eh yung boyfriend ko galit pa sakin."

"I said, fix it right now! Explain it to him. I know Bryan will understand." Sasagot sana ako pero biglang dumating yung secretary nya.

"Sir, Ngayon po nakaschedule yung Meeting with Mr. Chen. Naghihintay na po sila."

"Ill go ahead sweety, Fix that problem. I know you can do it. And, uhh about Bryan, Sabihin mo na. Naghihintay ang Mommy mo sa malaysia. I need to go. Mr. Chen's here." Agad akong napabuntong hininga at umalis sa Office ni Daddy.

The Return [Suho FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon