VI

11 0 0
                                    

So close....

Makaraan ang ilang minuto ay kinatok kami ni Mamay.Si Van naman ang nagbukas ng pintuan dahil nasa banyo pa ako noon,naliligo.

"Ahmm..Cart..Carter ano eh..ano.."putol putol na salita ni Van habang kumakatok sa banyo.

Natuon pa at nagsho-shower at nag sha-shampoo ako kaya hirap akong makakita dahil sa bula at hindi ko rin masyado maintindihan ang sinasabi niya sa lakas ng shower..

"Sandali lang!"sigaw ko.

Tumigil naman siya sa pagkatok.Maya-maya natapos na akong mag-shower at magshi-shave na sana nang..

"Van!..asan yung robe,towel?!"sigaw ko mula sa loob.

Narinig ko naman ang mga yapak niya at nasisigurado kong tumakbo ito papalapit sa pinto..

"A-ano kasi ..kukuhanan nalang kita ng towel!sandali lang mag-antay ka.."sigaw niya mula sa labas hanggang sa wala na akong marinig.

Inayos ko muna ang mukha ko habang walang kahit anong saplot sa loob ng banyo.

"Eto na!Paano ko ibibigay?!"sigaw niya uli.

"Sandali.."

Binuksan ko ng kaunti ang pintuan at iniabot naman niya sa akin ng maayos ang towel.

Parang wala na ngang silbi yun eh..tuyo na ang buong katawan ko dapat pala damit nalang.

Maya-maya nang matapos na ako sa banyo lumabas na ako.

"Ahhhhh"

"A-aray.."daing ko dahil sumakit ang dibdib at likod ko.

Nakahilig kasi ito sa pintuan.Siyempre sasakit talaga ang katawan ko isang...halos sobra isang kilong metal ba naman ang dumagan sa'yo.

"A-ayos ka lang?"tanong ni Van sa akin na may bahid ng pag-aalala.

Hindi naman ako nakakibo dahil lumapat ng kaunti ang labi niya sa akin nung natumba kami atsaka hanggang ngayon nasa ibabaw ko siya,not a good scene to watch.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa pintuan?!"asik ko sa kaniya.

Nagmamadali naman siyang tumayo at nakita ko ang pamumula niya.

Isa din iyun sa kakaiba kay Van dahil kung anong balat meron ang totoong tao meron din siya hindi lang pareho ng lamang loob,at kung ano ang nararamdaman niya nag re-reflect sa balat niya.

"Don't do that again."sabi ko sa kaniya ng mahinahon pero may bahid ng pagbabanta.

"Nag alala lang naman kasi ako baka kung ano nang nangyari sayo sa loob kasi ang tagal mong lumabas tinata-"

"Shhh"Sabay takip ko ng bibig niya habang tinututukan ng maayos ang mata.

"Hey..car--"

Natigil kaming dalawa nang may pumasok sa kwarto.

"Ano?!"sigaw ko kay Nuj ns pumapasok nang walang katok?!

"Owww"malisyosong sabi niya.

"Bat kaba hindi kumakatok?!"sigaw ko ulit.

"Tawag na ni mommy at daddy mo kakain na daw kanina pa pala si Mamay kumakatok dito hindi mo man lang pinagbuksan dahil busy ka"sabay makahulugang ngisi niya.

Ano na naman kayang kabulastugan ang iniisip ng isang to.

"O sige bababa na kami magbibihis lang ako.Bumaba ka na"

Binitawan ko na si Van at naupo nalang siya sa couch habang pumupunta ako sa closet para kumuha ng damit.

Babalik sana ako ng banyo para magbihis nang andoon padin si Nuj sa pintuan kasama ng nakakainis niyang ngisi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 MY GRANDFATHER'S FIRST LOVE(on Going)Where stories live. Discover now